"Hahaha oo nga eh kahit akala ko korni kasi galing kay Dex." tumayo ako.

"Kuha lang ako ng makakain, anong gusto mo?" Tanong ko sa kaniya at paglingon ko sa gawi niya ay muling bumalik ang takot sa'kin.

"Fiolee!" Sigaw ni Prince na nakatawag ng pansin ng lahat.

Halos tumalon sa kaba ang puso ko dahil nag iba ang kulay ng mata at buhok niya, inalog-alog ko siya para magising at ngunit huli na ang lahat,

Ngumiti si Renz. .

"Fiolee?" Tanong ng lahat saka siya tumayo at humarap samin.

"Hindi na ako si Fiolee, ako ng pala si Renz." mapang-akit niyang tugon sa lahat.

"Teka-teka! Anong nangyayari, pano nangyari 'yun?" sabi ni Jude na halos lumaki na ang maliit niyang mata.

"Ayon sa pagkaka-alam ko hindi pwedeng magpalit aga-agad ng kulay ng buhok at mata ang isang-- normal na tao.." nagsiahunan sila sa pool at doon na kumilos si Shun para hawakan ang mga braso ni Renz, sa paa naman si Reyly at ako, ito nakatulala pa rin.

"Marshall ano ba tawagin mo si lolo James." sigaw ni Shun pero parang ayaw gumalaw ng mga paa ko.

"Marshall!" Sigaw ni Reyly pero bago pa ko makakilos na sampal na ko ni Julienne.

"Gumising ka Marshall! Kung ano man ang nangyayari hindi ko rin alam pero isa lang ang alam ko, hindi si Fiolee 'yan." paiyak niyang sabi saka tumakbo sa loob ng mansion at n arinig kong sinisigaw niya ang pangalan ni lolo James.

Natauhan ako doon, kaya agad kong hinawakan sa mukha si Renz at mas ginagulat ko ng pangasin niya ako sa leeg kaya napabitaw ako at sunod nun ay si Shun naman.

"Anong nangyayari guys?" Sigaw nila Angelo pero wala na kaming naisagot at halatang gulong gulo na sila sa nangyayari.

"Tutulong ako." sigaw ni Prince ngunit ang kinagulat namin ng makawala si Renz sa pagkakahawak naming tatlo at biglang hinawakan ang mukha ni Prince.

"Tutulungan mo sila? Wag na. Prince akin ka na lang," sabi niya at doon kinagat niya si Prince kaya lahat kami na gimbal.

"WAAAAAAGGGG!" Sigaw ni Reyly at doon tuluyan nangisay si Prince sa gilid ng pool. Nag sigawan silang lahat ng umagos doon ang sariwang dugo ni Prince, agad namang itinulak nang napakalakas ni Reyly si Renz at tumilapon ito sa tubig.

Hindi ko alam kung tutulungan ko ba si Renz o hindi, dahil simula sa una siya pa rin si Fiolee, si Fiolee na pinakamamahal ko.

"Prince gising." tinapik tapik niya ang pisnge ni Prince.

"Pa-pano mo na-gawa 'yun? Ba-bampira ka din--ba?" Tuluyan ng umiyak at humagulgol si Reyly at yumakap rito.

"Sorry 'di ko sinabi sorry."

"Teka nga teka nga! ano bang nangyayari!? Hello andito kami!" iritang sabi ni Angelo.

"Mga bata pumasok muna kayo sa bahay," sabi ni ate Ainah kaya sumunod sila dito at binuhat na rin nila si Prince kasama si Reyly.

"Lolo James si Fiolee." kabado kong sinalubong si lolo at tinuro ang tubig pero wala na doon si Renz.

"Nangyari na ang kinatatakutan ko." kasabay nun pinakawalan niya ang napakalalim na buntong hininga at tumingin kay Jasper.

"Jasper alam mo na ang gagawin." tumango ito at bigla ko na lang nakitang hawak niya na sa siko si Renz at nang lapitan namin siya ngumiti ito at tumagos ang kamay niya sa dibdib ni Jasper.

"Walang makakapigil sa'kin ngayon," sabi ni Renz at itinaas niya ang kamay niya hawak ang puso ni Jasper kaya napasigaw si ate Ainah at ang iba pa, pero huli na ang lahaat.

Your Blood Is MineWhere stories live. Discover now