Kefàlaio Èna;Project Mars

20 4 0
                                    

Taong-2040

Maingay,magulo maraming tao ang nag tipon-tipon sa harap ng "PROJECT MARS-NEW COLONY ASSOCIATION" O PM-NCA facility and headquarters,sa araw na ito,dahil ngayong araw nakatakdang pumili ang PM-NCA ng mahigit kumulang Tatlong libong tao na maswerteng mapapabilang sa Project Mars,Tatlong libong tao na maswerteng makakaligtas sa nalalapit na pag-gunaw ng mundo.

Sirang sira na ang "Gi" o ang "Earth" masyado nang madumi ang hangin kaya't lahat ng tao ay naka-suot ng Oxygen Filtration Mask Napaka-rumi narin ng mga dagat at ilog na kahit isang isda ay wala nang nabubuhay dito,bilang nalang rin sa daliri ang mga nakatayong puno ang dating malalagong kagubatan ay unti-unti nang nasira hanggang sa wala ng natira para mabuhay ang mga hayop sa kagubatan ang dating asul na karagatan ay naging naka-lalason,Ang mga lupang sakahan ay halos hindi na mataniman o tubuan ng mga pananim unti-unti nang namamatay ang "Gi" para itong isang bangungot na nagka-totoo,nakakatakot.

Hinding hindi ko makakalimutan ang dahilan ng pagkasira ng Gi ang dahilang iyon ay ang dahilan kung bakit wala ng mga ibong lumilipad sa kalangitan ang dahilang iyon ang sumira sa mga dagat at kagubatan,Masasabi kong napaka-swerte ng mga batang naranasan ang umakyat sa matatayog na puno napaka-swerte ng mga batang naranasan ang lumangoy sa asul na karagatan sapagkat alam kong impossible nang maranasan iyon ng susunod pang henerasyon yun ay dahil mismo sa mga tao,mga taong umabuso at sumira ng Gi nabulag ang mga tao sa kasakiman at hindi na nila alam ang kahihinatnan ng pagsira nila sa kagubatan.

*Part of the past--

Taong Dalawang libo't Dalawampo ako ipinanganak iyon ang taon kung kailan lumaganap ang nakamamatay na virus na nag papahina sa Immune system ng isang tao ang Virus na ito ay tinawag nilang Feungal Virus nagmula ito sa isang liblib na probinsya ng bansang China,ang virus na ito ay mabilis na lumaganap at kumitil ng maraming buhay sa loob lamang ng ilang linggo matapos ang outbreak.

Ang aking Ama ay isang General at ang aking mamà ay isang Doctor kaya naman ilang araw pa lamang mula ng ako ay isilang ng aking ina napilitan na silang bumalik sa pag ta-trabaho dahil sa panahong iyon sila pinaka kailangang-kailangan ng mundo,samantala ako naman bilang isang sanggol ay naiwan sa pangangalaga ng aking Theìa o tiyahin.

Sa taon ding iyon nag deklara ang WHO o World Health Organization ng Worldwide Pandemic Alert dahil halos lahat ng ospital ay napupuno na nang mga Infected at patuloy sa pag dami at paglaganap ang kaso ng mga infected na tao napakaraming namatay nang  dahil sa Virus na iyon.

Taong Dalawang libo't Dalawampot Isa nagpatuloy ang pag bagsak ng ekonomiya ng halos lahat ng bansa,ngunit sa kabila ng pagbagsak ng ekonomiya ng halos lahat ng bansa kataka-taka naman ang pag taaas ng ekonomiya at patuloy na paglago nang bansang China.

Taong Dalawang libo't Dalawampo't Dalawa naglabas ang China ng Vaccine o lunas para sa nasabing Virus ngunit napaka mahal nito at tanging mayayamang bansa at tao lamang ang may kakayahang bumili,Dahil doon nakipag kasundo ang China sa mahihirap na bansa, bibigyan sila ng Vaccine kapalit ng natural na yaman ng kanilang bansa tulad ng langis at iba pa doon nag-simula ang onti-onting pagka-sira ng Gi, Lumipas pa ang dalawang taon kasabay ng pagbagsak ng ekonomiya ay ang pag dami ng namamatay dahil sa gutom at sakit.

Taong Dalawang Libo't Dalawapo't Lima naman ang pinaka magandang taon,dahil sa taong iyon nakatuklas ang mga Russian scientists ng panibagong Vaccine na ipinamigay nila ng libre sa mga karatig bansa,Dalawang taon lang matapos makalikha ng mga Russian ng panibagong Vaccine nanumbalik ang lago ng ekonomiya nang bawat bansa sa buong mundo,Ngunit lingid sa kaalaman nilang lahat mayroon palang masamang binabalak ang pinuno ng China napaka laki ng galit nito sa Russia dahil sa pagkakatuklas nito ng panibagong Vaccine.

Binomba ng China Ang Russia at doon nag Simula ang madugong labanan sa pagitan ng dalawang bansa,doon narin nagsimula ang onti-onting pagkasira ng Gi.
Sa gyerang iyon karamihan ng bansa ay pumanig sa Russia ngunit mayroon din namang pumanig sa China.
Natatandaan ko pa kung paanong nag-paalam ang aking mga magulang para tumulong nung kasagsagan ng g'yera.

*flashback---

"Mamà....Papà...W-where are y-you going?" Tanong ko habang naka tayo sa gilid ng pinto nahinto silang dalawa sa kanilang ginagawa dahan dahan silang lumingon sa akin at para bang gulat na gulat at hindi inaasahang nagising parin ako sa kabila ng dahan dahan nilang pag kilos walang nakapag salita sa kanilang dalawa nanatili silang nakatayo sa loob ng ilang saglit,Dahan dahang lumapit sa akin ang aking ina lumuhod sya upang mag pantay ang aming mga paningin pagka-tapos ay niyakap ako ng mahigpit ganoon din ang ginawa ng aking ama.

"Listen Dear...Uhmm Listen Carefully" sabi ni mamà na nakapag patango sa akin.
"You're a big girl na,so please try to understand. Me and your Dad we are leaving for now,T-There's a war out there and ofcourse me and your dad we are needed there. Are help is needed there,Please..please be good to your Theìa" sabi ni mamà habang umiiyak."D-Do w-what ssshe says t-take good care of yourself,love." Mahaba at tuloy tuloy n'yang sabi,pag ka tapos nyang sabihin yun ay hinalikan nya ako sa noo at tuluyan nang tumayo.
"Are you coming back?" hindi napigilang tanong ko habang umiiyak.
"Mamà...Papà?"
"Ofcourse Dear we'll comeback,I promise" parang siguradong siguradong sabi ni mamà na nag papanatag ka aking kalooban.
"Hihiramin lang kami sayo saglit ng g'yera at mga taong nanga-ngailangan" dagdag pa ni Papà.

* end of flashback----

Ang buong akala ko ay hihiramin lang sila saglit sa akin ng g'yera ngunit hindi na ito nag abala pang ibalik sila, Walang nakaka-alam kung buhay pa ang aking nga magulang o kasama sila sa mga nasawi sa g'yerang iyon basta nalamang sila nawala at hindi na muli pang nakita.

Pitong taon ang itinagal ng g'yera hindi nanalo ang Russia at mas lalong hindi nanalo ang China walang nanalo ang lahat ay umuwing sawi ang lahat ay umuwing talunan,ngunit ang mas higit na naapektuhan ay ang Gi,Ang g'yerang iyon ang dahilan ng pagka-sira ng kagubatan ang g'yerang iyon ang dahilan ng pag ka lason ng dagat nasira lamang ang mundo at namatay ang libo-libong inosenteng tao at sundalo,Sa g'yerang iyon ang pinakatalo ay ang Gi sapagkat ang Gi ang pinaka naapektuhan at nasira.
At kung may magagawa lang sana ako para muling ma-isaayos ang planetang Ito gagawin ko iyon ng bukal sa aking loob.
____________________

Narito ako ngayon sa harap ng PM-NCA headquarters and facility hindi dahil isa ako sa mga taong nagkakan-darapang mabuhay para sa sarili susubukan kong mapabilang sa Tatlong libong taong mapipili upang makapunta sa Mars dahil kailangan kong mahanap muli ang pinaka maganda kong dahilan upang magpa-tuloy na mabuhay.

PROJECT MARSWhere stories live. Discover now