Chapter 5

16.4K 358 4
                                    

To all readers! Thank you so much po... Feel free to post your comments.. I want you to be my inspiration, at aasahan ko po ang mga presensya nyo....

SweetDreamer88

Thanks God its Friday afternoon.Pag weekend kasi pwede kaming gumising ng 7am tanghali na kasi sila pumapasok sa opisina.Si Janine naman ay tanghali na rin gumigising kasi walang pasok sa school.

3pm nasa gilid ng pool silang dalawa ni Tepang.Busy si Tepang sa kakatext siya naman ay tuwang tuwa na sinasawsaw sa pool ang kaliwang paa. Hindi nila namalayan ang pagdating ng among binata.Palibhasa remote control ang gamit nito sa pagbukas ng gate kaya hindi na ito nagbusina pa.

"Hello" sabay silang napalingon ni Tepang kay Jared. Ang gwapo ng binata at ang kisig nito sa suot na pang opisina.Napatayo siya agad ng makitang palapit na ito sa kinaroro- onan nila.

" Sir napa aga po kayo" tanong ni Tepang.

" oo nga eh, tapos na kasi ang mga gawain ko sa opisina." Sagot nito pero ang mga mata ay nakatingin kay Hukky.Unang pagkakataon na nakita siya nitong nagsuot ng short. Sa 3 linggo niya kasing paninilbihan sa mga ito ay panay jogging pants lang ang suot niya.Litaw ang kanyang mapuputi at makikinis na mga hita.

" Sir ano pong gusto niyong meryenda ipaghahanda ko po kayo" naisipang tanong ng binata.

" No need may dala akong meryenda nasa kitchen saka hindi ka magluluto ng dinner kasi may party na e- aattend sila mommy at daddy and im sure na sasama si Janine sa mga yun". Paliwanag nito. " Tepang pwedeng pakikuha naman ng meryenda natin sa kitchen" utos nito sa kasama ko.

" okey sir" kumindat pa ito sa akin bago umalis.Umupo si Jared sa upuan nandoon.

" upo ka" turo nito sa upuan nasa tabi nito nakita kasi nitong nakatayo lang ako sa harap niya. " ikaw din mangangawit ka jan" Napatingin ako sa upuan na itinuro nito. Nanginig ang mga tuhod ko sa presensya nito. Umupo ako sa tabi niya.Katahimikan ang namayani sa amin dalawa at pakiramdam ko ay naririnig nito ang pagkabog ng puso niya. Ilang saglit lang ay dumating na si Tepang bitbit ang Pizza at 3 can na softdrinks.

" First time nyo pong manglibre Sir ha" nagsalita si Tepang kahit punu ang bunganga nito.

" Wag kang mag alala Tepang dadalasan ko ang panglilibre sa inyu" Sagot ng binata pero ang mga mata ay nakatingin kay Hukky. " Kain ka Hukky you look skinny, magpataba ka" baling nito sa kanya.

" Ay naku Sir hindi po skinny si Hukky. sexy po siya, at tignan nyo po Sir nag kulay pink po sya" pang aasar nito sa kanya.

" Tigilan niyo nga ako" Pinandilatan niya ng mata si Tepang. Paano nga naman siya makakain ng maayos kung panay ang titig sa kanya ng binata.Kung wala lang siguro ito sa harap niya ay baka kanina pa siya nakikipagpaligsahan sa pagkain kay Tepang.

Pagkatapos kumain ay nagpa alam  si Tepang sa kanila may gagawin pa daw kasi ito sa loob pero alam niya base sa kindat at ngiti nito binibigyan lang sila ng binata ng pagkakataon na makapag usap ng silang dalawa lang.

" Thank you po sa meryenda ha"  basag niya sa katahimikan nila. Pero iba ang sinagot ng binata sa kanya.

" May boyfriend ka na ba"

" Naku Sir wala pa po talagang nagkakamali katunayan nga po ay member po ako ng samahang NO BOYFRIEND SINCE BIRTH"

Umaliwalas ang mukha ng binata sa narinig. " talaga Huk sa ganda mong yan"

" Hahaha amasona po kasi ako sa probinsiya namin kaya takot ang mga boys sa akin" Natawa naman ang binata sa sagot niya.  Marami pa silang napag usapan napalagay agad ang loob niya sa binata. Nalaman niya mula rito na close sa isat isa si Jared at Janine, maliban daw kay Jessica na sadyang masungit talaga. Oo nga naman ilang beses na rin kasi niya itong nakita at lagi siyang sinusungitan nito bruha nga ang tawag ni Tepang dito.

Pagdating ng alas 6 ng hapon ay umalis ang binata pero ilang minuto lang ay bumalik ito bitbit ang isang buo lechon na manok sabay silang naghapunan.  Hindi ito aattend ng party hindi naman daw ito mag eenjoy doon. Pagkatapos kumain ay umakyat na ito sa kwarto niya.

Nakahiga na sila ni Tepang ay hindi pa rin siya tinitigilan nito.

"Ang lakas ng tama ni Sir Jared sa beauty mo. Alam mo ba sa 2 years ko dito  wala akong maalala na sumabay sa pagkain sa mga katulong yan si Sir. Ngayon lang talaga." 

Nagtalukbong siya ng kumot naiingayan na talaga siya sa kasama niya kilig na kilig ito. Akala nito ay natutulog na siya kaya nanahimik din ito sa wakas.Alam niya sa sarili niya na tama ito at ramdam niya sa mga titig at kilos nito na may pagtingin ito sa kanya.Pero alam din niya ang katotohanan na amo niya ito at kahit pagbaliktarin man ang mundo ang katotohan yon ang hahadlang sa pagtingin niya para sa binata.

My Bossing is my LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon