Part XXVII | Kapangyarihan Ng Tunay Na Pagmamahal

Start from the beginning
                                    

Alena:*laughs* Nakakaaliw ka talaga kahit kailan Lira, kahit hindi ko man maunawaan ang iba mong mga sinasabi. Ngunit sana'y tandaan mo ang tinuran ko sa iyo ngayon huh? Wag ka ng magalit kay Ybarro patawarin mo na sya, at sana'y may magawa akong paraan upang mawala na ang sumpang ikinabit ni Casilda sa iyong ama.*smiles*

Lira: Pero Ashti matanong ko lang po, mahal mo ba ang itay ko?

Alena:*pause for a moment then looked at Lira**touches Lira's head then smiles* Oo naman Lira at hindi naman nawala iyon kahit noon pa man. At gagamitin ko ang pagmamahal na ito upang magawa ang tama at para na rin maging masaya na sya sa piling ni Amihan.

Lira: Ang sweet naman ng Ashti ko nakakatouch po yung mga sinabi nyo, at may pagkamartyr ng beri beri light, bibigyan na kita ng award for "Ulirang Reyna ng Lireo" at "Mapagparaya Award of the Year" sa mga ginagawa mo para kina inay at itay. Pero ashti, hindi ka man lang ba naging masaya sa curse o sumpa ni lola Casilda sa'yo at kay itay? Kasi dahil po don mahal ka ni itay tapos mahal mo sya, edi quits na kayo. Pwedeng pwede na maging lovebirds kahit di kayo birds.

Alena:*sighs* Lira itong tatandaan mo, walang saysay ang pagmamahal na iyon ni Ybarro sa akin kung hindi naman bukal sa kanyang kalooban, at kahit kailan ay hindi mo matatawag na pagmamahal ang isang pusong dinaraya ang kanyang tunay na damdamin dahil lamang sa mga sumpa, encantasyon, o kahit ano mang mahika. Parang niloloko lamang namin ang aming sarili kung ganon. Hindi ka rin magiging masaya kung huwad na pagmamahal ay ipinapakita sa iyo.



Habang nag-uusap sina Lira at Alena ay bigla ring nag-Ivictus sa silid si Cassiopeia na mayroong dalang ngiti sa kanyang mga labi. Kaya kinausap ni Alena ang Bathaluman patungkol sa kanyang ipinapakitang ekspresyon.


Alena: Bathalumang Cassiopeia, napadalaw ka. Ngunit bakit tila napakasaya mo ngayon, anong mayroon?

Lira: Pati ba naman yan ashti tatanungin mo pa, eh baka sinagot na sya ng crush nya, yun ba yun tita model?*taas baba ang kilay**kinikilig*

Cassiopea:*smiles then speaks* Reserti elde(magaganap na), Alena.

Alena:*confused* Anong ibig mong sabihin Bathaluman? Ano na ang magaganap?

Cassiopeia:*smiles then speaks* Ivte asiler etlar awne, daote iserdi corra avisnam ivi e correi dega muske marteya etlar de-jar Encantado(isang sumpa ang ibinigay, ngunit mayroong pusong gagamitin ang pag-ibig para maging malaya  ang isinumpang Encantado).

Alena:*shocked* Mawawala na ang sumpa kay Ybarro, Bathaluman? Ngunit papaano mangyayari iyon Cassiopeia? At sinong gagamit sa kanyang puso upang maging instrumento ng pagkawala ng sumpa kay Ybarro?

Cassiopeia:*wisdom symbol lights up on her forehead**smiles* Kilala mo sya, Alena. At kung ang sumpang ibinigay ng aking kakambal ay nagmula sa poot at pighati, ang kabaliktaran nitong tunay na pagmamahal ay syang tangi lunas sa sumpang ikinabit ni Casilda sa Rama ng Sapiro. Dahil ang pusong puno ng poot ay talo ng pusong puno ng pagmamahal. Kaya Alena, nais kong hanapin mo si Ybrahim.

Alena: Ngunit saan ko matatagpuan si Ybarro Bathaluman?

Lira:*sumingit sa usapan* Ashti try nyo po hanapin sa labas ng silid ko, sure akong hindi papo yun nakakalayo, dahil ang alam ko po kakausapin ni inay si itay eh. Ewan ko lang po kung anong topic nila.

Alena: Avisala Eshma, Lira.

Kaya agad na tumayo si Alena sa kanyang pagkakaupo sa kama at mabilis na lumabas ng silid ni Lira upang hanapin si Ybrahim na sinabi sa kanya ni Cassiopeia na kanyang gawin. 

ENCANTADIA Season 2 - The Winter WarWhere stories live. Discover now