CHAPTER 12: Hidden Truth

549 37 6
                                    


"Morsolo,I think makakatulong to" Saad ni Samuel at inabot kay Amorsolo ang isang plastic na zipper lock na may laman na isang hibla ng buhok.

"Sinisimulan na ang pag ddna sa bangkay ng mag-ina,Nagtugma ang dna sa step mother nyo pero yung kay Alex,Maybe bukas or the next day" Saad ni Morsolo,Tango tango naman si Samuel.

"What about yung sinasabi ni Claudio na may fault ang aksidenteng nangyari?" Tanong pa ni Samuel, "Isa pa yon,Sinisimulan nadin nilang imbestigahan" sagot muli ng pulis sa binata.

"I'm still not convinced na patay si Alex,Habambuhay kong pagsisisihan ang pagiging makasarili ko na dahilan ng pagkamatay nila" Malungkot na saad ni Samuel,Sya lang ang nasa office nito ngayon dahil busy ang dalawang kapatid sa business.

Marahan na hinawakan ni Morsolo ang balikat ni Samuel at tinapik ito,"Wag mong sisihin ang sarili mo,Wala kang kasalanan,Aksidente ang lahat ng nangyari"

"Hindi sila aalis,Kung sana lang hindi ko sinabi ang tungkol sa..shit" tuluyan ng naiyak si Samuel ng alalahanin ang nakaraan,Walang nagawa si Morsolo kundi pagmasdan ang binata na umiiyak sa kanyang braso.

Saglit na nagthrowback sa isip ni samuel ang lahat, "It was the day na inannounce ng mga Reyes at ni Papa ang tungkol sa arranged marriage namin ni Andrea,At arranged marriage din nila ni Camila--"

"--I don't know what is the reason bakit bigla syang nagwalk out kasunod ni Mama,I started that fucking conversation! Kaya ako ang dapat sisihin sa aksidente! I'm lure,I'm drowning in that thought morsolo! It was my fault! Ako dapat ang sisihin!"

Pagkekwento pa nito,Saglit nyang sinapak ang pader at idinatay ang ulo rito na sinusuportahan ng braso nya.

"May rason ang lahat ng nangyayari Samuel,Magtiwala kalang" Saad ng pulis at malamya na hinahagod ang likod ng malungkot na binata.

( Houston Methodist Hospital,Houston, TX, USA )

"Xandra? Xandra? Can you hear me?" Rinig ni Xandra ng maimulat nya ang mga mata nya,Nanlalambot at nanghihina sya,Ramdam din nya ang katuyuan ng katawan nya at panunuyo ng labi nya.

Dahan dahan syang tumango ng makita ang pigura sa gilid nya,Si Juno at nasa likod nito si Laura at Camila.

"Call the doctor" Saad ni Juno,At agad nagpresinta si Laura,Naiwan si Camila sa silid at nilapitan nya ang dalagang nakahilata.

"Here,Drink your water para dehydrated ka" Saad nito at tinulungan si Xandra na umangat sa kinahihigaan nya,Nagmamanhid ang katawan nya kaya si Camila ang nagpresintang painumin sya.

"Tawagan ko lang si Tita" Saad ni Juno at lumabas ng silid,Naiwan naman si Camila at ninakaw ang sandali para hawakan ang kamay ni Xandra.

"Where's Andrea?" Hirap na saad ni Xandra ngunit malinaw padin nyang naisaad,Dumaan ang kirot sa mga mata ni Camila ngunit agad din itong nawala.

"Nasa mansyon,Sya muna ang nagbantay sa rancho,Di pa kasi nauwi si Kuya kano" Saad ni Camila,Tango tango naman si Xandra at rahan na ipinikit ang mata.

Si Kano na nagaalaga ng nga rancho,Ilang linggo na kasi itong di bumabalik dahil sa namatayan sya ng anak kaya pansamantalang naghanap ang mga reyes ng veterinarian.

"Ano ng nararamdaman mo? Anong nangyari sayo nung isang araw?" Sunod sunod na tanong ni Camila,Agad naman syang nilingon ni Xandra.

"Okay lang ako,Sa pagod lang siguro" Sagot ni Xandra na para bang nakumbinsi si Camila sa sagot nito,Sabay naman nito ang pagbukas ng pinto at iniluwa ang doctor.

"Xandra Torres" Tawag pa nito habang hawak ang file,Kilala nya ang doctor na ito,Personal doctor ng kanyang ina sa California,At gumuhit sa kanyang isip kung bakit ito narito ngayon.

"Can you please uhmm,Iwan nyo muna kami ni Xandra?" Saad ng doktor na nasa 40's na,Tumango naman si Camila at Juno,Pati na ang nurse ay lumabas din.

Pagkasara ng pinto ay pinitik agad ang lock nito,Rahan rahan na lumapit ang doktor sa dalaga.

"Xandra" Tawag pa muli nito at lumapit sa dalaga, "Dok Garcia" sagot naman ni Xandra at mapait na ngumiti rito.

"Mabuti nalang at may contact ang iyong ina sa lahat ng hospital sa houston pati na sa texas,Kaya nung nalaman ko kagabi,Bumyahe ako agad papunta dito" Saad pa nito, "Salamat dok" Saad ni Xandra at syaka iniwas ang tingin nya rito.

"Xandra,Lumalala ang complications mo,Pag di ka pa nakahanap ng donor within 1 month,Baka wala ng pagasang mabuhay kapa ng mas matagal"

Malakas na bumuntong hiniynga si Xandra,At tumingin sa doktor."I dreamt about something,Na parang konektado sa buhay ko"

Tila nagulat si Garcia ng marinig pero agad nyang binawi ang sarili at sinagot ang dalaga,"You have dissociative amnesia,All about yourself was forgotten,but still,God is making a way to make you remember them"

"I know that it is worst,Kaya mas pipiliin ko nalang na di maalala" Saad ni Xandra sa sinabi ng doktor,Kinuha ng doktor ang mga palad nya at malumanay na hinawakan ito.

"Bibigyan kita ng reseta para sa mga gamot mo,To avoid commotions in your mind and also to your illness,Please,Sikapin mong makahanap ng donor,Don't let vengeance degrade you,Life is too short Xandra"

Nang banggitin ito ng doktor ay niyakap nito ang dalaga, "You'll be fine soon,God will provide" bulong nito syaka hinalikan sa noo ang dalaga.

Mapait na ngumiti si Xandra rito at ngumiti,Tinuturing nya ding kapamilya ang doktor dahil ito ang doktor ng kanyang ina.

"I love you Xandra,Anak nadin ang turing ko sayo,If nagmatch ako sa dugo mo,I would gladly accept my death to save you" Malungkot na saad pa nito,Agad pinunasan ng doktor ang luha sa ilalim ng salamin nya.

"Please don't tell anyone about this" Pagsusumamo ni Xandra bago lumabas ang doktor,Saglit na tumingin ang doktor at sinagot ito bago tuluyang lumabas,"I cannot promise,Xandra"

Tuluyan ng lumabas ang doktor,Kasabay ng pagpasok nila Camila at Laura,Nanguna naman si Juno rito.

Saglit nyang pinagmasdan ang dalawang nasa likod nito syaka bumulong sa sarili,

"Do they deserve to be played like this?"

A/N: Lungkot kayo? HAHAHAHAA ako din, Di ko pa irereveal yung iba para madami pang moments ang #TeamAndrea #TeamCamila #TeamLaura  

Thankyou for supporting!❣️

Venganza de los Torres (GxG) (COMPLETED)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum