Kabanata 1

23.5K 964 735
                                    

Kabanata 1

Hindi mawala ang galit sa 'kin habang nagmamaneho ng motor.

Hindi ko rin maiwasang magtaka kung bakit hinayaan lang kami ni Xaira makaalis. Pinatay ko si Yara. Hindi pangkaraniwan ang ikinilos niya.

Dapat mas magalit siya sa amin. Lalo na't alam na niya palang wala na rin ang tatlong pinsan niya.

I'm doubting...

"Mas mabuting huwag muna," kalmadong sabi ni Vielle. "Malalaman ni Lucien kung tutuluyan din natin."

Tumango ako sa kaniya at mahigpit na hinawakan ang baril sa bulsa.

"Sa tingin mo, anong plano niya?" tanong ko at hinarap ang kapatid.

She shrugged.

"Hindi ko rin alam. Hindi ko mabasa si Lucien..." tugon ni Vielle.

Ano pa bang aasahan ko. Kahit si Azria Solasta, hindi ko rin mabasa ang iniisip.

Sang-ayon ako kahit na 'di ko alam ang pinaplano nila Lucien at Azria Solasta. Wala silang kahit anong sinasabi sa amin... maliban sa huwag munang kikilos.

A rule? I smirked devilishly. Another thing to break.

I turned my back and walked towards my Ducati. Wala akong narinig na kahit ano kay Vielle. Hinayaan niya lang ako. Pero alam kong may tumatakbo na sa isipan niya.

Hindi na 'ko nagtaka nang sumunod din siya.

"Saan?" awtomatikong tanong niya.

"Sa mga Bloodfeud..."

She nodded instantly.

I took out my phone before riding my Ducati. I dialed Atasha's phone number.

"Leuxia," she answered in a seemingly tired voice.

"Kamusta kayo ni Hattie? Nasaan kayo?"

"Ayos lang. Bumalik na kami nila Kael sa mansion," dire-diretsong sagot niya. "Si Hattie kanina pa umalis kasama si Terviel."

Tumango ako kahit hindi niya naman makikita.

"Okay," I remarked before hanging up the call. 

I frowned before putting it back inside my pocket. Vielle was waiting me to be done. I nodded at her as a sign.

We both started driving our motorcycle expeditiously. I forced myself to focus on driving even though my mind was clouded with the thoughts about my sister, Azea...

Mabilis din kaming nakarating kila Trevan. Pinapasok lang kami agad ng guwardiya nila. Nang makababa ay dumiretso kami sa hideout. Walang tao sa gazebo.

Sa bukana palang ay dinig ko na ang ingay nila. We saw them incomplete, sitting in their usual long table.

"Bakit may mga kalmot ka sa braso Terviel? Huh?" natatawang tanong ni Vlast sa kaniya, halatang nang-aasar ito.

"Aga niyan ha," humalakhak si Killian. "Pati sa leeg!"

"Walang pinipiling oras 'yan si Melendrez," gatong pa ni Krade at tumawa.

"Matinik," Zyon laughed.

Kyro looked at them perplexedly.

"Anong sinasabi niyo? Baka nadapa lang 'yan," sabi ni Kyro.

"Hindi ka inosente gaya ni Primo 'e, tanga ka lang talaga," iritang untag ni Zyon sa kaniya.

"Can you-"

Natigil sa Primo sa pagsasalita nang makita kaming palapit pa. Napatingin ako kay Terviel nang maalala sinabi ni Atasha na kasama niya si Hattie.

Pero bakit siya narito?

BLOODFEUD 2Where stories live. Discover now