I can't remember anything.
"Miss, huminahon po kayo. Ligtas ka na dito," pagpapakalma sakin ng isang pulis. "Kailangan lang namin yung statement nyo tungkol sa nangyari."
I closed my eyes shut, forcing myself to remember bits of what happened. Pero putangina, wala talaga akong maalala.
"Miss? Please, kailangan nyo pong makipag-cooperate sa'min para matulungan namin kayo," pamimilit pa nya.
I refused to open my eyes---even for a second. Hindi ko rin alam kung bakit nakahanap ako ng comfort sa hindi pagmulat ng mata. Maybe because it's the only way I could momentarily escape the battling flashes of red and blue light from the police siren? O baka kasi hanggang ngayon, sinusubukan kong maalala kung ano yung nangyari.
Pucha, paikot-ikot na lang.
Out of frustration, napahilamos ako ng mukha. "Hindi ko talaga maalala. H-hindi ko rin alam kung bakit," I cried out.
Pagmulat ko, makahulugang nagtinginan yung dalawang pulis. Kung anong ibig-sabihin ng mga tinging yon? Hindi ko alam.
Siguro nagtataka sila kung bakit hindi ko matandaan yung mga pangyayari kung isang buong linggo kong kasama yung mga taong involved. At kanina lang, humahagulgol ako sa harap nila, begging all of them to save me from this one particular person.
Sa totoo lang, may naaalala naman talaga ko---yung kalahati ng kwento. The half of it? Alam ko rin naman. Hindi ko lang talaga maalala kung pano humantong sa ganon.
And that's what I'm trying to find out.
Tumango yung isang pulis, "Sige, Miss. Babalikan ka na lang namin mamaya para hingan ng statement."
"Sige po," was my only response.
Pagkaalis nila, saka ko pa lang sya natapunan ng tingin. And to my surprise, nakatitig rin sya sakin habang nagbibigay ng statement sa dalawa pang nag-iimbestigang pulis.
Nang makita nyang pinapanood ko sya, ngumiti sya. There's something with those smiles, ang tagal ko na ring napapansin. I didn't really know how to define them until now.
It's sinisterly innocent.
Habang tinititigan ko sya---iniisip kung anong mga kasinungalingan na yung binuo nya para pagtakpan yung mga nangyari---kinikilabutan ako.
I need to remember everything.
YOU ARE READING
ALT
Mystery / ThrillerAlt key is a modifier key, used in a similar fashion to the Shift key.
