To Love Is To Sacrifice

185 71 181
                                    


Ako si Calixto Drae Nameras, nangangakong mamahalin ka sa Hirap man o Ginhawa, till death do us apart.

Ako si Seleccha Dilliah ay nangangako rin na mamahalin ka sa Hirap man o Ginhawa till death do us apart.

Sa kapangyarihang Ipinagkaloob sa akin ng Panginoon, I now pronounced you Husband and Wife.

Hindi ko magawang pigilin ang pagpatak ng mga luha ng aking mga mata habang nagkakatitigan kaming dalawa ni Calixto. Naalala ko rin yung mga panahong nagkakakilala palang kaming dalawa.

Fourth year high school ko siya nakilala his not the ideal man that I like, hindi siya ganun katalino, hindi rin sya ganun ka puti pero hindi ko maipagkakaila na gwapo talaga sya.

Pina realize niya saakin na kahit hindi siya ang ideal man ko ay kaya nyang paibigin ang kagaya ko.

Galing sa mayamang pamilya si Calixto, kilala ang kanilang pamilya dito sa aming probinsya maraming sabi-sabi tungkol sa pagiging matapobre ng mama ni Calixto, pero hindi ko rin naman alam kung totoo ba ang mga ito.

Si Calixto ang unang lalake sa classroom na naging close ko, naging malapit kami sa isa't-isa na halos naging mag bestfriend kami, ito rin ang naging dahilan para mahulog kami sa isa't-isa.

"Calixto, saan ba tayo pupunta?" Hinihingal na tanong ko sakanya, paano ba naman hinila niya lang ako kanina doon sa classroom.

"Basta maganda yung pupuntahan natin!" nakangiting sabi nito sakin, habang labas na labas yung dimples nya.

Ilang minuto din ang lumipas ay natigil na kami sa kakatakbo, inikot agad ng mga mata ko ang paligid, ang ganda nga ng lugar at mukang lihim ang lugar na'to.

Agad na binalikan ko ng tingin si Calixto at takang nag tanong dito.

"Uyy Calixto, anong ginagawa natin dito?" Takang tanong ko sakanya, habang manghang-mangha parin ako sa nakikita ko sa paligid.

"Gusto ko kasing maging memorable 'to!" nakangiting sabi lang nito.

"Ano bang ibig mong sabihin?" Kabado at takang tanong ko parin sakanya, diko kasi siya magets.

"Hindi pa man ganun ka tagal yung pagiging magkaibigan natin, pero alam ko na ikaw na yung babaeng mamahalin ko hanggang sa kamatayan" seryosong sabi nito, habang naka luhod pa sa harap ko.

Bigla akong natawa sa sinabi at  ginawa nito, hindi ko kasi siya magets.

"Ang corny mo!" Sabi ko sabay pinalo ko yung braso niya.

Hindi lang ito kumibo, pahiwatig na seryoso nga yung sinasabi niya

"Seryoso ka ba talaga?" Takang tanong ko dito

"Oo nga, can you be my Girlfriend?" nakangiting sabi nito ulit sakin

Alam ko sa sarili ko na mahal ko rin siya, hindi ko rin lang masabi sakanya, siguro kilala ko narin naman siya kaya't wala naman sigurong dahilan para hindi ko siya payagan.

Nginitian ko 'to, ngiting alam niya na kung ano ang ibig sabihin.

Matapos na magets ni Calixto kung anong ibig sabihin nung ngiti ko ay nagsi-sigaw ito.

To Love Is To SacrificeOn viuen les histories. Descobreix ara