Pagsisisi

408 9 0
                                    

*ASin*

Part15

Loisa*
POV

Nagising Ako na nakahiga dito sa Maliwanag na Lugar. Iniisip ko siguro Patay na ko at Siguro eto na yung Daan pero paano ang Anak ko.

"Loren." Bulong ko.

"Ma'am? Nako, tatawagin ko po si Doc. Relax lang po kayo Ma'am." Boses Babae.

"Doc? Anong Doc." Bulong ko.

"Nandito po kayo sa Ospital Ma'am. Mag i isang Buwan na po kayong Tulog. Salamat sa Diyos at Gising na po kayo. Tatawagin ko lang po si Doc." Sabi ng Babae.

Lumingon Ako sa Kanan ko.
Nurse pala yung Kausap ko at hindi Anghel.

Nag-iisa lang Ako ngayon dito sa Kwarto na to.
Iniisip ko kung paano na yung Anak ko kung namatay Ako.

Tumingin Ako sa Bintana na nasa Kaliwang Banda naman.

"Loren." Bulong ko.

Naupo Ako dito sa pagkakahiga ko.

Nang bumukas yung Pinto lumingon Ako agad dun at hindi inaasahan na makikita ang Mukha ng Demonyong Bumaboy Saken.

"Hi." Sabi ni Edward.

Hindi Ako sumagot.
Inalis ko agad tong tingin ko sa kanya saka ko Pumikit at hinihiling na sana ay Panaginip lang ito.

"K'Kamusta ka na?" Sabi nya.

Nakapikit lang Ako at hindi sya pinapansin.
Gusto kong Makatulog ulit para hindi ko sya Marinig at Maramdaman na nandito sya sa Paligid ko.

"Loisa. Nagugutom ka ba?" Sabi nya.

Hindi Ako sumagot.

"Uhm, Ma'am,Sir nandito na po si Doc." Sabi nung Babae.

Idinilat ko na agad tong mga Mata ko saka ko tumingin sa Doctor na papalapit saken.
Inilawan nito ang Mata ko gamit ang Maliit na Flashlight.

"Ma'am. May masakit po ba sa inyo?" Mahinahon na sabi ng Doctor.

Hindi Ako sumagot.
Parang natatakot Akong magsalita na hindi ko maintindihan.

"Ma'am. Gusto nyo na po bang Kumain." Sabi nito.

Hindi Ako sumagot.

Ewan ko ba.
Ayoko makipag-usap sa Lagay kong to.
Masamang masama ang Loob ko na hindi ko maintindihan.

"Loren." Bulong ko.

"Oh, Si Loren po. Sya po ba yung Baby nyo." Sabi nito.

Tumango-tango Ako saka Ngumiti.

Naririnig ko si Edward na humahagulgol ng iyak dun sa kinauupuan nya. Hindi ko sya tinitignan kase Masama ang Loob ko sa kanya.

"Loren." Bulong ko.

"Sige po. Papupuntahin po natin si Loren dito ah. Kakain na po kayo Ma'am." Sabi nitong Doctor.

Tumango Ako.
Umatras na tong Doctor kasama yung Nurse at lumabas sila dito sa Kwarto.

Hindi ko maintindihan tong Sarili ko kase wala talagang Boses na lumalabas pag Gusto ko nang Sabihin yung Gusto ko.

"L'Loisa. P'Patawarin mo ko. Lasing Ako nung Gabeng nangyare yun. Naka Drugs Ako. Dala ng Sama ng Loob ko sayo kaya ko Gumamit." Iyak ni Edward.

Hindi ko sya pinapansin.
Basta naka-upo lang Ako dito at minamasahe itong mga Kamay ko ng Salit salitan.

"I'm so sorry. Masama lang talaga tong Loob ko kase hindi ko pala Anak si Idina kaya dinadamdam ko yun sa Loob ng ilang Buwan. Lagi akong umiinom ng Alak. Tapos nung Gabi na nangyare yung Saten. Lasing Ako tapos naka Drugs Ako. Akala ko nananaginip Ako. Paggising ko totoo palang sinaktan kita. Hindi Ako makapaniwala na nangyare yun." Iyak nito.

A Sin (COMPLETE)Where stories live. Discover now