CHAPTER 9 - Mahal na kasi kita

249 9 7
                                    

(THIRD PERSON POV)

Hindi na mapakali si Sheryl matapos sinabi ni bagets na pupuntahan siya nito sa bahay. Akalain mo ba naman talagang maglalaan pa ng oras at effort and isang gwapo at hunk na kagaya ni Jeric Gonzales para lang maka-usap siya nang personal tungkol sa isang issue. Ang issue? Ang biglaang pag-unfollow nila sa isa't isa sa Instagram. Desidong-desidido na si Jeric na magtungo sa bahay niya sa Makati. COVID who? Ayaw magpapigil teh. Bakit ba kasi ayaw niya nalang aminin na nami-miss niya ang kanyang co-star? Hay, sana all Sheryl Cruz.

Kabisadong-kabisado na ni Jeric ang bahay ni Sheryl na nasa Mira-Nila Homes, Quezon City. Kaya ayun na, may sasakyan na na dumating sa tapat ng kanyang malaking bahay. May nag-doorbell na sa gate.Nagmasid si Sheryl sa bintana. May kinausap na ang kanyang guard sa labas. Naisip niya na sana pinasabi niya nalang sa guard na wala siya sa bahay o di kaya'y bawal siyang dalawin. Sana dun pa lang sa guardhouse ng subdivision ay sinabotahe na niya ang mga guards na naka-duty na wag papasukin sa compound ang lalakeng nagngangalang Jeric Gonzales.

Bakit nga ba labis ang kanyang pag-iwas ngayon na makita ang binatang aktor? Hindi naman sa takot siya sa COVID.. pero sariwa pa kasi sa isip ni Sheryl yung huling beses na nagpunta si Jeric dito a month ago. When things went wrong.. so wrong..

"Hi Miss She."

Paglingon niya'y nasa loob na ng bahay niya ang kanyang pinakahinihintay na panauhin. Tinanggal niya ang kanyang cap at sunglasses. Maliban nalang sa facemask. Mistulang nabato si Sheryl sa kinatatayuan niya, sa sala ng kanyang bahay. Gwapo pa rin si Jeric, let's just admit that.

"H-hindi ba't sinabi ko sayo na wag kang pumunta dito?" Sabi ni Sheryl, finally nakapagsalita na siya.

Nginitian lang siya ni Jeric, matapos kinuha niya ang kanyang facemask, showing his cute little dimple. "Ouch, ganyan na pala kayo tumatanggap ng bisita."

Hindi na naman nakapagsalita si Miss She. Anong bang nangyari sa kanya? Para bang nagpapahalata na hindi pa siya naka-get over sa nangyari last time. Ang tanong ano ba kasing nangyari?

"Miss She, hindi ka ba natutuwang makita ako?" Sabi niya with open arms, para bang nag-o-offer ng hug.

Umiwas ng tingin si Sheryl sa kanya at napa-hingang malalim. Baka na-distract sa ka-gwapohan niya? Ayieee.

"Ikukuha muna kita ng juice, maupo ka muna. Para matapos agad ang pag-uusap natin at nang makaalis ka na."

Kumuha ng snacks si She kung ano man ang nasa kusina niya at tsaka raspberry juice mula sa ref niya habang naghihintay lang si bagets sa living room. Nilagyan niya ito ng ice ang juice. Mahirap na baka masabi pa ni Jeric hindi siya 'hospitable'.

"Naku miss She nag-abala ka pa talaga. Nakakahiya naman sa inyo." Sabi ni Jeric nang dumating na si Sheryl dala ang kanyang meryenda. "Hmm paborito ko raspberry juice!" Sabi pa niya pero tila wala pa ring gana si Sheryl sa kanya.

"Sige ubusin mo habang malamig pa yan."

"Kasing lamig mo, miss She." Sagot ni Jeric habang binalik na niya sa mesa ang iniinom niyang juice. Nag-seryoso na si Jeric at sinabing, "In-unfollow kita kasi ikaw ang unang nang-unfollow. Sa tingin ko may galit kayo sa'kin na hindi ko alam."

Sheryl sits on a different couch, opposite from Jeric. Ayaw niyang tumabi sa kanya like the last time. Sheryl tries to shake the thought of what happened last time out of her mind. She takes a deep breath and finally says, "Jeric diretsuhin na kita ha.."

"Okay pa naman tayo the last time diba?"

"Last time didn't end well." Mabilis at seryosong sabi ni She. "It was a mistake."

Behind The CamerasWhere stories live. Discover now