Introduction

40 0 0
                                        

"Dali na, Yin. Schedule mo naman ngayon e. Ako na bumili ng pagkain natin kahapon e. Ikaw naman ngayon please?"

"Sige na nga. Ikaw talaga, Penny. Pera mo?" tanong ko sa kanya. Nagabot naman sya ng pera nya.

"Yung nakagawian natin, ha, Yin?" sabi nya habang iginagalaw pa yung kilay nya

"Okay" sagot ko

Nagkahiwalay kami nang magumpisa na akong maglakad para bumili ng pagkain namin at sya, hahanap ng uupuan namin. Nang makarating ako ay bumili ako ng Lasagna at Mac and Cheese tapos dalawang Brownies at Sprite. Yan ang parati naming kinakain. Lasagna yung akin, Mac and Cheese kanya.

Pagkatapos ko makabili, dala-dala ang pagkain namin, naglakad ako at hinanap sya. Nakita ko naman sya ng iwagayway nya ang kamay nya.

"Ay shit" napabulong ako ng makuha ko ang atensyon ng nasa tabi naming table. Napatingin pa sya sa akin saglit nang mapansin ako at saka itinuloy ang pagkukwentuhan nila ng kaibigan nya.

Nilapag ko yung tray sa table saka uupo na sana sa tabi ni Penny para medyo malayo sa kanya. Pag kasi doon ako sa tapat ni Penny umupo, magkatalikuran kami.

Whoo. Act natural, Yirenelle.

Paupo na sana ako sa tabi ni Penny nang may isang babae ang biglang pumunta malapit sa amin.

"Miss, may nakaupo ba dito?" tanong ng babae kay Penny

"Walang nakaupo" sabi ni Penny at nginitian pa yumg babae.

Great, Penelope. You did a very good job.

Siguro binigay nya yung upuan kasi may upuan pa naman. Yun nga yung magkatalikuran kami. Argh.

Naglakad ako ng natural papunta sa upuan. Kahit pa sa panlabas kong anyo ay wala akong pakialam sa nasa likuran ko, sa loob ko naman ay tumatalun-talon na ang puso ko.

"Thank you, Yin!!!" Sigaw pa ni Penny nang makita nya yung Mac and Cheese. Nginitian ko sya at sinimulan na ding kumain.

Ilang saglit pa'y nang matapos kami, tumayo na kami para bumalik ng room. Magkaiba kami ng section ni Penny. Pero katabi lang sya ng room namin, at kaklase nya yun.

Seryoso yung lalaking crush ko ay di ko kilala. Nakakatawa diba? Di ko nga sya kilala. Basta alam ko ang pogi nyang tignan, sakto lang yung height nya kasi konti lang yung agwat nya sa height ko.

Nagpaalamanan kami ni Penny nang babalik na kami sa room namin. Pagpasok ko ng room namin ay dumeretso na ako sa upuan ko. May mga kaibigan naman ako dito kaya lang iba parm rin yung mula Grade One bestfriend mo. Kilalang kilala ka, kilalang kilala mo.

----

Section-Blue.

"Okay, class. For your quiz tomorrow, you need to memorize the Atomic Symbols in Periodic Table of Elements. Clear?"

"Yes, sir"

Umalis na nang room si Mr. Ramirez pagtapos nya magsabi ng gagawin. Vacant daw kami sa susunod na Period kaya nagmistulang palengke nanaman ang room namin. Nagbasa-basa na ako sa Periodic Table para mamaya pagkareview ko sa bahay ay medyo may alam na ako.

---

Section-Red.

"Mr. Greg. Pakibigay itong mga ito kay Ms. Vasque tapos ipasulat sa board. Yan ang iniwang activity ng teacher nila bago magabsent." utos sa akin ni Mrs. Varenza

Tumayo ako para kunin yung ipapasulat.

"Ma'am! ako na po magbibigay kay Vasque, bestfriend ko po yun!" sigaw ni Penny Castillo na kaklase ko.

"Sino ba yung Casque?" tanong ko.

"Yung kasama ko kanina sa Canteen, Harris!" sagot ulit ni Penny

Ah. Yung president ng Section Blue. Ang alam ko sya din ang Rank Three sa kanila, a? Lumabas ako ng room at pumunta sa kabila. Kumatok ako at binuksan yung pinto. Bumungad sa akin ang maingay na mga estudyante, syempre vacant e.

"Yung president daw nasaan?" tanong ko sa isang lalaking malapit sa pinto

"ayun oh" sabi nya't tinuro ang isang babae nakaearphones at nagbabasa ng libro.

------

Section-Blue

Ag is Silver, Au is Gold, K is Potassium---

"YIN!" Sigaw ni Nathaniel na kaklase ko. Nagulat ako kaya nanlaki yung mata ko.

"Ah bakit?" tanong ko

"May naghahanap sayo!"

"Sino?"

"Ayun oh, nasa pinto!"

Tumingin ako sa pinto at nakita ko yung crush kong di ko kilala. Bakit sya andito? Tumayo ako at naglakad papuntang pintuan.

"Yes?" tanong ko

"Isulat daw to sa board sabi ni Mrs. Varenza. Ito daw yung iniwang activity ng teacher nyo" sabi nya

Habang tinitignan ang isusulat sa board ay nakita ko yung ID nya. Woah, Harris Anthony L. Greg.

"Thanks" sabi ko

Umalis na sya at sinarado ko na yung pinto.

"Jeanette, isulat daw ito sa board. Activity daw" sabi ko sa secretary namin na sinulat naman agad

Oh my. Harris Anthony L. Greg. Alam ko na ang name mo. Muahahahaha.

_________________________

©brigitte//

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 23, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Expected the UnexpectedWhere stories live. Discover now