Chapter 3

8 1 0
                                    

Sa pangawalang araw ay mga bandang tanghali ay sasakay na daw kami ng barko. Masakit na ang pwet ko at likod sa kakaupo sa bus at walang ginagawa. Sari saring reklamo na naman kaninang umaga ang aming narinig  ng dumumi sa Pinkie sa kanyang pampers. Dudumi talaga si Pinkie kasi meron siyang kinakain diko alam kung may common sense pa ba ang mga taong nandito sa bus na ito o sadyang galit sila sa katulad naming mga muslim. Ngunit hindi iyon sapat na dahilan upang pag lupitan kami gamit ang mga matatalim nilang mga salita.

Nakikita ko si Cald at Luther ngunit umiiwas ako dahil sa hiya. Di man lang ako naka pag salamat sa binigay na tubig. Panay ang kaway sakin ni Luther at ngiti sa tuwing lalabas ako ng bus para umihi or bumili ng pagkain. Samantala si Cald ay tahimik lang at laging seryoso ang muka. Diko na din siya nahuhuling tumitingin sakin kahit ilang segundo man lang.

Pumasok na ang bus sa ilalim ng barko upang makasakay. Bumababa nadin kami upang pumila para sa ticket namin sa barko. Halos diko maiwasan ang tingin sa dagat na sobrang linaw at sa malaking barkong sasakyan namin. Nakaka aliw tignan. Excited na akong makasakay. Tanging pangingisdang bangka ang meron sa baryo namin kaya hangang hanga ako sa aking nakita. Sobrang haba ng pila dahil sa dami ng pasahero dahil meron ding mag si datingan iba pang mga bus karga ang mga pasaherong tatawid din gamit ang malaking barko.

Madaming tumitingin sa akin habang akoy naka pila. Ang iba ay nandidri at ang iba naman ay bumubulong sa katabi. Tudo dedma nalang ako at mas tinuon ang pansin sa pila. Ako ang pumila para sa amin nina Aleng Celly. Mas pagod pa kasi sakin si Aleng Celly dahil siya ang nag asikaso kay Pinkie. Alam kong kakaiba ang kasuotan ko pero sakin normal na kasuotan ito. Tradisyon ko ito kaya kahit kailan ay diko ipagkakahiya ito.

Marunong ako mag salita ng muslim ngunit mas matimbang padin ang lenggwaheng tagalog para sakin. I was 7 years old nung lumipat kami sa mindanao. Tanging ingles at tagalog lang ang aking alam. Nasa ibang lugar kami nun diko na tanda kung saan. Hindi sa Manila. bago kami lumipat sa naka sanayan kong lugar. Ang Mindanao.

Mindanao is a great place. Nakakatakot mapunta dun ngunit sanay na kaming naroroon. Laging may bahid na takot ding dumadaloy saming mga katawan tuwing may away ang ibang panig na lugar laban sa amin. Kaya pinili naming manirahan sa maliit na baryo malayo sa bayan upang iwas gulo ng kaonti.


Mahaba ang pila siguradong matatagalam ako dito kakahintay ng upang ma aprobahan ang dala kong ticket para makasakay ng barko. Sigurado ding matatagalana ang pag alis ng barko dahil sa dami ng pasaherong nag si datingan.


Habang naka pila ako ako sa pangatlong pila ay nakaramdam ako na parang may nakatitig sakin. Palingon lingon ako baka sakaling mahanap kung sino yun. Hindi ako mapakali at di magawang maging kumportable saking pagkakatayo dahil sa titig na diko mahanap. Yumuko at pumikit. Hinawakan ko ang aking palda ng mahigpit. Gawain ko ito sa tuwing nahihiya ako or naiilang sa isang sitwasyon o isang bagay diko alam pero gumagaan ang pakiramdam ko pag may nahahawakan ako. Ng napalma ko na ang aking sarili ay ingat ko ang aking tingin sa unahan ng pila.


Kumalabog ang dibdib ko sa isang seryoso at walang emosyon na titig. Bat ganyan tumitig si Cald? Bat lagi siyang seryoso? May problema ba siya sakin? O isa din siya sa mga tao itong nandidiri sakin? Nakaharap siya habang daretso ang tingin. Diko masuri kung sakin ba talaga o sa likod ko. Ngunit bat ang lakas ng kutob kong sakin talaga siya nakatingin?

Napayuko ako dahil naiilang ako sa titig niya. Diko alam pero merong namuong galit saking sarili. Diko masuri ang kanyang titig kung nandidiri ba ito o may iba pa siyang ibang naiisip dahil sa relihiyon ko. Ang hirap basahin ng reaksyon ng muka niya.

Napapikit ako,ngunit na ibuka ko ulit ang aking mata ng may tumulak sakin galing sa likod.


"Ano ba! Aba kilos muslim! At mahaba ang pila wag patanga tanga. Ikaw lang ata ang nagpapatagal ng pila e."  Napalingon ako sa galit na Ale saking likod. Halatang galit siya isang tulad ko. Nakaramdam ako ng hiya dahil halos lahat ng pasaherong nakapila ay nakatuon sakin ang pansin. Napatingin din ako kay Cald. Mas dumilim ang titig niya at bahagyang napa igting ang kanyang panga.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 30, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bitter Where stories live. Discover now