Chapter 32

12.9K 279 4
                                    

I cant help myself but to type all my imaginations here... Nagwawala ang utak ko at wala akong mapaglabasan, baka mag explode..

My sorry sa naging behavior ko... It doesnt mean anything.. Hindi po ako galit pero nagtatampo... Yon lang.. At dahil naaantok ako dito sa work ko at para hindi ako antukin kaya ito gumanang muli ang utak ko.... We are all friends here.. No more "nakakawalang gana" comments ha... Again my sincerly SORRY sa inyong lahat....

CHAPTER. 32

JARED POV...

Tumulo ang mga luha niya sa pagbabalik tanaw niya limang buwan ang nakaraan.

Hindi pa man nakakalapag ang eroplanong sinasakyan niya noon ay parang gusto na niyang tumalon doon. Naka usap niya thru skype si Janine at umiiyak ito kasabay ng pagbabalitang umalis si Hukky sa mansion nila. Bitbit daw ang mga damit nito, at mas lalo akong kinabahan ng tawagan ko ang cp niya pero walang sumasagot. Binaha ko pa siya ng text at nagmamaka awang sagutin niya yon. Kaya kahit hindi pa tapos ang mga dapat atupagin ko London ay nagmamadali akong uwi ng Pinas.

Pagdating ko sa bahay namin ay agad akong dumeretso sa quarter ng mga katulong at doon sa unang pagkakataon nagwala ako ng hindi ko madatnan doon si Hukky. Nakita ko ang cp na bigay ko, at mga damit na na sa pagkaka alam ko ay bigay ni Janine sa nobya. At nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang isang sobre at ng buksan ko yon ay puro pera ang laman.

"Sir pinapasabi po ni Hukky na wala daw po siyang binawas dyan, Sa katunayan Sir hindi namin parehong alam kong magkano yan." Tinig ni Tepang yon.

"Kay Mommy ba ito galing?" Ramdam ko ang paninikip sa dibdib ko dahil sa nararamdaman kong galit. At mas lalong sumabog ang galit ko ng tumango si Tepang.

"Nasaan si Hukky, alam mo ba kong nasaan siya"? Nanginginig na ang boses ko, nakakahiya man aminin pero tumulo ang luha ko sa harap ni Tepang.

"Hindi po Sir, hindi ko po alam?"

Pero hindi ako naniwala sa kanya. Mabilis kong tinungo ang sasakyan ko at pinaharorot yon papunta sa bahay ng kababata ni Hukky. Pero pagdating ko doon isang malakas na sampal ang bumungad sa akin, sampal galing kay Shirly. Pero hindi ako tumigil halos lumuhod ako sa kanya nagmamaka awa ako sabihin lang ang kinaroroonan ng babaeng labis kong minahal.

"Hayop ka Jared, wala dito ang kababata ko, kasalanan mo lahat ito sana hindi mo na siya pinaki alaman."Hiyaw nito sa akin

"Shirly hindi ko lahat ginusto ito, Parang awa mo na kailangan ko siyang maka usap" pagmamaka awa ko.

"Parang awa mo na rin Jared. Sir Jared wala po akong ibang kakilala na pwedeng puntahan ng Bestfriend ko, Ni kamag anak wala siya. Hindi ko rin alam kong saan siya hahanapin. Alam ko marami kang pera Please gawin mo ang lahat ibalik mo sa akin ang kababata ko. Parang awa mo na" at sa mga sinabi nito doon ko napatunayan na wala nga dito si Hukky.

Isang Linggo na rin siyang nagmamasid sa hindi may kalayuan..Noong mga nakaraang araw ay malaya niyang nakikita at natitigan si Hukky.Kitang-kita niya ang bawat galaw ng mga taong bumibili sa tindahang yon. Kanina pa siya naka upo sa loob ng kotse niya at naiinip na siya kasi hindi pa niya nakikita ang babaeng labis niyang minahal at nagdulot sa kanya ng napakasakit na pakiramdam pagdating sa usapang pag- ibig.

Mixed emotions ang naramdaman niya ng isang araw ay biglang dumating sa opisina niya ang private investigator na inupahan niya para lang mahanap si Hukky at ibinalitang sa wakas ay natagpuan na ito. At nasuntok pa niya ang dingding ng opisina niya ng malamang nasa Batangas ito at nakatira sa dati nilang kusinera. Bakit nga ba hindi ko naisip agad yon. Bulong pa niya sa sarili.

Wala siyang inaksayang oras, noong araw din yon ay agad niyang pinuntahan ang address na binigay. Tuwang-tuwa siya dahil sa wakas makakaharap at makaka usap na niya itong muli.

Agad naman niyang nakita ang lugar na yon lalo na at malapit lang sa pampublikong paaralan ang bahay ng dating kusenera nila.Para lang magulat at manlumo sa nakita niya. Si Hukky Roose buntis na, may kasama na itong lalake na sa hinala niya ay siyang asawa nito dahil sa paghawak nito sa tyan niya. At napag alaman din niyang teacher ito base na rin sa uniform na suot nito.

"Bakit Hukky, ang bilis mo naman nakahanap ng ipapalit sa akin, at nagpabuntis ka pa talaga agad." Bulong niya sa sarili habang inuuntog ang ulo sa manibela ng sasakyan.

Nagpropose siya kay Sam dahil ipapalaglag daw nito ang ipinagbubuntis niya pag hindi ko siya pinakasalan. At dahil sa takot kong gawin niya yon sa dugo at laman ko ay napilitan ako..Pero never akong tumabi sa pagtulog niya at paulit-ulit kong pinapamukha sa kanya na pakakasal ako sa kanya hindi dahil mahal ko siya kundi dahil lang sa batang ipinagbubuntis niya. But month before our wedding nalaman mismo ni Janine na hindi totoong buntis ito. At para makumpirma kinaladkad ko siya papunta sa isang OB at doon nga nalaman namin lahat na hindi siya buntis which is true kasi hindi ko talaga maalala na may nangyari nga sa kanila ng gagang babaeng yon. Muntik pa niya itong mapagbuhatan ng kamay sa pagsisinungaling niyang yon. Napakahayop niya talaga sa paningin ko.

Habang si Mommy at Jessica naman ay todo ang hingi sa akin ng tawad dahil nakita nilang lahat kong gaano ako naging miserable sa pagkawala ni Hukky sa buhay ko. Limang buwan na rin akong hindi umuuwi sa mansion. At sinabi ko sa kanilang hinding-hindi ako uuwi doon ng hindi ko kasama si Hukky. Pero paano na nga ba ako uuwi doon kong may iba ng asawa si Hukky. Muli nahampas niya ang manibela ng sasakyan.

Pagkamalas ng kwentong pag-ibig niya.. Pero Bago sila tuluyan maghiwalay ng landas ni Hukky gusto muna niyang manumbat dito, dahil siya ginawa niyang lahat para matagpuan ito pero ito nag asawa agad at nagpabuntis pa agad ng hindi man lang inaalam ang totoong pangyayari.

Dahil kong meron mang may kasalanan at dapat sisihin sa nangyari sa kanilang dalawa. Ngayon niya napagtanto sa sarili na hindi ang Mommy niya at si Samantha at mas lalong hindi siya ang may mali. Kong hindi si Hukky dahil napakahina niya at napakadali niyang umibig sa iba. Ayaw pa niyang magpabuntis sa akin pero sa ibang lalake nakabuo agad.

Kaya tuloy sa ilang araw niyang pabalik balik roon,Dahil talagang kumukuha lang siya ng tamang pagkakataon para magkaharap ng babae . Ilang ulit din niyang pinag aralan ang pinakamasakit na salita na maari niyang ibato sa mukha sa babaeng mapaglaro sa pag-ibig.

Oo mapag laro sa pag-ibig si Hukky.. Kasalanan niya lahat bakit ako nasasaktan ng ganito ngayon.. Kaya pala napakadali sa kanya ang iwan ako, napakadali sa kanya ang magpakalayo dahil may ipapalit na siya sa akin. Damn you Hukky, Your killing me so hard.. At sana nga pinatay nalang ako dahil sobrang nadudurog na ang puso ko, ang buong pagkatao ko.. Naibato ko ang cp na hawak ko sa bintana ng sasakyan ko at naging dahilan yon para maglikha ng kalabog dito sa loob.

My Bossing is my LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon