Chapter 2

8 1 0
                                    

Nakasakay na kami bus papunta maynila. Mahabang habang byahe ito. Dalawang araw ang byahe namin dahil sa layo ng maynila. Gabe na at tulog na din si Aleng Celly at Pinkie. Nakakandong lamang si Pinkie sa hita ni Aleng Celly dahil pan dalawahang upuan lang ang meron sa bus na ito. Maingay din at malikot si Pinkie ng mag simula na ang byahe. Umiiyak iyak ito kaya nataranta ako at naiiyak na lamang. May nakapasak na dextrose  sa ilong ni Pinkie. Liquid lamang ang kinakain niya dahil di niya magawa ang ngumuya dahil naglilikot lamang siya. Pinapadaan sa dextrose ang pagkain ni Pinkie gamit ang. Gatas ang laging kong pinapakain ng sa ganun ay di siya pumayat at laging may energy. May pampers din siya upang di kami mahirapan pag dumi siya.


Pinagmasdan ko ang kapatid ko. Maputi ito,matangos ang ilong,may maliit at mapupulang labi. Isa siyang magandang bata ngunit hindi ganun kaganda ang buhay na meron siya ngayon. Hirap na hirap siya ganun din ako. Ang himbing ng tulog niya. Nilagay ko sa likod ng tenga niya ang iilang takas na buhok niya.

"Aahon din tayo." Hinalikan ko ang kanyang noo. Biglang dumilat ang kanyang inaantok pang mata at ngumiti. Nagulat ako dun at napangiti na din, nagsisimula na naman ang luhang handang tumulo. Inayos ko ang kumot niya at tiningnan siya ulit. Nakapikit na ulit ang kanyang mata halatang tulog na ulit.

Halos puro muslim lang din ang mga kasakay namin sa bus na ito. Ngunit paunti unti na kami habang pahaba na ang byahe dahil humihinto ang bus kung saan lang ang distinasyon nila. Taga labas ng isang pasahero may papalit namang isang normal lang ang kasuotan halatang di muslim. Halo na halo na ang pasaherong ito. Nasa likod kami nina Aleng celly kaya kita mula dito sa likod kung sino ang mga labas masok.

Napapamulat din ako tuwing hihinto ang bus. Sobrang hapdi ng mata ko pero diko magawang matulog ng matagal. Bawat hinto ng bus ay gumigising din si aleng celly para bumili ng pagkain o di kaya ay iihi. Ganun din ako lumalabas ng bus pag naiihi lang. Kumain naman ako. Paonti onti ngalang. Gabe na ulit sa pagkakaalam ko ay nasa samar na kami. Habang na sa byahe ay namamangha ako sa aking nakikita. Mga magagandang lugar. mga madadaming kabahayan at puno ng ilaw.

Napalingon ako ng biglang nag ingay si Pinkie. Alam kong gutom na ito kaya dali dali kong hinalungkat ang gatas niyang nasa tumbler ngunit sa kasamaang palad ay ubos na ito. Nagising din si aleng celly sa ingay ni Pinkie. Lahat ng pasaherong nasa ay mga tulog na kaya ang iba ay nagising at ang iba naman ay nagrereklamo.


"Pinkie,tahan na. Paghuminto ang bus bibili tayo ng tubig ng mapagtimpla kita ng gatas. Pls?" Pagmamakaawa ko sa kapatid ko habang hinahaplos haplos ang buhok niyang dumidikit ang iba sa muka niya dahil sa pag iyak. mas lalong lumalakas ang iyak niya kaya mas lalong nag reklamo ang mga pasahero. Natataranta na rin si Aleng celly sa ingay ni Pinkie.


"Riah, matagal pa bago huminto ang bus. Jusko, pinkie tahan na. Anak." Hinahagod niya ang likod ni Pinkie. Napapaubo na ito sa pag iyak.

Tumayo ako. Masama ang tingin sakin ng mga pasahero pero diko yun pinansin. Wala akong oras sa mga masasama niyong tingin. Gutom na ang kapatid ko kaya kailangan ko ng tubig para may maipagtimpla. Lumapit ako driver.

"Manong, pwede po bang huminto muna? Bibili lang----"

"Kapatid mo ba yun? Jusko naman ang ingay." Putol niya sa sinabi ko. Halatang galit siya sa ingay ni pinkie.

Huminga ako ng malalim. Mahapdi parin ang mata ko ngunit pinipilit ko paring dumilat ng maigi.

"Uh o-po. Pasensya na po. Pasensya. Kung pwede po sanang tumigil muna ang bus,bibili lang po sana ako ng tubig para may ipagtimpla." Nahihiya kong sabi habang nakayuko. Sana pumayag dina kaya ng tenga ko ang marinig ang grabeng iyak ni pinkie.

Bitter Where stories live. Discover now