"'Nay, it's not like I don't like Sia. It's just that --"

"Rason," putol ni Nanay sa sinasabi ko. Nang itaas ko ang aking tingin ay sinalubong ako ng ala-laser niyang mga mata. "Kapag gusto may paraan, kapag ayaw may dahilan, Raffy. Magrarason ka nalang lagi?"

Hindi ako sumagot. I know better than to argue. Huminga nalang ako nang malalim.

"Pa'no ang bata?" tanong niya ulit. It's always that, and only that.

Pa'no naman ako? tanong ko. It might sound selfish, but it's true. Paano ang mga gusto kong mangyari kung gagawin ko nalang lagi ang gusto nila?

I think Sia's stubborn attitude is rubbing off on me pero totoo naman eh. She'd agree with me if I tell her my real reasons.

Huminga ako nang malalim. Inipon ko ang lahat ng aking lakas ng loob. "'Nay, hindi naman kasalan ng bata na illegitimate siya," I said quietly. "It's not something to be ashamed of, not really. Please don't make me do something I don't want to do."

Hindi sumagot si Nanay. Pero ramdam ko parin na hindi siya masaya sa sinabi ko.

Maya-maya, tumayo siya kaya napatingin ako sa kaniya. She walked towards the door saying, "tatawagin ko na si Sia." And without another word, she ent out.

Napahawak nalang ako sa bridge ng ilong ko. I really hate being misunderstood. Haay.

○●○

Kinaumagahan nga'y na-discharge na 'ko. Hinatid kami nina Nanay sa apartment. Hindi niya parin ako kinakausap pero hindi niya naman pinapahalata kay Sia na may hindi kami pagkakaunawaan.

I'm thankful for that. Ayokong isipin ni Sia na nagkakatampuhan kaming mag-anak dahil sa kasal na gusto nilang mangyari. Ayoko na siyang i-stress sa topic na 'yun.

Nang umalis sina Nanay ay tulong kami ni Sia na ayusin ang mga gamit na dinala sa ospital.

After, Sia scanned the kitchen for something to cook. Naeenjoy niya na siguro ang pagluluto dahil lagi na siyang nagvovolunteer. Come to think of it, matagal-tagal na rin mula nang huli akong nagluto. Lagi kasing siya.

Maya-maya ay tinawag niya na ako para kumain. Magana akong sumusubo ng niluto niya nang bigla niyang in-open ang topic tungkol sa kaniyang apartment. Our conversation turned a serious corner.

"Hindi ba't 'yun naman ang plano natin? We're not getting married, so after giving birth, babalik na 'ko sa apartment," aniya.

Parang nabingi ako. I whispered, "No. Hindi pwede." Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan dahil sa sinabi niya. Bigla nalang, parang sinapian ako ng dragona. Suddenly, gusto kong bumuga ng apoy.

Ayoko siyang bumalik sa apartment niya.

Sia's brows stitched together. "Ang labo mo," aniya. "I asked you if you want us to live together, you said you can't kasi bakla ka--"

"Kasal 'yun, Sia. Iba 'to. Don't confuse them."

She blinked. "Anong pinagkaiba?"

"Last time, ang pinag-usapan natin ay kasal. I don't want to get married just because we have a kid together. Statistically speaking, that's bound to fail." Inusog ko ang plato ko palayo sa 'kin. Wala na 'kong ganang kumain. Inabot ko nalang ang baso at uminom ng tubig. After drinking, I continued what I was saying. "This time, we're talking about living together. Hindi kailangan ng kasal sa live-in."

Nanlaki ang mga mata ni Sia. I don't know why but she seemed agitated. Parang malakas ang naging impact sa kaniya ng sinabi ko. Ilang beses niyang binuksan ang kaniyang bibig, na parang sasagot na siya pero maya-maya rin ay isasara niya, na parang may pumipigil sa kaniya.

Before RosaWhere stories live. Discover now