Chapter 11

14.6K 359 4
                                    

To all my Readers, Maraming Salamat Po!!!... Nakikita ko po kasi na  kahit paano may nagbabasa sa story ko.. Alam ko po na maraming wrong grammar ito, intindihin niyo po sana si SweetDreamer88. Gusto ko lang po kasing e- share sa inyo ang story ko...

                                           SweetDreamer88

" where have you been kanina Iho? I called you at your office pero sabi ng secretary mo napa- aga daw ang alis mo,twice ka pa daw umalis ngayong araw na to" lihim akong kinabahan sa tanong na yon ni Sir Noah. Naroon ako sa isang sulok hinihintay ko na matapos silang kumain o kaya ay may i- utos sila. Yon kasi ang itinuro sa akin ni Manang Lydia kelangan nasa malapit lang ako ng mga amo ko para madali nilang masabi ang mga gusto nila habang kumakain ang mga ito. Hindi naman sila pala- utos  pag nasa hapag- kainan maliban na lang kung dito kumakain si Mam Jessica.

" I have a meeting with someone Dad" tinapunan ako ng tingin ng lihim kong nobyo at agad naman akong nagbaba ng tingin. Kong pwede lang sana si Tepang ang patayuin ko dito ay sana ginawa ko na, kaya lang bilang kusenera ay alam niyang obligasyon niya iyon.

" Someone huh! And when can We meet that girl ha Kuya? Tinig ni Janine. "

" What do youm mean Janine?" Tanong din ng Kanilang Mommy Joann. Nakita niya ang isang mabilisang kindat sa kanya ng lihim na nobyo at kinabahan siya doon.

" Oo nga naman Sweetheart hindi na bumabata ang binata natin, and I think its time for him to have a girl to be his future wife." Nakangiting saad ng Daddy nila.

" Dont worry Dad I allready found my future wife at ipapakilala ko rin siya sa inyo." makahulugan turan nito.

" Siguraduhin mo lang Jared na hindi kong saan- saan mo lang nakilala yan babae na yan ha" paalala ng Mommy nito.

" Dont worry Mom i make sure na hindi ba-og ang makukuha ko,  at buntis na siya pag ipakilala ko sa inyo." Pilyong saad nito at alam ko kahit nakayuko ang ulo ko ay tinatapunan niya ako ng tingin at nararamdaman ko rin ang pamumula ng mukha ko. Tawanan ang mag- aama sa hapag- kainan maliban sa Mommy ng mga ito na napapa iling.

Sa wakas ay natapos din kumain ang mga ito. Hapong- hapo na nahiga sa maliit na kama si Hukky. Hindi naman nakakapagod ang trabaho niya, pero pakiramdam niya ay pagod na pagod siya. Napagod siya sa nararamdaman tensyon habang pinapakinggan kanina ang usapan ng mga amo. Napangiti siya naalala ang sinabi ng binata  "bubuntisin ko muna bago ipakilala sa inyo" aba at may balak pa ata na umiscore agad sa kanya. No way hinding- hindi niya isusuko ang bataan niya. Nagulat pa siya ng biglang may humila sa paa niya.

" Hoy, Hukky yong boyfriend mong amo" Agad siyang napatayo sa pagkakahiga sa sinabing iyon ni Tepang at nakita niya ang nobyong nakangiti sa kanya. Lumabas naman si Tepang sa quarter nila para bigyan sila ng pagkakataon na mag usap.

" Bakit ka ba nandito,?papatayin mo ba ako sa kaba,? paano kung may nakakita sayo dito di nayari ako, baka akalain ng mga magulang mo nilalandi kita."  Itinulak niya ang binata palabas ng quarter nila.

" Teka lang naman Babe, wag kang mag alala nag ingat naman ako papunta dito eh, and I make sure na walang nakakita sa akin, maliban kay......"  Ibinitin nito ang sinabi

At agad naman siyang napatingin sa binata at kinakabahang nagtanong  "kanino? maliban kanino" dugtong niya.

" Kay Tepang Babe, " nakangisi nitong sagot.

At dahil kanina pa siya natetensyon ay hindi niya napigilang paghahampasin ang binata mahina lang naman iyon. " Ikaw talaga kanina ka pa eh, di mo lang kasi alam ang nararamdaman ko eh, hanggang langit kaya ang kaba ko tapos ngayon ito ka pa nandito ka paano nga kong makita ka nila" hindi na niya napigilan napaluha.

Agad naman siyang niyakap ng binata, mahigpit na yakap na agad nagpagaan sa kabang nararamdaman niya. " Sorry na Babe! sorry na! sige na  babalik na aq sa room ko in One condition"  Tinaas nito ang mukha niya at tumingala naman siya rito.

" Ano na naman yon"

" Use your Cellphone, para anytime na gusto kitang kausapin ay matatawagan kita" mahina at may lambing ang pagkakasabi niya.Pero kinilig ako sa sinabi niyang yon. Ganon ba talaga ako kamahal ng lokong ito.

" Pero..."agad nito pinatahimik ang labi ko sa mga halik niya.

" Walang pero pero Babe. Just do it Babe Please." nagsusumamo ang mga mata nito.

" Ok" maikling sagot ko pagkarinig nun ay isang mabilisang halik ulit sa labi ko at lumabas na ito ng quarter.

" Now na Babe ha tatawagan kita pagkapasok ko sa room ko, pag hindi pa kita matawagan babalik ako uli dito. I love you much" Sabi pa nito bago tuluyang lumabas ng quarter.

Kulit talaga ng nobyo nyang yun. Mabilis niyang kinuha sa aparador ang cell phone at Ini-on yon. Pumasok na si Tepang sa quarter nila

"Hay salamat wala na ang boyfriend mo makakatulog na rin ako sa wakas" naghihikab na ito pero napalapit sa kama ko at na upo roon ng makita ang cellphone na hawak ko.

" Wow smartphone, ang ganda niyan at mamahalin yan Hukky, tagal ko ng pangarap yan hindi ko lang talaga siya afford" nanlalaki ang mga mata nito.  "Swerte mo sa jowa mong babae ka.. galante" ang mga mata ay nakatuon pa rin sa gadget na hawak niya.

" Ayaw ko nga sana tanggapin ito Tep eh, nahihiya kasi ako baka isipin niya hinuhuthutan siya" totoo ang loob na sabi niya.

" Sus, bakit hiningi mo ba yan sa kanya, hindi naman diba so why worry..? " pinatirik pa nito ang mata. Natahimik sila pareho ng nag ring ito.  Kasabay ng pagtugtog ng music na Pangako Sayo ay nasa screen

rin ang gwapong mukha ng binata.
Ikaw, ikaw pala ang hinihintay kong pangarap
Ngayon kapiling ka, at tayoy iisa hindi ko hahayaan na sa atin ay may hahadlang....
Pangako sayo, ipaglalaban ko.
Sa iharap at ginhawa ang ating pag- ibig.....
" hoy Hukky sagutin mo na yan. Tumatawag ang boyfriend mo oh" untag sa akin Tepang. Napansin ko na lang na tumulo na naman ang mga luha ko, napakababaw naman nitong luha na ito. Ini- slide niya ang green icon (answer) sa screen.

" Hello" parang musika yun sa pandinig niya pero hindi siya makapagsalita. " Hello Babe" Ulit pa nito ng walang marinig na sagot mula rito.

" Umiiyak kasi yan, lagot ka pina iyak mo kasi" sigaw ni Tepang. Narinig naman yon ng binata sa kabilang linya. Binatukan niya si Tepang. Tumayo siya at nagtungo sa cr.Alam niya hanggat nandoon siya ay sasabat sa usapan nila ang malantod na kasama.

" Babe bakit ka umiiyak" nag alala ang boses nito.

" Ikaw kasi" hindi na niya talaga mapigilan, yong kilig kasi na nararamdaman niya na kanina pa niya pinipigilan ay sa iyak na niya idinaan.

" Ako? Bakit ako anong nagawa ko" naguguluhan nitong tanong.

"Yong ringtone kasi nitong phone" mahina niyang sabi rito.

Narinig niya ang mahinang pagtawa nito " Ibig sabihin kinilig ka, gwapo ba ako jan Babe?" tanong nito

" Hindi ako kinilig na touch ako, oo naman pero mas gwapo ka sa personal" biro niya rito.

" Naku Babe wag mong sabihin ng harapan sa akin yan at baka palahian kita agad.siguradong mas gwapo ang magiging lahi natin" birong ganti nito

" Naku tigilan mo ako Jared Guzman, gusto ko pang mag aral para pwede mo na akong ipakilala sa mga parents mo pag nakatapos ako."

" Matatanggap ka rin nila Babe, pag may baby na tayo kaya gagawa na tayo soon"Para siyang kinikiliti sa tinuran yon ng kasintahan.

" Tumigil ka nga Jared, kinikilabutan ako sayo." nakasimangot na talaga siya. "Sige na matulog ka na, maaga pa ang gising ko bukas, anong gusto mong breakfast bukas" tanong niya sa nobyo.

" Ikaw" sagot agad nito  pero binawi rin agad ng hindi siya sumagot. " Joke lang Babe, kahit ano basta luto mo kakainin ko" Pagkatapos mag I love you sa isat isa ay pinindot na niya ang end call button ng cellphone. Naiiling na lumabas siya ng cr, Tulog na si Tepang ng datnan niya ito. Humiga na rin siya at agad na nakatulog na may ngiti sa mga labi

My Bossing is my LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon