CHAPTER 1 - Totohanan na ba?

442 9 2
                                    


* * * B E F O R E * * *

January 27, 2020
Sheryl Cruz's POV

Nasa kwarto kami ngayon ni Veron, nakaupo sa kama ngunit magkalayo kami ni Jeric. Kanya-kanya kaming nagbabasa ng script.

Ang sabi ni direk kanina lang bago pa kami nag short break, na kung pwede, praktisin muna namin ni Jeric ang kasunod na ite-tape na eksena. Ang susunod kasi na eksena, ay bed scene na naman nina Jio at Veron dito sa kwarto ng huli.

"Miss She.. Uhmm.. Anong gagawin natin? Kinabahan na naman ako sa bagong request ni direk."

Ilang beses na kami ni Jeric na napasabak sa ganitong eksena pero ngayon may ibang request si direk.

"I-rehearse nyo yung instruction kanina ha? Dapat si Jio na ngayon ang nag-ga-guide ng eksena. Kung dati si Veron, now the table has turned kumbaga.. Alam nyo na anong ibig kong sabihin." Sabi ni direk Gil sabay tawa.

Tumawa at tumango kami ni Jeric sa kanya. Ako din naman kinakabahan. Kahit nasanay na kami ni Jeric at sabihin nalang nating komportable na sa isa't isa, hindi pa rin maiiwasan ang kaba.

"Fifteen minutes break. Maiwan muna namin kayo ha para mapag-usapan nyo ang eksena." Huling sabi ni Gil bago pa nagsilabasan sila ng mga crew. Bumaba sila at kami nalang ni Jeric naiwan sa kwarto.

"So, magsimula na po tayo, Miss She? Uhm ano nga ba yung linya ko.." Sabi ni Jeric habang may hinahanap siya sa script.

"Okay, alam mo.. What if diretso nalang tayo sa you know.. eksena? Wala naman siguro tayong magiging problema sa lines. Kung okay lang sayo."

Mas lalong naging obvious sa mukha ni Jeric ang kaba. Para siyang pinagpawisan. Ako, kaya ko pang i-contain ang sarili ko. Naiintindihan ko naman kung bakit siya nagkakaganyan.

"Sige po.. Uh, sabihin nyo lang po kung may hindi kayo nagustuhan ha? Turuan nyo pa rin po ako.." Sabi ni Jeric at napatawa pa siya sa huli na para bang may halong pagkahiya pa rin.

"Huwag kang masyadong kabahan, Jeric. Kaya natin to."

Bumuntong hininga siya at sabay na kaming nag in-character na. Tumayo kaming dalawa. Ang eksena ay kalalabas lang ni Jio mula shower at nakatuwalya lang siya. Pero sa ngayon nakadamit muna si Jeric.

Hawak pa namin pareho ang aming kanya-kanyang script. Pero gamit ang kanyang libreng kaliwang kamay, hinawakan nya ang pisngi ko at dahan-dahang inilapit ang mukha nya sa mukha ko. Ipinikit ko na ang aking mga mata, hangga't naramdaman ko na ang mga labi nya na inilapat niya sa mga labi ko.

Nagsimula na kaming maghalikan na agad namang nauwi sa isang make-out session. Hinila ako ni Jeric palapit sa kanya hanggang magkadikit na ang aming mga katawan. Kinapit ko sa may batok nya ang isa kong braso habang hawak pa rin ang script.

Nagpatuloy lang siya at hinayaan ko lang siyang ma-express ang pagiging sabik ni Jio na maiparamdam kay Veron ang pagmamahal na hinahanap-hanap nito.

At masasabi ko talagang, magaling na siyang humalik ngayon. Nandon na siya dati, pero ngayon ibang-iba na. At lagi niya akong kini-credit na ako raw ang nagturo sa kanya. Sa akin daw siya natuto at nasanay.

Ang sarap humalik ni Jeric..

Naku! Ano ba 'tong pinag-iisip ko?!

Nang masyadong maraming bagay na ang pumasok sa aking isip, dahan-dahan na akong bumitaw sa aming paghahalikan.

"T-that was good, that was good." Compliment ko sa kanya.
Pareho kaming medyo naghahabol pa ng hininga. Mga 30 seconds ata yun? Straight kissing. Medyo nahiya ako sa sarili ko dun sa naisip ko kanina..

Behind The CamerasTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang