Napaharap sa akin si Rafael. "He's a soldier right?"

Tumungo ako. "Yes! He's a soldier. Isa sa mga magagaling na sundalo ang Papa niya dito sa syudad, Isama mo na sa Davao."

"Azrael, are you sure about this? This is a serious problem. Hindi biro itong pinasok mo." Ani Damon.

Napalunok ako. "Yes! I'm sure. Kailangan na nilang malaman para mas maagang gumawa ng aksyon si Ian. Si Victoria ang mabibiktima dito. Siya ang unang apo ng mga Dela Fuentes."

"She's also a soldier." Sabi ni Damon. "She know how to protect her live."

Is she?

"Nakikita kong tinitraining na si Ian at Victoria. Hindi na lang din maalala kung sino yung isang babae kasama nila. Pero saan mo siya makakausap?" Tanong ni Rafael.

Bumuntong hininga ako. "Sa SCP"

"SCP?" Sabay nilang dalawa.

"Swat Cooperation of the philippines. Bahay ng mga sundalo. Doon sila nakatira ngayon."

"Azrael, tama ba itong ginagawa mo? Baka mamaya madamay tayo dito." Ani Rafael.

Napatingin ako sa kamay kong may sugat. Hindi ko alam kung saang parte ng katawan ni Jason tumama itong kamao ko. Tulis naman ng pagmumukha noon.

"Kung madadamay man tayo. Ako lang! Hindi kayo madadamaydahil ako ang nanghimasok, ako ang nakialam. Ang gusto ko lang ay malaman nila at mag ingat na sila." Napailing ako at naglakad. "Basta! Ipangako niyo lang sa akin. Itatago niyo ang problema na ito. Wag niyong sasabihin sa mga kaibigan natin lalo na sa pamilya."

Taon na ang nagdaan. Ganon at ganon pa din ang sitwasyon. Simula noon ay hindi na kami nag usap pa ni kahit kibo ay wala. Badtrip na lang ako lagi dahil lagi sila magkasama ni Jason.

"Too fitted!" Sabi ko habang tinititigan ang sarili sa salamin.

"Try this one!" Binigay sa akin ng bakla ang isang toxido. Tinaggal ko ang pinasukat niya sa akin. Ang sikip kasi sa kili kili.

"Relax! Ej. Ano bang problema mo kay Eion?" Tawa ni Damon. Tinitigan ko ang pinsan ko sa salamin. Nakasimangot siya at hindi ko maintindihan kung bakit badtrip.

"Sa dami daming lalaki na pwedeng piliin. Pinipilit niyang si Eion ang makasama niya." Reklamo ni Elijah habang badtrip na umupo sa maliit na coach.

"Let her! It's her debut. Wala ka nang pakialam doon, Ej." Ani Josiah na nagsusukat din.

Ano bang problema noon? Hindi ko naiintindihan ang dalawa. Elijah is a playboy too. Mahilig din siyang makipaglaro katulad ko. Pero kapag si Klare at lalo nang nanliligaw sa kanya si Eion ay galit na galit.

Akala mo siya pa yong boyfriend. Hay nako! Bahala silang dalawa. It's none of my business actually. Well! Di ko din naman siya masisi. Eion is not interested at all. Napilitan lamang siya dahil crush siya ni Klare.

Nagsukatan kaming mga pinsan kong lalaki para sa debut ni Klare. Ang mga babae ko namang pinsan at nasa kabilang side.

"Gym tayo mamaya, Azi. May pupuntahan ka ba?" Lapit sa akin ni Josiah.

"Meron, wala nga akong balak ngayon. I'm busy." Sabi ko.

"You're always busy." Napailing si Damon sa coach.

Natawa si Rafael habang inaayos ang polo niya sa harap ng salamin. "May binabantayan yan. That's why?"

Kumunot ang noo ni Damon. "Who? Nikka Salvador?"

Lagi na lang nirereto si Nikka sa akin. Pake ko doon!
Bagay daw kami dahil mahilig daw manapak para naman magising ako sa katotohanan.

Napapailing ako. "Fucker! Wala akong binabantayan." I lied.

Healed scar (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon