CHAPTER 51

6.8K 286 26
                                    

FIOLEE's POV

Tumawag kay Julienne si Marshall kanina at iyon nga hinahanap ako, galit ako sa kaniya kaya wala akong paki, nakaisip naman sila Reyly ng kalokohan o kabayaran daw para daw naman gumaan ang loob ko.

Wala akong kaalam-alam sa mga sinasabi nila kay Marshall pero bahala na sila, galit talaga ako sa kaniya eh.

"Papahirapan namin 'to Fiolee." napatingin naman ako sa kanila.

"Teka bakit?" Protesta ko.

"Akala ko ba galit ka ha? Hayaan mo na! Wahaha, papahirapan namin siya." napahawak ako ng mahigpit sa unan na nasa binti ko.

"Teka lang wag naman masyado." napakagat ako sa ibabang labi ko, kahit galit ako sa kaniya hindi ko pa rin maiwasang mag-alala sa kaniya.

"Galit ka 'di ba? Hayaan mo na minsan lang 'to." napahiga na lang ako sa kama at sinaklob ang libro sa mukha ko, kahit naman kasi mag kaaway kami hindi ko pa rin siya matiis eh, kung pwede nga lang umuwi na ko sa unit namin gagawin ko na para lang makasama at makausap na siya ulit.

9pm ngayon at ito nga kami nag rereview, pinahiram kami ni Reyly ng mga damit niya pantulog at ang cute cute nito, kulay blue siya na may mga ulap at star tapos kay Julienne naman is purple na may nga unan at suklay na design tapos kay Reyly is pink na puro strawberries na red. Gusto ko na nga 'to hingiin sa kaniya kaso nakakahiya eh.

"Nagugutom ako gusto ko ng dugo." out of somewhere na sabi ni Reyly 'yun kaya na gulat ako at sabay kami nag panic kung anong irere-act ni Julienne.

Nakatingin lang kami sa kaniya na tahimik nagbabasa, baka hindi niya narinig?

"Alam niyo mga neng, wag na kayo mag-alala." bigla niyang sinabi na hindi man lang tumitingin samin.

"Ah ano? Anong sinasabi mo? "Halatang kinakabahan kaming dalawa ni Reyly at utal-utal niya pang sinagot si Julienne.

"Alam kong may hilim kayo dati pa." sinarado niya 'yung libro na hawak niya.

"Pero kung may clue man ako sa kung ano 'yun, hindi ko kayo pipilitin aminin o sabihin sa'kin ngayon." ngumiti siya samin.

"Pero alam niyo parang mga kapatid ko na kayo kaya kung ano kayo tanggap ko 'yun." lumapit siya sa'min at niyakap kami ng mahihpit.

Parang tutulo na ang luha ko any time dahil sa eksena na 'to. Alam niya na, na bampira ako nung una palang pero hindi niya sinasabi or inaalam man lang, Hindi niya ko pinipilit sabihin o aminin sa kaniya kung ano ako dahil simula palang alam niya na at tanggap niya kung ano kami.

"Bhess sasabihin ko naman eh natatakot lang akong layuan mo ko." umiling siya at bumitaw sa pagkakayakap.

"Nung mga time na umabsent si Marshall nung fourth year tayo at nung bumalik siya sa school, nahalata ko na, na may hindi normal sa kaniya at naririnig ko minsan ang usapan niyo tapos nung mga sunod na araw ikaw naman ang na wala nung pagtapos ng prom, alam ko na ang nangyari sayo nun dahil sabi nila may sakit ka daw pero pag pumupunta ako sa bahay niyo walang tao kaya nung pumasok ka nahalata ko na rin na katulad ka ni Marshall, hindi man sa panlabas na anyo bhes pero ramdam ko may nag bago at nung nakita ko si Shun, si Reyly at si Jonas mas na confirm ko kung ano kayo." lalo ako napaiyak tanggap ako ni bhess simula palang.

"Hindi ka natakot na baka masaktan ka namin?" Umiling siya.

"Bakit naman eh bestfriend tayo." wala humagulgol na ko sa iyak kasama si Reyly, grabe kasi iniintindi niya kami kahit alam niya na ni hindi niya man lang kami nilaglag or kahit pilitin man lang aminin sa kaniya kung ano kami.

Your Blood Is MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon