Kenji - Chapter 5

407 24 3
                                    

Please don't forget to vote, share and follow my instagram account _moonsandsmiles


***

Mikka's POV

Nakaupo ako ngayon sa sala ng condo ni Kenji. Nagmamasid masid. Tinitingnan bawat corner ng condo niya. May mga family pictures ng parents niya at ate niya pero wala akong makitang picture nila ni Anna. Parang kwarto din niya to dati. Simple lang. Black and White yung theme. Parehas pati amoy. Napakabango.


Lumabas na si Kenji mula sa kwarto niya dahil tapos na siyang mag ayos. Kanina kasi, nagtutuyo pa siya ng buhok nung dumating ako. Mukhang kakatapos lang niya maligo.


"Hey." He said habang hawak hawak yung pandora paper bag na naiwan ko sa kotse niya. Lumapit siya sa akin at inabot yung white paper bag.


"Thanks, Kenji. Pasensya ka na sa abala." I told him tapos kinuha sa kamay niya yung regalo ko for Bella.


"No problem." He said tapos umupo sa kaharap kong upuan dito sa sala. 


Nakatingin lang siya sakin habang ako, medyo wala sa sarili kasi ano pa bang ginagawa ko dito? Alis na kaya ako? Eto lang naman yung pakay ko e. Yung regalo.


"Stay for a while." Biglang lumabas sa bibig niya. Teka, nababasa ba ni Kenji yung utak ko na gusto ko nang umalis? Teka bakit siya tumatawa?


"Why, may dumi ba ako sa mukha?" tanong ko sa kanya. He's trying to stop himself from laughing. Halata naman.


"Wala. Iniinom mo kasi yung binigay mong coffee for me. Pero, it's okay. hahahaha" He said


Shet.


Hindi ko na napansin na iniinom ko na pala yung coffee na binili ko kanina. Dahan dahan kong nilapag sa lamesa yung coffee at tumingin sa ceiling. Ano ba yan Mikka, ang shunga shunga mo naman!


"Naiwan nanaman niya." sambit ni Kenji sabay buntong hininga. Tumayo siya mula sa kinauupuan niya and pumunta sa bandang corner ng sala tapos may pinulot siya.


Bote ng gatas ng bata.


Pagpulot niya, tinitigan niya muna ito tapos nakita ko siyang ngumiti then bumalik sa pwesto niya kanina. Agad kong iniwas ang tingin mula sa kanya


"Naiwan nanaman nila." sambit niya ulit tapos binaba yung bote ng gatas sa lamesa.


"Hindi sila s-stay dito?" tanong ko sa kanya. Hindi na rin siya nagulat na alam ko kasi mukha hindi naman siya nag violent react sa tanong ko. Iniisip din niya siguro na sinabi na sa akin ni Bella since mag best friend kami.


It feels a little bit awkward na malaman yung full details lalo na ex ko siya pero hindi ko mapigilan yung sarili ko na alamin. I don't know pero kahit sinabi ni Bella sa akin na wag ko sisihin ang sarili ko, at some point naiisip ko na baka kasalanan ko nga to. Hindi mangyayari to sa kanya kung hindi ko siya iniwan at dito nalang nag trabaho sa Pilipinas.

Kenji (SB19 Ken Fanfic)Where stories live. Discover now