CHAPTER TWENTY-FIVE

Start from the beginning
                                    

Umupo sa tabi ko si Nicole.

"So anong problema ba iyun?"

"Amm..about sa ex nito"

"May ginawang masama si Draco!"

"Amm...wala naman pero. Ganito kasi yun..."

Naglakas loob na akong ikwento sa kaniya ang lahat nang nangyari. Kita ko lahat ng reaksyon ni Nicole na gulat na gulat sa mga sinabi ko.

"Grabe, kapatid mo sa ama ang ex ni Draco. Kaya pala namumukhaan ka niya.."

"Ganun na nga, ang ayaw ko lang naman ay yung binubuhay niya ang taong yun sa pamamagitan ko. Ayoko ng ganuun.."

"Kahit naman ako ganuun din. Ayaw kong may ibang iniisip si Maximo habang kasama ako. Naiintindihan ko ang sakit na nararamdaman mo, magiging maayos din ang lahat."

Napatingin ako kay Nicole at sa asawa nitong may dalang dalawang maliit na baso ng gatas at paakyat sa hagdan.

"Sana nga maging maayos, at maging masaya kami kagaya ng saiyo."

"Maraming problemang dadating sa atin kaya dapat maging handa tayo. Nag-aaway kami ni Maximo pero nangako kami sa isa't-isa na pag-uusapan namin iyun."

Napangiti ako sa sinabi nito.

Ilang oras pa ang lumipas at nagdesisyon na muna akong umuwi. May pupuntahan pa kasi ako. Hindi naman ako sigurado kong yun na nga. Nahihilo ako minsan at talagang nawawalan ako ng gana. May mga gusto akong gawin at kainin. Nangyari na ito sa akin.

At yun ang pagbubuntis ko kay Drake.

Ayokong mag-assume na buntis nga ako. Pero ang mga nararamdaman ko ay talagang nagbibigay sa akin ng motibo.

Pumunta kami sa isang clinic at sinabi ko doctor doon lahat ng nararamdaman ko. Binigyan niya ako ng ilang mga payo at pregnancy test.

Pumunta muna ako sa CR at ginawa ang test. Nang tapos na ay naghihintay na ako ng resulta.

Kinakabahan ako, pinapawisan ang kamay ko.

Napahawak ako sa bibig ko ng makita ang dalawang linyang lumabas doon.
Isa lang ang meaning nun...

POSITIVE

Napahawak ako sa tiyan ko. May nilalang na nabubuhay sa tiyan. Gustong-gusto ko na ito sabihin sa kaniya pero sa nangyayari sa amin ay hindi pa pero may nilalang na nasa sinapupunan ko. Importante itong malaman niya.

Kapag ayos na ay doon ko na sasabihin. Siguradong sasaya yun, dahil may anak na kami.

Importante ang anak namin.

Siguro ay mamayang gabi ay sasabihin ko na.

Agad na lumabas na ako sa clinic bago maibigay ng doctor ang mga vitamins.

Kinausap ko ang driver na wala siyang sasabihin na pumunta ako sa lugar na iyun na sinang-ayunan naman niya.

Nang makabalik kami sa bahay ay wala parin si Draco. Nanonood lang sa TV si mama. Pumunta muna ako sa kwarto namin at inayos ang paglagyanan ko ng mga vitamins.

Kailangan ko itong ingatan dahil nakasalalay sa anak ko ang ikakasaya ng pamilya ko. Siguradong magiging masaya si Drake dahil may kapatid na ito.

Hindi ko alam pero yung galit ko kay Draco ay unti-unting nawawala na dahil masaya ako sa balitang buntis ako.

Tama si Nicole, kailangan naming pag-usapan ang lahat para matapos na ito. Magiging maayos na ang lahat.

Ng maghahapon na ay sinundo na namin ang anak ko. Masaya ito lagi kapag nakikita ako pero ngayon ay nakasimangot ito.

"Baby boy, bakit ganyan ang itsura mo?"

"Akala ko po ay kasama mo si daddy?"

"Baka may inaayos lang, huwag ka nang malungkot. Dapat masaya ka kasi masaya ngayon si mommy.."

Ngumiti naman ang anak ko sa sinabi ko. Lately ay palaging seryoso ang mukha pero dahil sa balitang ito ay masaya ako.

Pero ang sayang nararamdaman ko ay unti-unting nawala na hindi umuwi si Draco. Nagtext ito sa akin at sinabing bukas daw siya makakauwi.

Hindi na ako nagreply sa text niya. Bahala siya kung hindi siya uuwi. Ano pa nga ba na isa siyang babaero noon, babaero parin ngayon.

Ayokong mag-isip na baka may kinakalembang siya ngayon pero malawak ang imahinasyon ko.

Agad kong pinunasan ang luhang basta nalang bumagsak sa pisnge ko.

No!

Bawal akong mai-stress. Baka makaapekto sa bata.

"Mommy, ayaw mo ba ng food?" Sabi sa akin ni Drake ng mapansin niyang hindi ko ginagalaw ang pagkain ko.

"No, masarap nga ehh.." sabi ko at nagsimula ng kumain. Kahit na wala akong gana ay pinipilit ko nalang. Para ito sa bata na nasa sinapupunan ko. At sa leksyon na sinasabi ko sa anak ko na huwag magsayang ng pagkain.

Naiinis akong isa ko lang sa kwarto na ito. Nakahiga na ako ngayon sa kama. Inabot ko ang cellphone ko at makitang seven na ng gabi. Tumayo ako at pumunta sa balcony. Nakikita ko ang ganda ng lungsod dahil may kataasan ang lugat namin.

Napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog iyun. Tumatawag si Draco at agad ko namang sinagot.

"Hello.."

(Serenity, nabasa mo ba ang text ko..)

"Oo.."

(Sorry, hindi ako makakauwi...)

"Ok lang..."

Mahabang katahimikan ang dumaan bago siya nagsalita.

(Serenity....)

"Hmmm...."

(I love you..)

Napakagat akonsa ibabang labi ko dahil ito ang unang beses na marinig ko ang salitang ito hindi dahil sa nagpapaliwanag siya. Yung talagang sinabi niya.

Gusto kong sagutin ang sinabi niya pero ayaw kong masabi. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Gusto ko siyang makausap o marinig man lang ang boses niya.

Ngayon na nakakausap ko na siya ay parang ayaw ko naman.

Ganito siguro kapag buntisn

"Ok..."

Yun lang ang sabi ko. Narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya sa tawag. Napakagat ulit ako sa ibabang labi bago ko pinatay na ang tawag.

Ngayon na tapos na ang tawag at tahimik na ay gusto ko ulit na marinig ang boses niya.

Napasabunot ako sa buhok ko nangyayari sa akin. Siguro nga ay ganito talaga kapag buntis.

Pabago-bago ang iniisip at ang ugali.

Bumalik nalang ako sa kama at napadako ang paningin ko sa picture frame. Picture ni Draco at ni Stephanie.

Hindi parin ako makapaniwala na kapatid ko siya. Well, bulag lang ang makakapagsabi na hindi kami magkapatid dahil para na nga kaming kambal pero mas mukhang matanda siya sa akin ng ilang buwan o taon.

Bumalik nalang ako sa kama at humiga na. Bawal sa buntis ang magpuyat kaya matutulog na ako.

Pinagdadasal na sana bukas ay maging maayos na ang lahat...

....

....

Lost and Found Where stories live. Discover now