Kefálaio Tèssera; I máchi

8 2 0
                                    

             THE BATTLE: PART 1

This is a work of fiction. All the Names Characters,places and events in this book are either product of authors Imagination or used in fictitious manner any resemblance to actual person living or dead is highly and purely coincidental.

Warning:

Pawisan ako ng imulat ko ang aking mga mata patuloy parin ang pag agos ng aking mga luha,isa lang palang panaginip! isang panaginip na sa pag mulat ko ng aking mga mata ay halos hindi ko na maalala,Ang panaginip na iyon ay nagpakirot ng sobra sa aking puso sa hindi ko malamang dahilan.

Ipinikit kong muli ang aking mga mata nagbaba-kasakaling maaalala ko ang kahit na isang detalye ng aking panaginip,ngunit hindi ako nag-tagumpay na makaalala kaya iminulat ko nalang muli ang aking mga mata at tinignan ang orasan sa aking bedside table 7:00 alas syete y medya na pala may isang oras na lamang ako para mag prepera.

Bumangon ako at pumasok sa banyo para maligo pagka tapos ay pumasok ako maliit na walk-in closet sa aking kwarto para magbihis hindi na ako nahirapang pumili ng isusuot dahil ang unang makita ng mga mata ko ay huhugutin ko at isusuot,puting long sleeves puting pantalon at puting sapatos araw-araw na lamang akong nakaputi nakakasawa na.

Lumabas ako sa kwarto at dumeretso sa kusina para kumain ng agahan.

"Good morning 3000"nakangiting bati sa akin ni Felicity.

"Kumusta naman ang tulog mo 3000?" Tanong naman ni Forest,napatingin lang ako sa kanya tipid na ngumiti at nagsimulang kumain.

Sila ang mga kasama ko sa Cabin lima kaming nakatira sa bawat isang cabin lahat kaming lima ay babae mahigpit na ipinagbabawal ng PM-NCA ang pag-sasama ng lalake at babae sapagkat hanggat maari ay nililimitahan nila ang populasyon dahil sa sakto lamang ang pagkain dito sa loob ng pasilidad.
Ang bawat  Cabin ay may sapat na supply ng pagkain at tubig ang kuryente naman o elektrisidad ay nangggaling sa Solar Panels.Ang aming Cabin ay may dalawang palapag pagpasok mo palang sa bawat pinto ng unang palapag ng bawat cabin ay bubungad sayo  ang isang sala set na may makabagong kagamitan ang telebisyon ay makakausap mo na parang isang tunay na tao pwede mo itong i-set sa kung paanong paraan mo ito gustong makausap bilang isang kaibigan,kapatid o kahit na magulang nasa sala set rin ang hologram na tinatawag naming Lilith sya ang nag papa-alala ng mga bagay na dapat o kailangan mong gawin nag hahatid rin s'ya ng mga mensahe,Ang tunay o taong Lilith naman na kasama namin sa bahay ang responsable sa paglilinis ng buong cabin,Ang kusina naman at dining hall ay pinag-isa na upang maka tipid ng espasyo,sa ikalawang palapag naman naroon ang limang kwarto na aming tinutulugan ang bawat kwarto ay may sariling banyo at walk-in closet sa ikalawang palapag rin naroon ang maliit na library na paborito kong tambayan.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ng muli akong kausapin ni Felicity.

"3000 namamaga ang mata mo umiyak kaba?"tumingin naman ako sa kanya at bumuntong hininga bago sumagot.

"Nanaginip nanaman ako,"
nakayuko kong sabi

"Hindi mo nanaman ba maalala ang napanaginipan mo?"singit ni Forest sa usapan,tumango naman ako.

Muli namang nabalot ng katahimikan ang hapag kainan nakatingin lang sa akin ang dalawa makikita sa kanilang mga mata ang awa sa akin,hindi na sila nagtanong ulit sapagkat alam nilang nalulungkot ako tuwing mapag uusapan ang pagkawala ng aking mga ala-ala,Si Forest,Felicity, Vienna at Dryst ang apat na taong kinikilala ko bilang kaibigan sa loob ng pasilidad na ito alam din nila ang tungkol sa pagka wala ng aking memorya at ramdam ko din na ginagawa nila ang lahat upang hindi ko laging alalahanin ang pagka-wala ng aking mga ala-ala ngunit ang hindi nila alam ay gabi-gabi akong bina-bangungot ng aking nakaraang hindi ko maalala gabi-gabi akong umiiyak dahil sa lungkot gabi-gabi akong umiiyak dahil naiingit ako sa kanilang apat sapagkat alam nila kung sino sila o anong klaseng buhay ang mayroon sila bago sila mapasok sa loob ng pasilidad na ito at higit sa lahat alam nila  ang kanilang pangunahing layunin bakit sila pumasok sa lugar 'to samantalang ako~~

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 18, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PROJECT MARSWhere stories live. Discover now