"Hindi ko po aakalaing pupunta po kayo doon at makikipag-usap.."
"Mas maganda na kaysa sa hintayin pa silang matapos. Baka naglilinis na nalang ng simbahan ang maabutan natin kuya..."
Tumawa nalang si kuya.
"Congratulation ma'am."
Nagpasalamat ako doon at nang makarating kami sa simbahan ay nakikita ko ang wedding organizer na natataranta at hindi makapakali.
Napadako ang tingin niya sa akin at parang nabuhayan ito at nakahinga ng maluwag.
"Ma'am! Akala ko ay hindi po kayo dadating. Naiiyak na po si sir doon.."
Si Draco ay naiiyak daw. Agad akong naalarma at nagmadali na.
Agad ko nang pinapunta ang mga flower girl at mga abay ko.
At nang ako na ay huminto ang tugtog at panibagong tugtog ang pinatugtog.
Winter snow is falling down
Children laughing all around
Lights are turning on like a
fairytale come trueSittin' by the fire we made
You're the answer when I prayed
I would find someone and baby
I found you..
Dahan-dahang binuksan ang pinto at dahan-dahang lumakad ako sa maraming petal na aisle. Ngayon ko lang napansin ang nasa aisle. Hindi lang basta tiles. May nakasulat doon na naka-italic.
And all I want is to hold you forever
All I need is you more everyday
You saved my heart from being
broken apartYou gave your love away
And Im thankful everyday
For the gift
Napatingin ako kay Draco at nakikita kong pinupunasan nito ang luha sa mata niya. Kung ako naman ang nasa kalagayan niya at ang araw na ito ay talagang pinaghandaan at hindi makakapunta ang bride ko ay maghahalumpasay ako sa altar.
Watching as you softly sleep
What I'd gift if I could keep
Just this moment if all of time
stood stillBut the colors fade away
And the years will make us gray
But baby in my eyes
You'll still be beautiful...
Nasa gitna na ako ng tumabi sa akin sina mama at Dad at hinawakan ako sa braso.
"You're so beautiful.." sabi ng Dad ko at nagpasalamat ako doon.
"Ikaw talagang babae ka, pinaiyak mo ang groom mo..."
Napangiti ako at nagsorry kay mama.
Napatingin ako kay Draco na hinahawakan sa braso ni Lucas dahil gusto niya ng lapitan ako at hilahin sa harap ng altar. Pansin ko ang pagmumula ng mata nito dahil daw sa kakaiyak.
And all i want is to hold you forever
All i need is you more everyday
You saved my heart from being
broken apart
![](https://img.wattpad.com/cover/242391933-288-k887068.jpg)
YOU ARE READING
Lost and Found
General Fiction[Completed] A hunk, handsome, womanizer Draco Scott na nawalan ng mahal sa buhay kaya dinadaan nalang sa pambabae at kasiyahan. A workaholic Serenity Montefalcon na may mga misyon sa buhay. Ang pagtatagpong nangyari sa loob lamang ng isang gabi na n...
Epilogue
Start from the beginning