18. Promenade Part 2. I want you to know

Start from the beginning
                                    

He's just wearing a white shirt, black jeans and a black leather jacket pero pak na pak. Kahit hindi yata ako kumain ng pitong araw makakasurvive ako tititigan lang sya. I wonder kung panu sya nakapasok since hindi sya nakaformality but who cares sya ang pinaka-gwapo dito and damn! He's freakin hot!! ♡.♡

Kahit mapang insulto ang tawa nya at ang sinabi nya e agad akong napatayo at niyakap sya. Hindi ko napigilan. Hindi ko alam kung anong nagtulak sakin na gawin yon. Siguro kalandian.. pero hindi e.. hindi naman ako dati ganito. Napakalinis ng pagiisip ko. Busilak na busilak. Pure na pure. Siguro, mahal ko na nga talaga sya o kung hindi pa ito love maaaring pinakamataas na level ng infatuation.

Hindi nya ako natiis, pumunta parin sya kahit kasama nya si Pocahontas. Maiiyak yata ako saya. Ang bango bango pa nya!

"Ohhh. What's this for?" He says while patting my back.

I poke him on the chest. "Ikaw! Akala ko ba German ka Indian ka naman pala!!"

He looks at me confused. He doesn't get the joke. "How do you know I'm German?" He asks after a while.

"Huh?" Hindi ba nya sinabi? Hays! Papunchline punchline pa kasi e wala rin namang silbi!! =____________=

Saka ko lang naalala kay Mario ko lang nalaman yon. "Obvious naman sa apelyido mo noh!" Palusot ko.

"How do you know my surname?"

"X______________X"

"Sa accent pala! Accent!! Hayss, don't be too obsessed with the details!" Hinila ko na sya papunta sa dance floor bago pa ako mabuking na stalker nya. Saka sayang ang oras maghahating-gabi na. Kailangang makarami.

* * *

I'm so scared that the way that I feel
Is written all over my face..

Parang nakakaloko yung kanta ah nagpaparinig na naman. Ano kayang title nito?

His hands on my waist.. Mine on his shoulders.. Ang saya saya!!

Bigla akong hinapit ni Heins. Yumuko sya at inilapit ang mukha nya sa may kanang tenga ko. (O.O)

We used to laugh
We used to hug
The way that old friends do..

*lab dub lab dub lab dub*

Pasira lang yung song patama na naman, may friends na naman akong narinig. Tsk. >.~

Pero ambilis ng tibok ng puso ko. We're so close to each other feeling ko tuloy nasa ibang dimension na naman ako. Haaaaaaaaay.... ^.^

..a smile and a touch of your hand
Just makes me come unglued..

The song is speaking for me.. that's exactly what I'm feeling right now.. unglued.. disordered..

"Hoy!!" Bwiset nabasag yata yung eardrum ko. Sinigawan ako ni Heins sa tenga. Sa kanan pa talaga!!! Tongue inah!!!!! :///

"Ano yon?!!" ">_______________'

"You're not listening. I'm asking ifyoswrychl?"

"Ha????!" Hindi ko naintindihan ninanamnam ko pa kasi yung kanta. Favorite ko na.

..is it fact or fiction?
Oh the way I feel for you...

"Have you seen Rachel??!" Sinigawan nya ulet ako sa kanang tenga. (°______°)

Bwiseeeeeet!!! Sana di ko nalang tinanong. Sabi ko na nga ba de javu na naman 'to e. Peste! Napeke na naman ako oh!! =___________=

Hinawakan ko ang pagmumukha nya at full force na inilayo sa mukha ko. "Hindi ako hanapan ng nawawalang malanding kapatid!" Timping timpi na ako. =______________=

"Selos ka lang!" Kinurot nya yung belbel ko.

"Ayy!" Napaigtad ako. Bwiset! May kiliti ako dun!!

Pinagtawanan lang nya ako. "Feel na feel mo naman!"

Yung mga kamay kong nasa shoulders nya mabilis pa sa kidlat na narating ang leeg nya. "Punong puno na ako sayo ah!! Grrrrrrrrrrr!!" :// Sinakal ko sya ng mahigpit na mahigpit.

Ginantihan nya ako. Habang sinasakal ko sya kinukurot nya yung belbel ko ng todo. So para kaming tanga, sinasakal ko sya nakikiliti naman ako. Syempre sayang saya naman ng lola nyo haha. Ang gulo inis na inis na talaga ako sa kanya to the point na gusto ko na talaga syang patayin tapos at the same time kinikilig ako? Ang gulo!!! (?___?)

So complicated..
I'm so frustrated..
I wanna hold you close
I wanna push you away
I wanna make you go
I wanna make you stay..

Grabe. Parang yung kanta ang gulo. Hate na hate ko na talaga sya pero lalo akong naiinlove? Bwiset!! Ano ba yon?? Seriously brain talaga?! What's wrong????!

..should I say it?
Should I tell you how I feel?

"Tama na!" Itinaas ko ang kamay ko na parang isang kriminal. "Suko na ako.." Humihingal ako. Nakakapagod din palang makipaglandian.

Tumigil na din sya. Hinawakan nya yung leeg nya. "Ahh.. it hurts.. you're such a- Hey!"

Wina-wasiwas ni Heins yung kamay nya sa harap ng mukha ko. Saka ko lang napagtanto nakataas parin yung mga kamay ko at napatanga na naman pala sa kanya. At para hindi ako mapahiya kunyari nagsasayaw nalang ako ng nakataas ang kamay at unti unting ibinababa ito.

..Oh I want you to know...

"I want you to know!!" Sinabayan ko pa yung kanta.

Napalinga linga si Heins sa paligid at tiningnan ako na para bang ikinakahiya nya. "It really puzzles me how you became my friend."

"Hoy! Baka nakakalimutan mo ikaw ang unang lumapit sakin!" =___=

"But you're the one who keep on chasing." He looks into my eyes and I know that it meant something.

..oh I want you to know..
..but then again I don't..

"Anong chasing chasing?" Baka chansing chansing haha.. Natawa ako sa naisip ko.

"Lumalapit ka naman e.." Dugtong ko. Nakaramdam ako ng hiya kaya napayuko ako.

"Maybe I want to be chased.."

>> Ő.Ő

Oh, it's so confusing!
I wish you'd just confess
But think of what I'd be losin'
If your answer isn't yes...

*laters* :)

[T/N: The title of the song is "Complicated" by Carolyn Dawn Johnson :]

THE WEDDING DRESSWhere stories live. Discover now