CHAPTER TWENTY-TWO

Magsimula sa umpisa
                                    

"Woohhh... hindi ka pasmado.."

Agad ko nang binalikan ito at hinila ang pantalon nito pababa hanggang sa maalis ko na ito.

Napatingin ako sa kaniya na nakahiga lang at walang kamalay-malay.

Kung itong tao to ay nakaganito sa kalsada ay narape na kung sino-sino doon.

Napatingin ako sa boxer short nito at ang umbok nito. Napatingin ako sa ibang direksyon.

Kakainis, hindi ganito ang gusto ko ehhh.

Kinuha ko ang tabo at binasa kaunti ang tuwalya at pinunasan siya. Simula noo, pisnge, leeg, braso, dibdib, tiyan...ok na siguro na hanggang dito nalang.

Inayos ko na ang tabo at binalik sa CR. Binalikan ko si Draco doon at kinumutan. Maliligo muna ako kasi bago matulog. Amoy alak kasi ako.

Tatayo na sana ako ng may humawak ng braso ko at alam ko yin kung sino. Tatalon ako sa gulat at sisigaw kung hindi si Draco yun.

"Draco, maliligo na ako.."

Dumilat ito ng mata at napatingin sa akin. Napatingin naman ako dito at kita ko sa mata niya ang sakit na nararamdaman niya.

Bakit?

"I miss you.....sorry.."

Sabi nito habang nakatingin sa akin. Tumaas ang kamay nito at hinawakan ako sa pisnge.

"I miss you.." sabi nito. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Magkasama naman kami kaya bakit niya ako mamimiss...except..

"Oh, no, no, no,..." banggit ko sa kaniya at umiling pa ako.

Hindi ko hilig na makipag-ano sa lasing.

"I miss you...it's my fault. I'm sorry.."

Napatingin ako kisame dahil sa inaakto nito. Mga lasing nga naman...

"Ok na Draco, kung tungkol ito noong may nangyari sa atin ay ok na. Masaya ako dahil dumating ka nga dahil kung wala ka ay wala si Drake na magpapasaya sa akin. Tanggap ko na iyun..."

Umiling-iling naman si Draco at parang sira na hindi na huminto. Hinawakan ko ang pisnge nito para mahintuin siya.

"I'm sorry..."

Sabi nito at nabigla ako ng may lumabas na luha sa mata niya. Ito ang unang beses ko siyang makita na lumuha. Nakaramdam ako ng sakit ng makita siyang ganun..

"Shhh...it's ok Draco, ok na..."

"No, it's my fault. My fault...kung hindi ako pumunta doon. Hindi ka rin pupunta doon. Hindi ka mawawala...."

Sabi nito na kinakunot ng noo ko. Ano na ang pinagsasabi nito. Lasing na talaga ito at kung ano-ano na ang pinagsasabi. Tatayo na sana akonpero nakahawak pa din ang kamay niya sa braso ko.

"Draco, gusto ko nang maligo..."

"I'm sorry..."

"Sorry ng sorry...ok...apology accepted na. Bitawan mo na ako.."

"I'm sorry..." sabi nito at mas humigpit pa ang pagkahawak sa braso ko.

Umupo muna ako dahil nakatuwad ako dito. Nakahawak parin ang kamay niya sa braso ko. Wala na akong magagawa pa kundi ang hintayin siyang makatulog.

"I'm sorry...."

Hinayaan ko nalang siya. Para na akong baliw kung papatulan ko ang lasing.

"I'm sorry....."

Nakakarindi din sa tainga ang pinagsasabi niya--

"Stephanie....."

Napatingin agad ako kay Draco dahil sa binanggit nitong pangalan. Agad ding nawala ang pagkahigpit ng paghawak niya sa braso ko hanggang sa maalis na yun.

Nakatulog na si Draco, gustong-gusto ko siyang gisingin ngayon dahil para marinig ko lahat mg pinagsasabi niya. Ang buong oras na nagso-sorry siya ay hindi para sa akin. Kundi para sa kaniya.

Nakaramdam ako ng sakit dahil ibang babae ang nasa isip niya ng kasama niya ako.

Ibang babae!!

Ang ang lumuha siya ay akala ko ay para sa akin yun. Kundi para sa kaniya.

Sa Stephanie na yun...

Agad akong tumayo at kumuha ng tuwalya. Pumasok ako sa CR para maligo.

Habang nasa ilalim ng shower ay nasa isip ko parin ang sinabi niya.

Si Stephanie ang nasa isip ng lalaking yun. Hindi ako, hindi magiging ako.

Sa contacts niya. Yung Stephanie na yun na may heart emoji. Siya yun.

Nang matapos kung maligo ay nakatapis lang ako ng tuwalya. Pumunta ako sa pinaghubadan niyang pantalon at hinanap doon ang cellphone niya.

Binuksan ko yun at tinignan ang contact nito. Nakita ko doon ang number niya at tinignan ko nag messenger nito ay agad na ma lumabas na luha sa pisnge ko na may makita akong text niya na 'I miss you' at ngayong date iyun senend.

Lagi niyang tinetext ang number na ito na I miss you. Kagaya nang unang kong tinignang ang cellphone niya pero ngayon. Nagtext siya doon at kasama niya ako. Kami na....

Pero tinetext niya ito...

Napagkamalan niya pa ako na siya at nagso-sorry.

Ano lang ako sa kaniya?

Agad na pumunta ako sa closet at nagbihis. Napatingin ako sa kaniya ng matapos na akong magbihis.

Yung nakataob na picture. Sila iyun at ngayon lang pumasok sa isip ko na magkahawig kami. Hawig na hawig na iisipin ng ibang kambal kami.

Pero hindi....iba siya at gayun din ako.

Agad akong lumabas sa kwarto namin at pumunta sa kwarto ng anak namin.

Humiga ako doon at niyakap ang tulog kong anak.

Napatingin ako sa anak ko. Kung hindi ko ba kamukha ang babaeng iyun ay gagalawin niya ba ako.

Ang isiping dahil kamukha ko ang babaeng iyun kaya kasama ko siya.

Na nabuo ang anak namin ng dahil kamukha ko ang babae niya. Na nandito ako sa puder niya dahi kamukha ko siya.

Na dapat siya ang nasa kalagayan ko. Bakit ako? Hindi ko naman kasalanan na kamukha ko siya.

Kaya ba lagi niya akong hinahabol kasi kamukha ko siya.

Ako si Serenity at hindi Stephanie!!!

At kung nakikita lang ako ni Draco bilang Stephanie na yun ay hindi ko siya lalapitan. Mas karapatan siya sa anak ko dahil siya ang ama nito pero sa akin ay wala. Wala siyang karapatan na gawin ito sa akin. Hindu ako mabubuhay na sa tingin niya na ako si Stephanie.

Hinding-hindi...

Ako si Serenity at hinding Stephanie....

..

....

Lost and Found Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon