Kefálaio Dyo;3000 is Born

21 3 0
                                    

Nagpatuloy ang gulo,sigawan,iyakan at kung ano-anong ingay nag-gigitgitan narin at nag kakatulakan sa harap ng PM-NCA's headquarters and facility, karamihan sa kanila ay nag ma-makaawang mapabilang sa Tatlong libong tao na bubuo sa Project Mars, Nag uunahan silang makapasok sa loob ng mataas na Gate,ngunit hindi ako bumi-bilang sa kanila,sa mga taong nakikipag-gitgitan o sigawan para lang makapasok dahil alam ko sa aking sarili at alam kong alam din nila na ang paraan ng pag pili ay binabase sa pisikal na anyo ng isang tao at sa kanyang mental na kapasidad,ngunit higit sa lahat and pag pili ay nakabase sa kung ano ang kaya mong ibigay o isakripisyo para lang mapabilang sa kanila at matawag na Marsian.

Mabilis akong tumayo nang makita ko ang aking pangalan sa Screen,sa screen na iyon ipinapakita ang pangalan ng kung sino ang susunod na mai-interview,ang interview na iyon ang batayan upang malaman kung kwalipikado silang mapabilang sa Project Mars.

Mabilis akong lumapit sa Gwardya o bantay para sabihing ako ang nag mamay-ari ng pangalang ipinakita sa screen,saglit ako nitong tinitigan, hindi nanininiwala.
Ipinakita ko sa kanya ang aking identification card saglit nya itong tinitigan pagkatapos ay mabilis akong pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa at muling ibinalik ang tingin sa Aking identification card,naninigurado.
pagkatapos niyon at tumatango-tango syang nag balik ng tingin sa akin kumindat ito at ngumiti na para bang isang asong nauulol ,nakagat ko ang aking sariling labi pinipigilan ko ang aking sariling singhalan ang gwardya dahil sa hindi ko gusto ang paraan ng kanyang pagtingin,kung pu-pwede nga lamang ay kanina ko pa ito pina-ulanan ng suntok ngunit nangako ako sa aking sarili na hindi ko na muling gagamitin pa ang mga nalalaman ko sa Martial arts lalong-lalo na kung makakapanakit ito ng ibang tao,ngunit ayos lang naman atang ipag-tanggol ang sarili laban sa mga manyak hindi ba?

Naramdaman yata nito ang aking pagka-irita dahil binuksan na nito ang maliit na pinto sa malaking gate at pinapasok ako roon.

Pag pasok ko sa malaking gate napakaraming taga bantay ang sumalubong sa akin lahat sila ay naka-suot ng itim ang ilan sa kanila ay abala sa pakikipag-kwentuhan at ang iba naman ay nagmamasid sa paligid,nag lakad papalapit sa akin ang isang lalaking naka Asul na Uniporme nakatingin sya ng deretso sa aking mga mata habang sya ay naglalakad,isa syang Commander tanging mga Commander lamang ang naka asul na uniporme sa pasilidad na ito  ngunit ano ang ginagawa nya dito?.
Nang tuluyan na syang makalapit sa akin marahan s'yang humawak sa aking braso.

"Ihahatid na kita,Miss." Sabi nito sa akin,Bakas ang sarkasmo sa paaran ng pag kakabanggit nya sa salitang miss,napatango na lamang ako tanda ng aking pagsang-ayon sa gusto nyang mangyari. Tahimik akong sumama sa kanya patuloy parin sya sa pag-akay sa akin,Inakay nya ako papunta sa isang makipot at madilim na pasilyo,tanging ang malamlam na ilaw lamang sa dulo ng pasilyong ito ang nag bibigay liwanag sa aming daraanan.

"Bakit ka Nandito?" Hindi napigilan ang sariling tanong nya,hindi na ako nagtaka pa alam Kong magtatanong at magtatanong sya,Ngunit nanatili akong walang imik at nakayuko hindi na ako nag-abala pang sagutin ang tanong nya,nakahawak parin sya sa aking braso kaya halos mag-kasabay lang kami sa paglalakad.

"Alam mo namang hindi mo na kailangang sumali pa sa proyektong  ito para maligtas,Hindi ba?" dagdag nya pa.Huminto ako sa paglalakad na nakapag pahinto rin sa kanya iniangat ko ang aking paningin   upang deretso kaming magka-tinginan.

" Huli na ang lahat,Noe.Hindi nya na ako maililigtas."Tumingala ako upang pigilan ang nag babadyang pag bagsak ng luha mula sa aking mga mata at nang muli ko iyong ibaba upang tignan ang kanyang reaksyon ay labis akong nagtaka dahil imbis na pagkagulat ang aking makita bakas sa kanyang muka ang pagka-mangha at saya.

"You called me by my name again!" Eksaherado at parang namamang-hang sabi niya bakas mahihimigan mo rin ang saya sa kanyang tono.

"Bakit naman hindi kuya." Medyo natatawa Kong sabi.hindi kona nadugtungan pa ang aking sasabihin dahil mabilis niya akong hinila papalapit sakanya upang yakapin ng napaka higpit.

PROJECT MARSWhere stories live. Discover now