"Sa loob ng campus oo, e paano paglabas?" tanong ko.

"Oo nga ano?"

"Tch. Yun ang sinasabi ko na hindi niya yata maintindihan. Matinding loko si Choco! Kung tayo nga binabastos e, siya pa kaya? Anong laban niya don e kababaeng tao niya! Yun nga lang nakaraan e mangiyak ngiyak na siya sa sakit ng leeg niya tapos ngayon kung umasta na naman siya akala mo robot ang katawan niya." inis na sabi ko.

Naiinis talaga ako dahil hindi ko maintindihan kung bakit kailangang solohin nyia e pwede naman siyang magpatulong. Pwede niya namang kausapin si Choco nang may kasama. Kung ayaw niya akong kasama edi magpasama siya sa asawa niya! Kung busy ang asawa niya pwede niya naman yayain mga kaibigan niya. Kung natatakot ang mga kaibigan niya, pwede niya namang yayain 'to si Lee. Tutal tagapagligtas niya naman 'to e! Kung walang wala talaga e pwede rin naman 'tong si Tob. Tutal tinulungan naman niya kami pareho e. Ang dami daming pwedeng makasama, bakit kailangang kausapin pa ng mag-isa.

'Tch! Baka nga unang tanong mo pa lang kay Choco e masapak ka na! Bahala ka sa buhay mo! Mayabang ka!'

"Pero dre, hindi ko inaasahang mag-aalala ka nang ganyan kay Max. Bravo Enrile! Bravo!" si Tob na pumapalakpak pa.

"E kung ipakain ko sa iyo yung bola?"

"Biro lang e."

"Hindi ako nakikipagbiruan! Tch! Puro ka pang-aasar e---"

"Tigilan niyo na nga yan." si Lee. "E bakit naman kasama ka pa kung ang ipinunta niya lang don ay magpakita ng pictures?"

"Ahh yeah. Sinabi niya rin yung tungkol don sa mga bumanat samin ni Tob."

"Oh?" si Tob.

"Mmm. Mga taga-LU daw ang mga yun sabi niya."

"Hindi nga?"

"Oo nga!"

"Eh anong kinalaman natin sa mga yun?" takang tanong niya.

"Ewan ko--"

"Paano niya nakilala?" si Lee.

"Sa uniform daw."

"Huh?" silang dalawa.

"Mmm. Yun ang sabi niya nung tanungin siya ni Lolo, actually what she said was, yung pants lang daw ang LU uniform, yung coat daw ay iba. At nakita niya na daw before yung mga yun."

"Paano?" silang dalawa.

'Sana pala sinama ko sila don para hindi na ako hot seat ngayon!'

"Tsk! Nagbibilyar daw kasi siya noon don!" sigaw ko sa kanila at pareho naman silang napaisip. "Bakit?" takang tanong ko naman.

"Wala lang. Dumayo siya don para magbilyar? SIS siya di ba?" si Tob.

"Oo. E ano naman?" tanong ko.

"Nadadaanan ko ang Luna pauwi. Public University. Maraming tao sobra. At hindi sila mukhang basta basta dre. Alam mo yun? Tipong taong palaban, ganun."

"Oh e anong kinalaman sa bilyar nun?"

"Slow naman neto! Ang point ko e, paano nangyaring nakakatambay siya sa mga ganong klase ng lugar? Lalo na at kung dahil sa bilyar? Kung sa SIS siya nanggaling, ang dami dami niyang pwedeng tambayang lugar! Bakit sa Luna pa?"

HE'S INTO HER Season 1Where stories live. Discover now