Chapter thirteen

25 2 0
                                    

Malay mo Tayo
By: TaojaTaoja

"Ano ba 'yan Keesh, kahihiyan talaga 'yang ginawa mo."

"Alam ko, pero masisi mo ba 'ko? Alam mo naman na gawain 'yun ng mga readers na walang budget kagaya ko." Hindi ko hahayaang hindi maidepensa ang sarili ko rito. "Saka ang tagal ko nang hindi nakakapagbasa ng bagong story, naakit lang ako. Opportunity na 'yun para makapag free read."

"Napahiya ka naman." Ayos na ayos ang pagkakasandal ni Ella sa upuan habang magkakrus ang mga kamay.

Para siyang nanay na nanenermon ng anak. Naka one bun ang buhok  at medyo gulo-gulo pa.

"Bakit ba? At least nag-enjoy ako, hindi ko nga lang natapos."

Hanggang ngayon ay naiisip ko pa rin ang patutunguhan ng istorya na 'yun. LOVE ME AGAIN, title pa lang ang ganda na.

"Ba't kasi hindi mo na lang binili?" Enjoy na enjoy talaga sa pagkakaupo n'ya.

Feeling niya naka reclining chair siya h monoblock lang naman 'yun. Pauga-uga pa s'ya na dinaig pang matanda na hindi na nakakalakad.

Ewan ko na lang kapag matumba s'ya.

"Alam mo naman na may mas dapat akong paglaanan ng pera ngayon. Hindi ko naman isasaalang-alang ang pag-aaral ko para sa isang libro."

"Ang over mo naman. Isang libro lang naman ang bibilhin mo, hindi ko naman sinabi na lahat ng libro na makita mo bilhin mo."

"Kahit na! every amount matters Ell, hindi basta-basta napupulot ang pera."

Imbis na sagutin ako ni Ella at makipagtalo, nginitian niya lang ako.

"Anong ibig sabihin n'yan?"

"Wala lang, nakakatuwa kasi na talagang ibang-iba ka na ngayon," Nangungusap ang mga mata ni Ella. Walang ibang ipinakikita ang mata n'ya kundi saya.

"Nagbago ka, pero ikaw pa rin ‘yung Keesha na nakilala ko. Nag-improve, 'yun ang right term sa changes na nangyari sa'yo."

Imbis na magsalita. Patuloy lang akong nakinig kay Ella.

"Being good comes naturally to you, pero mas naging mabait ka pa lalo. Bukod do'n you've grown so much. Hindi na ikaw yung Keesha na walang alam sa mundo, and to tell you honestly, mas marami ka ng nalalaman sa'kin tungkol sa buhay."

Natawa siya nang bahagya at makikita ang maliit na butil ng mga luha na nagbabadyang pumatak sa mga mata niya.

"Hindi na ikaw yung Keesha na palaging takot. Hindi na ikaw ‘yung Keesha na kailangan pang turuan para matuto sa mga bagay-bagay. All of the changes na nakikita ko ngayon are something that make me happy." Ang lahat ng mga sinabi ni Ella ay nakakataba ng puso.

Hindi ko rin napigilang maging emosyonal.

Masaya ako na may nakaka-appreciate sa mga ginagawa ko.

Alam ko naman na naa-apreciate 'yun ni Ella, pero ang marinig ko ito mula mismo sa kanya ay talagang napakasarap sa pakiramdam.

Si Ella na lang ang pamilya nasasandalan ko and she never fails to be my refuge. Kahit ako sa sarili ko ay hindi magawang makapaniwala na ibang-iba na ako sa Keesha noon.

Hindi ko lubos maisip na ang Keesha na mahilig sa gimik, walang pakialam sa pera at hindi iniisip ang bukas ay napalitan ng Keesha na mayroong pagpapahalaga sa lahat ng bagay.

Malay Mo Tayo [Published Under IMMAC PPH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon