CHAPTER 14

19 10 0
                                    

Alam ko namang hindi ako katalinuhan pero hindi naman ako ganon ka-slow na tao.



Kung tama ang hinala ko, gagamitin niya lang naman ako para bumalik ang ex-girlfriend niya sakanya.



Heller? Ano ba 'to? Movie sa sinehan?



Ang gasgas naman na actingang 'to!!!



Ano bang akala niya, nabuhay ang ex-girlfriend niya sa taong hindi pa nauso ang teleserye?!



Wala na ba siyang ibang choice?



PERO WTF?! HINALIKAN NIYA AKO SA NOO?!!!!



Wala man lang pahintulot ko, hindi maaari iyooooon!!!



TAKE CARE BABY?!?! ILOVEYOU?!?! GRRRRRR! SIRAULO ANG LALAKENG IYON!!! BADOOOOOY!!!



GRABE, NAKAKAINIT TALAGA NG DUGO!!!



Sa sobrang galit ko ay hindi ko na napansin ang naging reaksyon ng ex-girlfriend ni Eli.



Siya ba si Kath?



Napaka simple lang ng ganda niya at mukhang mabait naman siya bakit pumatol siya sa isang halimaw na katulad ni Eli?!



Galit kaya siya saakin? O sa ginawa ni Eli?



Jusko naman. Dami ko na ngang problema idadagdag pa ito ni Eli!



Bwisit talaga ang lalakeng iyon, as in bwisit!!!



Galit-galitan ka dyan e mukhang kinilig ka naman sa paghalik sayo ni Eli sa noo. Aminin mo, sa unang pagkakataon may isang taong nagpakilig sayo!



KILIG? ASAN ANG KILIG DUN?! MANAHIMIK KA!



HINDI KILIG ANG NARARAMDAMAN KO, GALIT!!!



Hindi malabong kiligin ka dahil totoong gwapo si Eli. Baka kainin mo ang lahat ng sinasabi mo ngayon Cath?



MANAHIMIK KA CARTER! WALA AKONG PAKE SA SINASABI MO!



Inayos ko ang aking sarili at dumiretso sa klase ko.



Hindi ko dapat isipin pa ang nangyari...



Okay, walang nangyari.



Focus...



SHIT! HINALIKAN AKO NI ELI AT NAPAKABASTOS YUN!



Una, hinawakan niya ang pwet ko at ngayon hinalikan niya ako sa noo, grabe. Ano bang klaseng halimaw gawa si Eli?!



"Miss Alvarado?" Pag tawag saakin ng isa sa mga prof namin.



"Kanina pa kita tinatawag, may problema ba?" Dagdag niya pa.



Hindi na maganda 'to. Hindi na ako nakakapag-focus dahil sa bastos na at magnanakaw na yun.



"Ay sorry ma'am, recitation ba 'to?" Agad na tanong ko sakanya dahilan para magsitawanan ang mga blockmates ko at gayon din si ma'am.



Anong problema nila?



Joker na ba ako?



"As I was saying kani-kanila lang, hindi muna formal yung classes natin because ang daming aasikasuhin for the event. For you miss Alvarado, dumating na kasi yung mga inorder natin na damit for female na sasali sa Ms. UDLT, pwede bang ikaw nalang yung mag dala sa engineering department ngayon? Kung sakanila ko iuutos panigurado magbubulakbol lang ang mga 'to" Pagpapaliwanag niya.



Agent CarterWhere stories live. Discover now