Kenji - Chapter 14

318 20 7
                                    

Hello moon readers!

Happy reading !

-----
Mikka's POV

Nagplano kami ng tropa na magbakasyon sa Tagaytay habang nandito pa ako sa Pilipinas. Umaasa din naman sila mas maraming oras akong maibibigay lalo na't ang tagal ko ring nawala. Kahit busy ang bawat isa, gagawa sila nang paraan makapaglaan ng oras para lang sulitin ang mga araw na nandito ako. By January kasi, aalis na ulit ako pa US. Napag desisyunan ko nang tanggapin yung ino-offer na promotion ng company ko.

Ang dami ko pa rin unread messages sa phone ko. Mula kay Bella, sa tropa at lalong lalo na galing kay Hans. Si Bella lang ang nireplyan ko dahil siya lang tong parang baliw na pinauulanan ako ng mga messages. Hindi yan titigil hangga't di ako nag rereply.  Sabi ko sa kanya, pag nagkita nalang kami magusap para mas maayos. Mas okay kasi na mapagusapan yung mga ganitong mga bagay pag magkasama at hindi yung tawag lang. Sumang-ayon naman siya kaya tumigil nang paulanan ng notifications ang phone ko.

Sa lahat nang taong maaaring mag memessage sa akin, si Kenji ang inaasahan ko pero ni isang message, wala akong natanggap mula sa kanya. Hindi ko alam kung galit ba siya sa akin o kung ano ba. Sabagay, kahit naman ako ang pag bintangan ng isang bagay na hindi totoo, maiinis din naman ako lalo na, may pinagsamahan kami. Di ko din alam. Walang point tong pinag-iisip ko. Nag o-overthink na ako.  Masyado nang clouded utak ko.

*ring* *ring*

Napatingin ako sa phone ko dahil may tumatawag. Pag tingin ko, si Hans. Hindi ko alam kung gusto ko bang sagutin pero hindi ko rin alam kung anong sasabihin at idadahilan ko kung bakit hindi ako makareply. Alam mo yung feeling na binigyan mo siya ng chance para makilala ka, ligawan ka, pero yung utak ko, nasa malayo. Pakiramdam ko tuloy, masasaktan ko lang siya. Hindi ko rin alam kung anong pumasok sa utak ko para bigyan siya ng chance. I mean, deserve naman niya dahil wala akong reklamo sa pagiging mabuting tao at marespetong lalaki niya pero yung desisyon kong ito, yung tipong padalos-dalos at hindi pinag-isipan.

Wala naman na akong nagawa kaya sinagot ko nalang yung tawag niya. Nandito ako ngayon sa kusina at nag reready ng babauin ni Mina sa school.

"Hans, napatawag ka?" Sambit ko habang nakaipit ang phone ko sa pagitan ng tainga at balikan ko. nagpiprito ako ngayon ng itlog at hotdog na ulam ni Mina. Nag request kasi yung bata ng simpleng pagkain lang dahil may handaan daw sila sa school.

(I'm just worried. You're not answering my messages. Are you okay?) Tanong niya sa akin.

Miski ako hindi ko alam kung okay ako. Pakiramdam ko ngayon, lumulutang ako. Ang nasa isip ko ngayon ay kung kakausapin ko ba si Kenji para magpaliwanag. Sa totoo lang, yung huling kita pa namin ay yung nagsigawan kami sa gitna ng kalsada ng halos gabing gabi na.

"Hmm. I'm okay naman." Maikli kong sagot. Hinango ko sa kawali yung itlog tapos nilagay ko na yung apat na pirasong hotdogs.

(Hmm. You don't sound okay. But anyway, May pinadala akong food dyan sa house niyo.) He said

"Eh?" Sambit ko

*Dingdong*

Nakita kong tumakbo si Mina papunta sa gate.

(Mukhang dumating na hahaha. Eatwell, Mikka. Pag okay ka na, message me back.) he said then hang up the call.

Bat nag abala pa siya? Nakokonsensya ako kasi ni hindi ko manlang binasa mga messages nya tapos may padala pa siyang pagkain.

Binaba ko yung phone ko sa kitchen island bago ko hinango sa mantika yung mga hotdogs.

"Ate!" Sigaw ni Mina

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 05, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Kenji (SB19 Ken Fanfic)Where stories live. Discover now