C-12

40 24 3
                                    

C-12




Nakita ko na si Zach pagpasok pa lang ng Entrance ng Cafe kinawayan niya ako pero napahinto nang makita si Ulap sa likuran ko, Ngumisi pa ang lokong Zach at umiiling-iling na tumayo at umakbay kay Ulap na nagulat sa presensya niya.




"Anong ginagawa mo rito?" kunot noong tanong niya kay Zach.



"Psh. Dre, ako dapat ang nagtatanong niyan. Bakit ka nandito? hindi naman sinabi ni Lhite na kasama ka ah!" Tumaas ang kilay ni Ulap at tumingin sakin.



"Magde-date kayo 'no? Kaya ba ayaw mo 'kong isama?!" Kumunot ang noo niya.



Magde-date daw! Ikaw ba si Zach para i-date ko? CHAROT! May Euna na siya Lhite magtigil ka na.




"Date ka d'yan! Kakain lang kami!" Tanggi ko agad at naglakad na palabas.




Si Ulap ang pumili ng kakainan namin dahil madami daw siyang alam na masarap ang mga pagkain.





"Oh, Kamusta naman ang plano niyo?" Nakangising tanong ni Zach sa gitna ng pagkain namin.




Magkatapat kami ni Ulap at nasa gilid naman namin si Zach, sa gitna nakapwesto.




"Euna hasn't answered me yet." Sagot ni Ulap habang nakasandal at nakatingin lang sa pagkain. Kumain lang naman ako at hindi sumagot, Wala naman kasi akong ambag sa plano ni Ulap, ang gagawin ko lang ay maghintay na sagutin siya ni Euna.





"30 days lang ang ibinigay sa inyo, Right? After 30 days kasal niyo na."
Sana.




Walang sumagot sa amin ni Ulap kaya naman umiling-iling si Zach.





"Bakit kasi hindi niyo na lang ituloy?" Nakangiti pa rin siya na para bang trip kami ni Ulap.






"I love Euna." Seryoso na naman si Ulap. My heartue!





"I love…" Tumingin ako kay Ulap na nakatingin din pala sakin, naghihintay ng sasabihin ko. "BTS" Tsaka ko siya inirapan.




"Hay nako" Umiiling-iling pa si Zach. "Bahala kayo, Anyway Lhite Busy ka bukas?"




"Hmm, hindi naman."




"Nood tayo cine, may bagong horror movie!" Ngumiti siya sakin habang tumataas-taas pa ang kilay. Napatingin ako kay Ulap na nakatingin sakin pero nang magsalubong ang tingin namin ay tinaasan lang ako ng kilay.





"Sige!"




"Yun!" Pumalakpak pa ang lokong Zach.




Natapos na kaming kumain kaya nagpaalam na si Zach, Kami naman ni Ulap dumiretso sa market. Kailangan ulit naming bumili ng stock.




Pagkatapos naming mamili ay lumabas na kami, Sa labas ay may namimigay ng papel na naka-costume ng Dora.




My favorite Dora!




Hinila ko si Ulap palapit doon.




"Ulap, Kuhaan mo kami ng picture bilis!" Excited kong sambit at iniabot ang cellphone ko.Napatitig muna siya sakin ng matagal bago umiling at kumuha ng picture.




"Tara! Sama ka naman!" Aya ko sa kanya at nakisuyo sa iba na kuhaan kami ng picture.




Nasa gitna si Dora at kami naman ni Ulap ay nakayakap sa kanya, Nakapatong tuloy ang kamay ni Ulap sa kamay ko.




Unexpected You COMPLETED✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon