"Ex-wife." Pagputol ni Cass sa balak na sabihin ng pinsan ko.

Napailing na lang ako bago sila irapan. "Wala kayong paki."

Ng masigurong ayos na ko, agad akong tumayo at kinuha ang bag ko. Akmang lalabas na ko ng opisina ko ng maalalang may dalawang bruha na nandito ngayon, nanonood sa'kin.

"Umalis na kayong dalawa. Gusto ko pagbalik ko dito mamaya, wala na kayo." Hindi ko na hinintay pang makasagot ang dalawang yun at mabilis akong lumabas ng opisina ko. Naabutan ko naman si Maureen na handa na rin. Isang tipid lang ginawad ko siya sa kanya bago namin sabay na tinungo ang board room.

Nasa elevator pa lang, ramdam ko na ang kaba na hindi ko malaman kung para saan.

Hindi naman ako dapat kinakabahan ng ganito. Okay naman kami ni Mommy. Wala naman kaming hindi pagkakaunawaan. Pero, jusko. Hindi ko alam kung dahil ba sa aircon kaya nanlalamig ang kamay ko, o dahil sa kinakabahan talaga ako.

Bwisit na 'yan.

Mas lalong dumoble ang kabang nararamdaman ko ng tuluyan na kaming huminto sa floor kung nasaan ang Board Room. Kahit kabado, nagawa ko paring ihakbang ang mga paa ko.

"Ms. Stevens, are you alright?" Maureen asked, worriedly

I gulped hard before I immediately nodded. "Yes Maureen, I'm fine. Don't worry about me."

Alam kong gusto pa niyang magtanong pero mas pinili na lang niyang tumahimik.

Yan ang gusto ko sa kanya.

Ng makarating sa Board Room, naabutan lang namin si Kuya na kausap ang isang babae at isang lalaki na nakatalikod ngayon sa pwesto ko.

I just cleared my throat to catched there attention na napagtagumpayan ko naman. "I'm sorry I'm late."

Dere-deretso lang akong naglakad patungo sa pwesto ko at hindi binigyan pansin ang tingin nilang lahat sa'kin. At ng tuluyan na ko ng makaupo sa pwesto ko, doon ko lang sila tiningnan lahat.

Na bagay na hindi ko na pala dapat ginawa pa.

The fuck! Anong ginagawa niya dito?

"Raven" I murmured.

Maybe that's the reason why I felt nervous earlier.

At nakakainis lang na para akong tanga na nakatayo lang dito at mataman na nakatingin sa kanya.

Sa babaeng naging mundo ko at patuloy kong ginagawang mundo. Sa babaeng prenteng nakaupo dito at nakatingin din sa'kin.

Ang babaeng dahilan ng kasiyahan ko ay siyang dahilan din kung bakit ako nasasaktan ng ganito.

Mapait akong napangiti sa loob loob ko. Siya nga pala ang dati kong asawa na niloko ko, hinabol ko, at sa huli, pinagtabuyan niya ko.

Napatikhim na lang ako bago napa-ayos ng pagkakaupo. Sa loob ng ilang linggo na pagmumukmok, madaming nagbago sa'kin. Pero ang pagmamahal ko para sa kanya, ganon parin.

Wala paring pagbabago, mahal ko parin siya.

"So, let's start." I seriously said

Hindi ko alam kung saan ba ko titingin. Kung sa presentation niya ba o sa kanya. Halos maubos ko na din ang tubig na nasa harap ko ngayon.

Wala paring nagbabago sa kanya. Ang ganda-ganda niya parin. Yung mga ngiti niyang nagpahulog sa'kin, yung mga tingin niyang parang pati kaluluwa ko sinisilip niya. Lahat yun, na-miss ko sa kanya.

Kung maibabalik ko lang ang nakaraan, maaga pa lang aayusin ko na agad ang gusot sa relasyon namin. At kung maibabalik ko lang ang nakaraan, magiging mabuti at mapagmahal akong asawa sa kanya.

Bella Amor Historia: Cristina Helen StevensOnde histórias criam vida. Descubra agora