C-5

53 38 4
                                    

C-5



Hindi ko na tinignan kung nag-reply pa siya. Nagbihis na lang ako at nag-decide na pumuntang book store.



Pagdaan ko sa may sala ay nakita ko ang box ng cupcake kanina, Dalawang box kasi yung ginawa ni Zach at yung isa yung binawasan ko.



May sticky note pa na nakadikit.



‘Tsk. Baka hindi ka makatulog kaya iniwan ko na 'tong isa, Hindi lang naman ako Gwapo mabait din…at hindi madamot’


Ay wow may paganon pa? Pa-note note pa'ng nalalaman. Anyway, Natuwa din ako dahil hindi niya ako natiis!


wala talagang nakakatiis sa cute na si Lhite.


Nilagay ko muna 'yon sa kwarto at nagtuloy na paalis, Saktong paglabas ko ay akmang pagkatok ni Zach kaya naman nagka-gulatan pa kami.


"Oh? Ang bilis mo naman?" Tanong ko at pinasadahan ng tingin ang kabuuan niya. 'Yon pa rin ang suot niya, yung kanina.




"Tsh! Where's Sky?" Iritang tanong niya habang nakanguso.


"Umalis eh, Bakit ba?" Tanong ko at nagpatuloy na sa paglabas.



"That idiot, sinungaling! Wala namang sinasabi si Mom. Humanda talaga sakin 'yan mamaya!" Galit na sabi niya. Para talaga silang bata.


"Ah. Sige, Mauna na muna 'ko ha." Paalam ko at naglakad na paalis.


"Where are you going?"


"Sa Book store lang, Bibili ako ng mga wattpad books para naman may napagkakaabalahan ako, Ayaw ko'ng mabulok d'yan sa bahay na 'yan." Oh diba, Ang haba ng sinabi ko mas mahaba pa sa relasyon niyo. CHAROT!




"Samahan na kita, Wala din naman ako'ng pupuntahan eh." Ngumiti siya habang napapakamot sa batok.


"Sige ba."





Kotse niya ang ginamit namin since sasama naman siya, Besides nag-offer din naman siya.





Buong biyahe ag panay lang ang tanong sakin ni Zach tungkol sa buhay ko, syempre kwento naman ako.



Tatlong libro lang ang nabili ko dahil wala yung mga gusto ko'ng stories out of stock daw dahil mabili. Si Zach naman napabili din dahil may nakita siyang gusto niya daw.





Habang nasa biyahe na kami pauwi ay  nag-vibrate ang phone ko si Euna tumatawag.



"Yes? 'Di ka busy?"




[Actually, break lang namin kaya nakatawag ako. Saglit lang ang break namin eh.]




"Ah okay, Kumain ka na?"



[Yes, May dinala si Cutie eh Hahaha!]




Nangunot naman ang noo ko.



"Cutie? 'yon ba yung manliligaw mo na cute? Yung sabi mo'ng ang gaan-gaan ng loob mo?"



[Yeah, siya nga.]




"Aba, Level-up ha. may pahatid-hatid pa ng food sayo, seryoso ba 'yan?" Pagbibiro ko.



[Hahaha! I hope so, Ayaw ko namang ma-broken 'no.]




"Eh bakit hindi mo pa sagutin? Bet mo rin naman 'yan 'diba?"



[Yeah, Humahanap lang ako ng tamang tyempo. Masyado kasi akong busy ngayon, Hindi kami makakapag-celebrate pag-nagkataon. Hahaha!]




"Wushoo! Ako na ang maghahanda ng date niyo!"



[Aww, kaya love kita eh—Okay, Okay, I'll be there, Bye na muna Sis, Take care.]



Hindi na ako nakasagot dahil pinatay niya na ang tawag.


"Nandito na pala tayo?" Baling ko kay Zach.



"Masyado ka'ng busy eh." Ngumiti lang ako at lumabas na, Sumunod naman siya dahil nga may balak pa siya kay Ulap.


Reresbakan niya pa ng dahil sa panloloko sa kanya, Remember?



"Saan ka—Aray!" Hindi na natapos ni Ulap ang sasabihin nang malakas siyang batukan ni Zach.



"Loko ka talagang nerd ka!" Inis na sahi ni Zach.



"Hoy, Zachario! Masakit 'yon ah!"



"Dapat lang sayo 'yan!" Hindi ko na sila inintindi, Umakyat na lang ako sa kwarto at nagbasa.








KINABUKASAN, Napagdesisyunan ko'ng mamalengke dahil wala ng laman yung ref. Wala na kaming stock.



Pero syempre hindi naman prinsipe si Ulap para ako pa ang mamalengke para sa kanya, Isasama ko siya. Kala niya ha





"Damihan mo yung maanghang!" Nakangusong pakikipagtalo niya.



"Hindi nga ako mahilig diyan!" Sagot ko pabalik.



"Hindi naman para sayo, para sakin kasi!" Kunot na kunot na ang noo niya, inis na inis na.




Wala na akong nagawa kundi damihan ang maanghang na cup noodles na favorite niya daw.




Siya ang nagtutulak ng cart habang ako naman ang namimili.




"Hi." Habang abala kami sa pamimili ay may nagsalita, sabay namin 'yon na nilingon. "Pwede ko po kayong kuhanan ng picture?" Nakangiti niyang tanong. May I.D siya at may hawak na camera, sa tingin ko student siya.




Teka—Artista na ba kami? Mygad! 'Di ako na-inform. CHAROT.




"Para saan?" Tanong ko na lang.




"Nangongolekta po kasi kami ng picture ng mga ‘CUTE COUPLE’ para po sa Valentines." Nagkatinginan pa kami ni Ulap at sabay na napaiwas din agad ng tingin.




"Ah, H-Hahaha. Hindi kasi kami c-coup—"



"Pumayag ka na. Choosy ka pa ba sa gwapo ko'ng 'to?" Putol ni Ulap sa sasabihin ko.




Pinanlakihan ko lang siya ng mata pero lumapit na siya sakin at agad akong hinapit palapit sa kanya.




Jusko ang puso ko! parang hinahabol sa bilis ng tibok!





"1…2…3… Smile!" Pinilit ko na lang ang ngumiti sa camera.  Jusme. Hindi ko gusto ang nararamdaman ko. Hindi talaga! "Aah, so cute!" Ipinakita niya samin ni Ulap ang picture.



Nag-iinit ang pisngi ko habng tinitignan 'yon.




Nakaakbay sakin si Ulap habang naka-form ng heart ang tig-isa naming kamay dahil 'yon ang sabi ng nagpi-picture.



Parang tanga lang yung ngiti ko habang si Ulap naman ay simple lang ang ngiti.




"Thank you po!" At umalis na nga yung estudyante. Binigyan pa kami ni Ulap ng tig-isang copy nung picture namin.



"Para ka'ng nata-tae sa picture Hahahaha!" Pang-aasar niya habang tinutulak yung cart.



"Syempre hindi ako prepared! Malay ko ba'ng may ganon dito! Tsaka hindi naman kasi tayo dapat nagpa-picture do'n! Couple tayo ha? couple tayo?"



"Tsh! Talsik mo lumalaway!" Umiwas siya ng tingin at tumawa.




Kainis! Ayoko talaga nung naramdaman ko kanina! Nababasa ko sa wattpad yung mga ganon! Nakakainis!

Unexpected You COMPLETED✔Donde viven las historias. Descúbrelo ahora