"Akala ko rin," sagot ko sa tanong niya. "Now, I'm not sure. My body's reacting differently."

Sumeryoso ang mukha ni Bea. In-adjust niya ang camera at nakita kong nakapangalumbaba siya. "Ano bang nararamdaman mo?"

"Kinakabahan ko," I said honestly. "Isa pa, nagtataka parin ako kung bakit 'to ginagawa ni Raffy. Napipilitan lang ba siya? Nabibigla dahil parang kinorner ko siya? Kung nadoon ka lang nung nag-uusap kami, masasabi mong umandar nanaman ang kaprankahan ko. Bea, it's Erika all over again."

Bea tilted her head to the side, thinking. "'Di naman frend. Iba naman si Erika kay Raffy."

I sighed for the nth time today. Erika, the one Kevin was currently pining on, used to be my best friend, too. Kaibigan na namin siya ni Bea way back in high school. Pero dahil sa pangingialam ko, at sa bibig kong hindi matigil sa pamamrangka, nagkasiraan kami.

"They're both my best friends," sagot ko kay Bea.

Kumurap si Bea. "Akala ko ako ang best friend mo?"

Umirap ako. "Narami kayo."

She clicked her tongue. "Ouch."

"Pero seryoso, Pres. Pa'no kung... pa'no kung after nito... magfriendship over na rin kami?"

Seven years, I thought. Erika and I were friends for six long years, pero nagkasiraan din kami. What if... what if I messed up again?

Bea started to say something, but then we heard their door chimes ring. Lumingon siya sa kaniyang likod kasabay ng tawag ng nanay niya sa kaniyang pangalan. Bea winced.

"Constumer," bulong niya sa 'kin. "Kailangan ko nang umalis."

Sumimangot ako pero tumango rin. Gusto ko pa siyang kausapin para gumaan ang loob ko pero wala naman akong magagawa. May buhay rin ang kaibigan ko.

"Pero bago ko ibaba, ito ang sasabihin ko: --" Tumikhim siya at inayos ang camera. "-- kapag mainstream ang k-drama, pero hindi ko bet ang synopsis, pinipilit ko ang sarili kong panuorin ang episode one. Kahit episode one lang. Bakit?"

She paused. But I didn't know what to say so I waited.

"Kasi," patuloy niya, "kawalan ko kapag hindi ko sinubukan. Kapag hindi ko nagustuhan ang episode one, edi ititigil ko na ang panunuod. Pero, paano kung magustuhan ko pala?"

Tinawag ulit si Bea ng nanay niya. Lumingon siya sa kaniyang likod sabay sigaw ng "sandali!" bago ako binigyan ng expectant na tingin.

"Ang dami mo nang sinabi," sagot ko. "Wrap it up."

Tumawa si Bea. "Sige na nga. Ah... eto," itinaas niya ang kaniyang hintuturo at tiningnan ako nang mataman, "kung hindi ko sinubukan, hindi ko makikilala ang love of my life na si Park Seo Joon. 'Yan ang lesson."

Napailing nalang ako. Hindi ako pamilyar sa sinabi niyang pangalan pero hula ko'y isa 'yung Koreano, kagaya ng ibang kinababaliwan ni Bea.

"Oo na, sige na. Thank you," sabi ko.

Kumaway si Bea. Tinawag ulit siya ng nanay niya kaya pinatay na niya ang tawag. Naiwan ako sa tahimik kong kuwarto, my make-up barely done.

I decided to listen to Bea, kahit gaano pa kasabog ang advice niya. I have to try. Dalawa lang naman kasi ang kalalabasan nito: either Raffy will be at the end of the aisle on my wedding, or I don't get wed at all.

At hindi ko alam kung alin ang mas gusto ko sa dalawang option.

○●○

Before RosaWhere stories live. Discover now