To Love Is To Sacrifice

Start from the beginning
                                    

Wala namang rason na para humindi ako, may gusto rin naman ako sakanya kaya't bakit hindi.

Maraming maaaring maging hadlang sa relasyon naming dalawa ni Calixto, pero bahala na, ang importante ngayon masaya kaming dalawa ni Calixto.

Isang memorable na araw 'to sa amin ni Calixto.

Tumagal yung relasyon naming dalawa kahit na kami lang ang nakaka alam, maging mga kaibigan at magulang namin ay hindi alam ang relasyon naming dalawa ni Calixto, nag d-date kami ng patago, pumupunta sa lugar na alam naming wala sa aming makakakilala.

Nakapagtapos kami ng high school na nananatiling masaya ang aming relasyon, isa lang naman ang pinag aawayan naming dalawa, ang palagiaan nyang pamimilit na sabihin na namin sa mga magulang namin ang tungkol sa relasyon namin.

"Babe, Tapos naman na tayo ng High School, baka pwedeng sabihin na natin kila Mommy?" nagmamakaawang pamimilit nito lagi sakin

"Wag muna ngayon, gusto ko munang maka pagtapos ng kolehiyo" seryoso't palagiaang sagot ko dito

Bihira nyana akong pilitin, bihira narin naman kasi kaming magkita, lagi lang kasi syang sa mansion nila, gustohin man daw nyang lumabas ay hindi nya magawa sapagkat binabawalan sila ng Mommy nilang matapobre.

Sa Maynila mag kokolehiyo si Calixto, yun ang sabi nya sakin, yun daw kasi ang gusto ng Mommy nya.

Isang pagsubok ang haharapin namin ngayon ni Calixto, malayo ang distansya ng relasyon naming dalawa, ngunit alam naman namin na kakayanin namin 'to.

Business related ang Kursong kinuha ni Calixto, yun daw kasi ang gusto ng Mommy nya, dahil sya raw ang magmamana ng negosyo nila, Civil Engineering naman ang kinuha kong kurso.

Tumagal ang relasyon naming dalawa ni Calixto, halos 5 years na ngayong taon, hindi man namin na i-celebrate yung mga anniversary namin, ay ok lang, sapagkat naiintindihan namin ni Calixto ang sitwasyon naming dalawa.

May mga tao nang nakakaalam ng relasyon naming dalawa ni Calixto, alam na ni Mama pati narin yung iba kong kaibigan.

Graduating na kami ngayong taon, napag usapan narin namin ni Calixto na sasabihin na namin ngayon yung tungkol sa relasyon namin sa parents nya.

"Ngayon na tapos na tayo sa Pag-aaral, baka pwedeng aminin na natin yung relasyon natin kila Mommy?" Tanong sakin ni Calixto, Habang kausap ko siya sa telepono

"Sige na tuloy!" maikli at kabadong sagot ko dito

Iba kasi ang ugali ng Mommy ni Calixto, sya lagi ang nasusunod, lahat ng nais nya laging sinusunod nila Calixto at syempre matapobre talaga 'to.

"Baka sa makalawa ako lumuwas ng Maynila, Lunes palang naman ngayon tsaka mag-iipon muna ako ng pamasahe, ayoko naman kasing sila Mama pa ang umasikaso ng pamasahe ko......."

"Calixto, lamabas kana dyan, aalis tayo bilisan mo may pupuntahan tayo!" malakas na sigaw ang narinig ko galing sa bahay nila, mukang Mommy nya siguro yun.

"tooottt, tooottt, tooottttttttttt" Bigla nalang naputol ang linya ni Calixto, ni hindi na sya nakapag paalam sakin.

Simula nung huling pag-uusap namin ni Calixto nung Lunes ay hindi ko na sya naka-usap pang muli, ang huling mensahe na nanggaling sakanya ay yung address nila sa Maynila.

To Love Is To SacrificeWhere stories live. Discover now