Kefálaio Tèssera; I máchi

Depuis le début
                                    

Naputol ang malalim kong  pag-iisip nang marinig ko ang umaawit na boses ni Vienna,

"Country roads take me home to the place where i belong~~"

kanta nya habang papasok sa kusina
naka-sunod naman sa kanya si Dryst-

"WEST VIRGINIA MOUNTAIN MAMAAAA~~"

ganadong pag-papatuloy ni Dryst sa kinakanta ni Vienna bagay na nagpangiti sa aming tatlo nila Forest at Felicity.

"Can you please stop continuing what i'm singing Dryst it doesn't suit you your voice is tooo ugly,"naiiritang sabi  ni Vienna bago umupo sa upuang nasa harap ko at nag-sandok ng pagkain.

"Can you please staph SpEakIng EnGlish Vienna Becoz I keNnaT understanding." nang aasar na sabi ni Dryst.

"And my Voice is not ugly,yours is.Dzuh 1st place kaya ako sa singing contest when i'm in grade one,"

"Because you're the only contestant!"
Vienna fired back,hindi namin naiwasang tumawa nila Forest at Felicity.

"Imagine you're the only contestant,but still you didn't manage to became the champion,what ah,pity." nang-aasar na dagdag ni Vienna.

"Nye....Nye....Nye..." Nakalabas ang dilang sabi ni Dryst,ayaw magpatalo.

"Cut that." Pag pigil ni Felicity sa asaran nilang dalawa bago pa sila tuluyang mag wrestling naglakihan naman sila ng mata na parang tinatakot ang isat-isa.

"Be fast male-late na tayo sabay sabay na tayong lima," sabi naman ni Forest kaya naman nagmadali nadin akong ubusin ang pagkain sa aking plato na halos hindi ko na pala nagalaw nang dumating si Vienna at Dryst at magsimulang mag-asaran.

"Diba Vienna  you said kagabi na you'll wash the dishes,i really remember na sinabi mo 'yon kagabi," Sabi ni Dryst na halatang ginagaya ang paraan ng pag-sasalita ni Vienna,nanlaki ang mata ni Vienna at tiningnan nya ng masama si Dryst.

"What! i can't remember myself saying such thing." naiinis at maarteng sabi ni Vienna natawa naman ulit kaming tatlo dahil alam naming isa sa mga katangian ni Vienna ang pagiging maarte at kahit kailan ay 'di sya mag pe-presintang maghugas ng mga pinag kainan.
 
"Anong 'I cant remember such thing ka d'yan sinabi mo kaya yun kagabi may kausap ka pa nga sa phone mo eh." Nakangising sabi ni Dryst natawa naman kaming tatlo nila Forest at Felicity.

"No, I didn't say such thing,Periodt. end of conversation."

"Anong Periodt at End of conversation" sabi ni Dryst bago malakas na sumigaw ng "LILITHHHHH" nagmamadali namang pumasok sa kusina ang tinawag naka suot pa ito ng apron at may hawak pang pan-tanggal ng agiw.

"Why?" tipid na tanong ni Lilith habang naka tingin ng masama kay Dryst.

"Diba Lilith Vienna said last night na sya mag w-wash ng dishes she's talking to someone pa nga through the phone diba?" sabi ni Dryst na nakapag pasama sa muka ni Lilith.

"So you shouted your lungs out just to ask that?" mataray na tanong nito kay Dryst. "Yes sinabi nya nga yun nasa library ako nun habang nasa sala naman sya shes talking to someone over the phone, Tapos dumating si Dryst and of course started saying nonsense-as usual" sabi nya pagkatapos ay umirap "Vienna got irritated kaya sinabi nya kay Dryst na umalis because shes talking to   someone pero bago umalis si Dryst kinulit nya muna si Vienna na sya maghuhugas ng pinagkainan ngayon and Vienna agreed she said yes pa nga." Mahabang sabi ni Lilith,hindi kami nakaimik lahat nagpipigil ng tawa,naka ngisi si Dryst at halata ang pagka inis sa muka ni Vienna.

Vous avez atteint le dernier des chapitres publiés.

⏰ Dernière mise à jour : Jan 18, 2021 ⏰

Ajoutez cette histoire à votre Bibliothèque pour être informé des nouveaux chapitres !

PROJECT MARSOù les histoires vivent. Découvrez maintenant