9

471 13 0
                                    

Nakahiga na kami ngayon ni ash sa loob ng kwarto ko habang magkatabi.

"Sorry ha"

Napatingin naman ako sakanya, habang ang mukha nya ay parang malungkot.

"Ano ka ba bish, kanina kapang nagso-sorry dyan" I was smiling at her.

"Basta, sorry talaga ha, sorry kung ang oa ko kanina"

"Bish okay lang naiintindihan kita at alam kong gusto molang maging ayos ako" i seriously said to her

Huminga naman sya ng malalim mukhang may gustong sabihin sa akin.

"Bish si jos-h kase simula panun nagpapatulong nasakin"

Alam ko yon dahil nahahalata ko sa tuwing magkasama kami ay nandun din si josh, minsan pa nga eh chinachat nya ito kung nasaan kami pero okay lang yon sakin noon...pero ngayon ay hindi na pwede.

"He also helps me" she said as she looked out of my bedroom window.

Agad naman akong umupo para makapag usap kami ng maayos at masabi nya lahat ng mga sasabihin nya saakin,umupo din naman sya at humarap saakin.

"he also helped me with the person i wanted, Sam. It's his friend"

Sa natatandaan ko ay si James Rodriguez ang gusto nya, isang basketball player sa school namin, yon yong nakasalubong namin noon habang naglalakad.

Nabigla naman ako sa sinabi nya, ibigsabihin ginagawa nyang tulungan si Josh para mapansin sya ng crush nya.

Hindi naman agad ako nakapagsalita dahil sa hindi ko inakalang ganon pala, kaya nagsalita na muli sya.

"Okay lang kung magagalit ka sakin bish...sorry bish...sorry nagawa ko lang yon kase gustong gusto ko yon"

Alam ko yon at alam kong lahat naman ng babae gustong mapalapit sa mga crush nila para magkaroon sila ng chance, naiintindihan ko si ash dahil nangyari din sakin yon ang magpakabaliw sa mga magugustuhan ko. Kaya hindi ko kelangang magalit sakanya dahil pinagdaanan ko din ito.

Siguro ay nagulat lang ako dahil hindi ko naman akalain na kaya pala sobra nalang ang pagpu-push nya sa amin ni josh.

"Naiintindihan kita, nangyare na din saken yan-" she cut me.

"Pero bish-" magsasalita pa sana sya pero hindi kona ito pinatapos.

"Bish ang gusto ko lang ay hindi ka umaasa nalang sa lalaking yon"

Masakit man isipin pero kahit anong gawin mong pag papakatanga sa isang tao kung hindi ka nya gusto at pinapaasa kalang nito ay dapat tigilin mo na dahil nagpapa kahirap kalang sa wala.

"Bish malay mo naman gusto nya din ako kaya sya sumasama saken kapag inaaya ko sya"

"Yon na nga eh, baka mamaya ay pinipilit lang sya ni josh dahil tinutulungan mo sya saken" saad ko habang hinahaplos ang likod nya dahil alam kong nasasaktan sya.

Alam kong nasasaktan sya, nasasaktan sya kahit crush nya lang si james siguro kung naging mag jowa pa 'tong dalwang 'toh tapos nag break baka hindi na kayanin ni ash.

"Sorry bish, ayoko lang na sasaktan kalang nya" I said and hugged her tightly.

Ramdam ko sa aking likod ang pagpatak ng mga luha nya, gustong gusto nya talaga itong si james ano ba ang ginawa ng lalaking ito sa kaibigan ko kaya sya na humaling dito, hays ang puso nga naman. Natatandaan ko pa noon laging binibigyan ni ash ng chocolate o dikaya'y roses si james sa loob ng locker nito kahit hindi ni James alam kong san nang gagaleng 'yon dahil patago lang ni ash nilalagay 'yon sa locker.

My Boybestfriends is in love with Me(Series 1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora