Kenji - Chapter 13

202 11 3
                                    

Hi Moon Readers!

I know it is quite late? or a very late? update. First, I would like to say sorry for updating so so late. I can't even remember the last time I wrote anything. I was so busy dealing with this pandemic. I work in a lab so most of the time, I'm working. There is no time for me to write because I'm always sleeping. But right now, I'm very tired and I wanted to relax and my only escape from reality is writing. This is where I find my peace. 

So! Para sa lahat nang nag aantay! Ito na po! Umaasa din ako na matapos ko si Kenji hahaha. Napag iwanan na tayo, pati book cover napag iwanan na. 

***

Mikka's POV

Sa totoo lang, gusto kong magpakain sa lupa dahil sa kahihiyan. Kahihiyan sa lahat ng mga binitawan kong salita kay Kenji last night. Kahihiyan sa lahat ng drunk texts ko sa kanya na hindi ko na nabigyan ng hustisya. Kahihiyan sa mga desisyon ko sa buhay.

"Ate, are you okay?" Tanong sa akin ni Mina. Ngumiti lang ako sa kanya sinabing, "I'm okay." Sabay ngiti kahit sa loob loob ko, gusto kong sampalin ang sarili ko sa realidad na pinapasok ko.

Hindi ko pa kinakausap si Bella after our phone call last night. Sa totoo lang, masama ang loob ko sa kanya. Hindi ko alam kung anong dahilan niya para magsinungaling sa akin tungkol doon. Pero sa totoo lang, wala naman akong karapatan magtampo sa ginawa niya dahil wala naman na talaga kami ni Kenji. Walang point para magalit sa ginawa ni Bella. It was supposed to be a joke. Dapat wala nalang sa akin iyon dahil matagal nang tapos ang ugnayan namin ni Kenji. Pero hindi ko alam bakit ako affected. Hindi ko alam bakit ako ganito mag react.

Sobrang sakit ng ulo ko. Ang daming unread messages sa phone ko. Hindi ko lahat binubuksan dahil pakiramdam ko sasabog ako. Gusto ko lang ng katahimikan ngayon araw. 

Sumakay kami ni Mina sa car dahil ihahatid ko siya sa school dahil may pasok siya ngayon. Ramdam siguro ni Mina yung pakiramdam ko dahil napapansin kong panay lingon siya sa akin. Hindi na rin siya nag tanong kung anong problema. 

"Ate, kuya Kenji told me last night that he wanted you back." Mina told me all of a sudden. 

"Shit!" I exclaimed. "Are you okay?" Tanong ko kay Mina. Napalakas kasi yung pag apak ko sa break.  Binusinahan ako ng kotse sa likod namin ng dahil sa ginawa ko. 

"Okay lang ako ate. I'm wearing my seatbelt." Sagot naman niya. Siraulo talaga minsan to si Ken. Minsan hindi ko maintindihan kung matanda ba ang tingin niya sa kapatid ko para pag kwentuhan ng mga personal na bagay. 

Bumalik ako sa pag mamaneho. I'm so curious. Sobrang close nilang dalawa na halos komportable si Kenji mag kwento kay Mina ng mga bagay bagay. Parang mas kapatid pa nga ni Mina si Ken kesa sa akin e. Hindi ko din naman pipigilan kasi masaya ako na mahal ni Kenji ang kapatid ko.

"A-anong nga kinukwento sayo ni kuya mo?" Tanong ko sa kanya na walang expression para hindi mahalata na curious ako. 

"Why are you curious, ate? Gusto mo ba siya balikan?" Tanong naman ng batang to sa akin. Parang matanda talaga mag salita. Kumurapkurap ako kasi hindi ko alam paano to lulusutan dahil sa totoo lang, gusto ko talaga malaman.

"I'm not curious. You opened the topic. Natural lang na mag tanong ako." Sagot ko naman sa kanya. I heard her giggled kaya napatingin ako sa kanya na agad kong sinimangutan tapos binaling ko ulit ang tingin ko sa daan. 

"Eh paano si kuya Hans?" Bigla niyang tanong. 

...

"Why? Anong paano?" Balik kong tanong sa kanya

Kenji (SB19 Ken Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon