"Siguro para talaga ako sa pagtuturo," makabuluhan kong saad. Walang halong lungkot pero hindi hindi rin nakangiti nang magsalita ako.

"Sabagay maganda rin naman ang Education." She nodded.

I've decided to take education. Hindi ko naman pinili 'yon kasi no choice ako. I chose Education because I wanted it.

I admired Teachers, and I really want to be like them. The course also suits my capacity. 

Hindi ko kakailanganing gumastos ng malaki para sa kursong 'yon. I think I'm meant for the profession.

"Ell may bibilhin ako sa labas gusto mong sumama?"

"Ano namang bibilhin mo?" Bakit ba nananarak ang mga mata nitong si Ella kapag kinakausap ako?

"Basta, sasama ka ba?"Ang dami pang tanong. Ang tanong lang naman ay kung sasama ba s'ya.

"Hindi na, ikaw na lang. Madami pa 'kong gagawin eh."

"Sige maiwan muna kita."

Kanina ko pang pinaplanong pumunta ng mall. May balak kasi akong bilhin. Sayang lang at hindi sumama si Ella sa akin.

Ang daming tao ngayon at hindi na 'yon nakakapagtaka dahil weekends.

Dumiretso ako sa book store. 

I really love to read. Mahilig ako sa mga romantic novels at 'yun ang stress releaver ko.

Napakadaming libro na nasa harapan ko ngayon. Each of them captures me pero hindi 'yun ang ipinunta ko.  I'm here to buy something.

Pumunta ako sa school supplies section para bilhin ang bagay na ipinunta ko.

I'm not here to buy stuff for school kasi nakapamili na ako. May isang bagay lang akong nakalimutan. Kinuha ko na 'yon at dinala sa counter.

"Ma'am ito lang po?" Nagtaka ako sa tanong ni ateng nasa counter.

Mukha ba akong may dalang iba? Syempre 'yun lang. ‘Yun lang ang ibinigay ko sa kanya eh. Hindi ko magawang magalit kasi mabait naman siya at mayroong pleasing personality.

"Oo 'yan lang ate."

Isinupot na niya ang binili ko.

"Okay po, I received 500 pesos ma'am, Here's your change po, 486 Ma'am."

"Salamat."

Nang makalabas ako'y chineck pa ng guard ang resibo ko. Ibinigay ko naman 'yon sa kanya.

"Pffft."

Natatawa ba s'ya?

"Okay na po Ma'am."

Nginitian ko si manong guard bago tuluyang nilisan ang book store pero nagtataka talaga ako kung bakit gano’n ang reaksyon ni manong sa akin.

Namumula rin siya at parang nahihirapan. Para siyang na-stroked.

Wala naman na akong ibang pupuntahan, pwede na akong umuwi pero may naisip akong ideya.

Actually, nasa baba na ako at nasa third floor ang book store pero dahil nga sa ideya ko ay bumalik ako do'n at tinahak ang books section.

I'm here at the books section again. Nandito na ako kaya susulitin ko na. I won't let the opportunity fall from my hands.

Kumuha ako ng isang libro at binasa 'yon. Wala namang sealed karamihan ng libro kaya pwede mong mabasa, pero syempre pasimple ka lang dapat.

Malay Mo Tayo [Published Under IMMAC PPH]Where stories live. Discover now