18. Promenade Part 2. I want you to know

Magsimula sa umpisa
                                    

"Talaga? Tara pakilala nyo na ako!" Hinigit ko na sila agad agad papunta dun sa dalawang gwapo na kanina pa yata nahahagas sa pagkukumpulan naming tatlo. Iniisip siguro nila kung anong pinagme-meetingan namin.

"Ah George, Jensen, this is Abba our friend. Abba these are George and Jensen. Barkada ni Kuya from Trinity High." Todo pacute pa si Ivy sa pagi-introduce nya sarap batukan.

"Hi!" Nakipag kamay ako sa kanila.

"Hi." Walang buhay na bati ni George habang nagshe-shake hands kami.

"Nice meeting you Abba." Nakangiting bati ni Jensen. Nagniningning ang mga mata ko habang kinakamayan si Jensen. Mas bet ko ang isang 'to! ^__^

"Ehem ehem! Let's go." Si Tin pasira ng moment. Sabay abresyete kay Jensen e nagtititigan pa kami.

Tinabihan ko si Tin habang naglalakad kami papunta sa upuan na nakalaan samin. Nasa kanan nya ako sa kaliwa nya si Jensen. "Akala ko ba ishe-share nyo!" Bulong ko sa kanya.

Humarap sya sakin at pinanlisikan ako ng mga mata. "Narinig mo ba akong nag-agree!" Bulong sigaw nya.

"Tss. Damot!" X__X

Pasulyap sulyap samin si Jensen saka nagsalita. "What are you guys talking?

"Ahehe wala!" Nagkasabay pa kami ni Tin at nginitian sya ng peke.

* * *

Buti pa yung tatlo may kanya kanyang boylet at dahil wala daw lamangan sinayaw ako ng mga boylets nila which is mind-blowing and heart-bursting. Really. George, Jensen then Jeffy. I couldn't be more grateful to my friends, they're so generous hahaha.

Our school doesn't practice the traditional circle dance achuchu during prom. So at 12 midnight the main highlight of the event is the one they called square dance. So ayaw lang nila ng bilog ganun? Ang arte nila gusto pa square.

So dance dance dance lang sila habang naghihintay ng hating gabi habang ako e nakaupo lang sa isang sulok umaasang darating pa si Heins. Kahit mag aalas dose na e naghihintay parin ako, wala yata sa bokabularyo ko ang pagsuko. Kahit hindi na sya ang first dance ko basta makasayaw ko parin sya ngayong Valentine.

Anyways, my first dance went to.. ugh, George. Well I didn't have a choice, pinagdamot muna nila Tin at Jeleen si Jensen at Jeffy na mas gusto kong maging first dance kung hindi lang din si Heins. Pero wala. Pinagsawaan muna nung dalawa bago nila pinasa sakin. =_________=

Nangingiti na pala akong magisa. Nababaliw na talaga ako. Nangangarap na naman. Naalala ko kasi yung moment namin ni Jeffy kanina. Sakto yung song pa talaga e My Valentine nung nagsayaw kami. Kilig na kilig na sana ako kaso dyahe naaalala ko yung kiss nila ni Jeleen kanina so medyo awkward kami pero sulit parin natitigan ko ng matagal ang gwapo nyang mukha at nakipagtitigan din sa akin ang singkit nyang mga mata.. Haysssss ♡__♡ My Jeffy....

Oo na, masama na akong kaibigan dahil pinagiinteresan ko pa ang jowa na ng aking barkada. Pero tao lang ako.. Babae lang.. X_X Erase erase pasagwa na ng pasagwa ito yata ang epekto ng nagiisa habang ang lahat ay masaya. May kapareha. Samantalang ako, all alone in the dark, still waiting for my prince to wake me from this dream..

May narinig akong tumatawa sa likuran ko. Tawang mapang-insulto. o.O

"So where are those guys na nagkakandarapa sa'yo?" Ô.Ô

Pagharap ko. Tumigil ang mundo ko. I swear tumigil talaga nawalan pa ng sounds. Tumahimik ang paligid tapos feeling ko kami lang dalawa ang nage-exist. Totoo pala talaga yung mga ganoong eksena sa mga pelikula. Everything has stopped. But it didn't stop me from admiring him. Desiring him.. Wait. What? Pinatok patok ko ang ulo ko bago ko pa sya molestyahin sa isip.

THE WEDDING DRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon