25.

268 13 8
                                    

May sasaklap pa ba sa sitwasyon kong ito.

Na nagpaplantsa ng damet nyang pang-date!

Susunugin ko na ito..

Tama. Sunugin na. Hindi ko na ma-take!

"What are you doing?!" Basag ni Heins sa pagtula ko.

"Nagpaplantsa." Pagtingin ko sa kanya, nanlalaki ang mga mata nya na na katuon sa damet nya.

Unti-unting bumaba ang tingin ko sa pinaplantsa ko at voila! Umuusok na. Agad kong inangat ang plantsa na kanina ko pa pala hindi iginagalaw.

"Hindi naman nasunog nagkulay brown lang." Pampalubag ko sa kanya.

Agad syang lumapit na tila hindi na humihinga. Kinuha nya damet nya at inilapit sa mga mata. Titig na titig sya doon.

"Sorry!" Napalunok ako sa takot. Hindi sya nagsasalita mukhang nagtitimpi ng galet. Agad kong hinugot sa saksakan ang plantsa mahirap na baka plantsahin pa nya ang kagandahan ko.

"E sabi ko naman sa'yo takot ako sa plantsa eh!" Paliwanag ko. Tiningnan lang nya ako at saka tumalikod ng hindi manlang nagsalita.

Hala! Mukhang seryoso!! Napakagat ako sa kuko ko. Ngayon ko lang syang nakitang ganun.

Sinundan ko sya pero sinalubong ako ng malakas na balibag ng pinto ng kwarto nya. Ang OA nya ha hindi naman kagandahan 'yung damet na 'yun. At habang nakatayo pa rin ako sa labas ng kwarto nya bigla nalang may nag-flashback sa aking alaala..

Napatutop ako sa bibig ko. Parang 'yon yung gift sa kanya ni Candy! On second thought, parang okay na rin. Napangiti naman ako ngayon. Lumalala na yata ang kasamaan ko. Napailing nalang ako. Nababaliw na yata ako.

Mga ilang minuto din akong nakatayo sa labas ng kwarto nya bago sya lumabas. Amoy na amoy ko ang pabango nya. Ang OA naman yata. Umaalingasaw. Nakakasura! At pinaghahandaan nya. Hindi ko napigilan ang pagkagusot ng mukha ko.

Nilampasan lang nya ako kaya ikinabigla ko ng bumalik sya. Muntik na akong kiligin dahil di nya ako natiis pero napansin ko ang kamay nyang nakasahod.

"Ano yan?" Taas kilay kong tanong.

"Upa mo. Advance dapat ang payment." Napapangiti na sya pero naiinis ako eh! Ang saklap saklap! Ipangde-date ba nya ang pera ko?!

"Ipang de-date mo lang eh! Para 'to sa food natin!" Dahilan ko.

"Aish! Eh di luge ako ikaw lang din naman ang kakain 'nun!"

"Hindi pwede! Kung mahal ka nya talaga kahit isaw lang ipakain mo sa kanya magiging masaya parin sya!"

"Sige bayaran mo nalang 'tong damet ko na sinabotage mo!" Saka ko lang napansin na suot pala nya 'yung damet pinatungan lang nya ng jacket.

"Hindi ko yan sinabotage!" Tanggi ko. Saka hindi naman talaga eh.

"Selos ka lang eh.." Pabulong bulong pa sya saka tumalikod na. Sumuko din.

Pagkasara nya ng pinto, para akong naupos na kandila. Bagsak ako sa sofa bed nya. Wala na yata talaga akong pagasa.

After five hours..

Wala pa rin sya. Hindi na matahimik ang utak ko. Yung feeling na naiimagine mong ang saya nya ngayon pero hindi ikaw ang dahilan. Yung alam mong sa mga oras na ito eh may pinakikilig syang iba pero ikaw mga koreanovela lang ang nagpapakilig sa 'yo.

Hindi ko alam kung pano o anong oras na ako nakatulog. Nagising nalang akong tanghali na at mukhang wala pa sya. Pagbangon ko may napansin akong kakaiba. Ilang minuto ko pang inisip kung ano. Saka lang luminaw ang lahat.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 20, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THE WEDDING DRESSWhere stories live. Discover now