10th Healed

169 10 2
                                    

SCP

"Tangina ka! Jason." Sigaw ko nang makasalubong ko siya sa parking lot. Humandusay siya sa sahig nang matamaan siya ng kamao ko. "Ano? Hah! Akala mo ba hindi ko narinig lahat ng sinabi mo!"

Napahawak siya sa kanyang labi. Nasuntok ko ulit siya ng malakas sa mukha.

"Azrael!" Inawat ako ni Rafael simula sa likod ko. Silang dalawa lang ni Damon ang nakakaalam.

"Tangina! Subukan mo lang! Jason. Ako mismo magsasabi sa pamilya niya!"

Napangisi siya. Tumayo siya. "Stop being a hero here, Azi. Wala kang pakialam sa desisyon ko. Ako ang gusto niya! Nahuhulog na ang loob niya sa akin. Kaya wala kang karapatan na mangialam."

Umigting ang panga ko kaya mas lalo ko siyang nasapak ng malakas. "Don't try to rape her! Ipapatay talaga kita!"

"Bakit? Ano pa ba ang alam mo?" Napangisi siya. "Konti na lang! Azrael. Makukuha ko na siya, kaya labas ka dito!"

"Alam kong wala akong karapatan! Pero sa gagawin mo! Magkadimandahan na tayo! Hindi ako makakapayag na magawa mo yon!" Sabi ko habang bumibilis ang paghinga ko sa galit. "I will try my best to chase her! Kesa naman mapunta siya sa demonyong tao."

Sinapak niya ko buti na lang ay sinalo ako ni Rafael.

"Aba't gago-" Akmang sasapakin na siya ni Damon pero pinigilan ko. Napahawak agad ako sa bagang ko. Tumayo ako at buong matapang ko siyang hinarap.

"Ano Jason? Natatakot ka na ba?" Tinalasan ko ang aking tingin. "Natatakot ka na ba na malaman ng mga Dela Fuentes? Natatakot ka na ba matuluyan ng mapatay ang pamilya mo?"

Ngumisi siya. "Ano naman ngayon? Ano naman sayo kung gawin ko yon? Kahit kailan, Azrael. Kahit kailan hinding hindi siya mapupunta sayo!"

Akmang susugod na ko pero na sikmuraan ako. Agad na sumugod si Rafael sa kanya.

"Don't you dare to do this to my cousin! Hindi lang ito maabot mo!" Sigaw ni Rafael ng makasuntok siya.

Hinawakan ni Damon si Jason sa likod at sinikmuraan ito ni Rafael. Tumayo ako para awtin sila. "Tama na! Ako na bahala kay Victoria. Dadating din ang araw na makakatikim yan ng karma!" Sabi ko habang tinitigan siya na nakahandusay.

Kinuwelyuhan ko siya at tsaka hinarap sa akin. "Tandaan mo itong mukha ko! Jason. Wala akong pakialam kung gusto mo pa ko ipapatay. Makakarating at makakarating ito sa pamilya nila. Lalong lalo na sa kanya. Kung ayaw mong mawalan ng mana. Tigilan mo yang plano mo! At hayaan mo siya mapunta sa akin."

Tumawa siya. Hinawi niya aking palad sa kanyang damit. "Tapang mo din noh! Tignan lang natin! Montefalco. Tignan lang natin kung saan ang makakaya mo!"

Halos nanginginig ang katawan ko sa galit. I punch him again. Basag na basag na ang mukha niya sa pagsusuntok.

"Let's go!" Yaya ko. "Hayaan mo na yan! Kung matapang ka talaga! Planuhan mo na! Kung ipapatay mo ko. Pero sa lahat ng baho mo! Malalabas at malalabas yan!"

Umalis na kami at hinayaan siyang bugbog sarado doon. Damn it! Sakit ng kamao ko ah! Ganon na ba katigas ang mukha non. Nakita kong may sugat pa ito.

"Paano na kaya kung pabilugin ni Jason ang sitwasyon? Tayo ang mayayari?" Ani Damon habang naglalakad na kami palayo.

Ngumisi ako. "Ako ang bahala. Kakausapin ko si Ian."

Kumunot ang noo ng dalawa. "Ian?"

Napatigil kami sa paglalakad at tsaka ko sila hinarap. "Ian Ty. Victoria's first cousin."

Healed scar (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 3)Место, где живут истории. Откройте их для себя