CHAPTER 8 - After shower

275 10 1
                                    

same day..

"Baka magrereklamo na ang buong Quezon City na naubos natin ang lahat ng tubig kanina."

Nagtawanan kami ni Jeric sa kanyang biro habang sinusuklay ko ang basa kong buhok at siya nama'y nakaupo lang sa aking kama. Nasa kwarto na kami matapos naming maligo ng halos dalawang oras. Naka-bathrobe pa ako. Si Jeric naman ay naka-tuwalya lang dahil pinatutuyo pa namin yung mga damit nya na nabasa ng konti kanina.

"Hindi lang siguro Makati. Buong Metro Manila siguro." Dagdag ko naman.

"Grabe ka naman Miss She. Eh, pinasabay mo kasi akong maligo kaya doble din ang nagamit na tubig."

"Eh kung talagang ligo lang ginawa natin konting tubig at oras lang sana masasayang natin, ano." Tinaasan ko siya ng kilay at tinignan ng kaakit-akit.

Pagkatapos magsuklay kumuha na ako ng mga maisusuot mula sa walk-in closet ko na andito lang din sa kwarto. Medyo nakaka-conscious na minamasdan lang ni Jeric ang lahat ng kilos ko habang tahimik lang kami. Ano na naman ba ang nasa isip niya? Di bale nalang. Umupo ako sa kama at nilagay ko sa aking tabi ang damit at pati undies na ternong nude na strapless bra at panty. Hinayaan ko nalang si Jeric sa likod na panoorin akong magbihis kaya binuksan ko na ang aking suot na robe. Total, ilang beses nya naman akong nakitang nakahubad. Una kong sinuot ang aking  panty tapos sunod kong kinuha ang bra Biglang kumilos si Jeric at kahit nakatalikod ako sa kanya, alam kong papalapit siya sa akin.

"Miss She.." Sambit ni Jeric habang tinatapat ko na ang bra ko sa aking dibdib at akma ko na sanang ikabit ang hook sa likod. Ngunit natigilan ako nang hinawakan niya ang mga kamay ko. At ang hininga nya'y mararamdaman ko na sa likod ko sa sobrang lapit niya.

Ano, hindi pa nga ako nakapagbihis ng buo, huhubaran na naman niya ako ulit? Naughty boy..

"Let me." Patuloy niya at tsaka ikinabit ang mga hook. Tapos kinuha rin nya ang damit na isusuot ko na nasa aking tabi.

"Anong gagawin mo?"

"Gusto kong bihisan ka." Sabi niya at tsaka masayang-masaya pa siya habang sinabi yun.

"Hmm, ano na naman pakulo mo? Ako na, hindi ka muronong eh." Sabi ko naman sa kanya habang inaagaw ko ang damit kong hawak niya pero ayaw niya talagang ibigay.

"Anong hindi marunong? Akala mo sa paghuhubad lang ang alam ko?" Natatawa niyang sabi. Tapos sinuot na niya mula sa aking ulo ang damit.

"Jeric ano ka ba parang ina mo ako na binibihisan mo!" Pero sumunod pa rin ako sa kanya habang tumayo ako at inayos niya ang suot ko na isang off-shoulder na floral dress na hanggang sa itaas ng tuhod ko ang iksi. Yun bang outfit na nagsasabing, hindi ako pokpok pero hindi rin ako santa.

Pinagtuonan niya talaga ng pansin ang garter ng off-shoulder, lalo na sa may dibdib, may konting pa-cleavage pa siyang nalalaman. Hayyy ewan ko nalang talaga.

"Oh ayan," Sabi niya pagkatapos niya akong binihisan at tsaka inayos nya ang buhok ko. Tinitigan niya na naman ako ng malagkit at sinabing, "I love you!"

Tapos hinalikan ako sa labi. One sweet little peck. Hinalikan din niya ako sa noo. Pero parang hindi siya nakontento sa peck lang, hinalikan niya ako ulit sa lips. We were both smiling between kisses. Habang ginawa niya yun, kinalabit ko ang suot niyang tuwalya sa mababang parte ng kanyang katawan kaya nahulog ito at tumigil na siya sa paghalik sa'kin.

"Miss She naman!" Sigaw niya na parang bata nang na expose ang hindi dapat ma-expose. Nahiya pa talaga ha? Natawa nalang ako sa reaksyon niya.

"Bibihisan na rin kita!"

Behind The CamerasOnde histórias criam vida. Descubra agora