But,

Hot.

Nagpaalam na ako sa kanila at pumasok sa kotse ko.

Pagkarating ko sa bahay, inabot ko nalang kay Mang Siso ang susi ng kotse ko para siya na ang mag-park.

Bigla akong tinamad eh.

Sumalubong naman sa akin ang mga batang pinsan ko pagpasok sa bahay.

"Hi Ate Kayeeeeee."

"I miss you po."

"You are so pwiti hihi." -,-

"Do you have jowa na ate?"...

Ilan lang 'yan sa mga sandamakmak na sinabi nila sa akin.

Apat kase silang magkakapatid na nasa edad 7 pababa pa lang.

2 girls and 2 boys, actually.

Hinalikan ko naman sila isa-isa at binuhat ang bunso sa kanila tsaka lumapit kay Tita Jen.

"Hi Tita! I miss you. Where's my chocolates?" I joked and winked at her.

"Hindi ka pa rin talaga nagbabago. Bawal sa 'yo ang  chocolates at baka tumaba ka pa." I pouted and she just laughed at my reaction.

"Iiwan daw muna niya dito mga pinsan mo hanggang bukas dahil may meeting siyang pupuntahan sa Pangasinan. Wala raw magbabantay," sabi ni daddy.

Tumango nalang ako at pinaglaruan sa  bisig ko si Yumi.

"Please be patient to them, Kaye at kuya ha." 

"Of course. Siguradong matutuwa rin mamaya si Hanna. Namiss niya ng magkaroon ng bata dito sa bahay eh. Baby damulag na kase si Kaye." Napairap nalang ako nang magtawanan sila.

Geh. Balakayojan. Itatakas ko ang mga batang 'to.

Alas-syete na ng gabi at mabuti nalang tapos ko na 'yong ginagawa kong report para bukas dahil ang iingay ng mga tiyanak dito.

Cute na tiyanak, anyway.

"Hey babies, what do you want to eat?"

Napatawa nalang ako nang biglang binato ako ng unan ni Ryan, ang panganay sa kanila.

"I want cookies ate, plsssss," Pagpapacute na sabi naman ni Tyra. Pinisil ko naman ang pisngi niya saka tumayo at sinuot ang slippers ko.

"Okay, wait for me ha? Kukuha lang ako ng snacks natin."

Bumaba ako at dumiretso sa kusina para kumuha ng pagkain.

Alangan namang sa CR diba?

I get the jar of cookies inside the cabinet and poured an orange juice for me and a milk for the kids in a glass.

Habang nilalagay ko ang mga ito sa tray ay naramdaman kong nagvibrate ang phone ko inside my pocket.

Kinuha ko naman ito at binuksan.

One message from unknown number.

'Yon ang nakalagay kaya kumunot naman ang noo ko.

-Hey! This is Aurcel. Hope you save my number <3

Napangiti nalang ako nang mabasa ang mensahe niya. Binigay siguro ni beshy ang numero ko.

Hanggang sa pag-akyat ko sa kwarto ay hindi pa rin matanggal ang ngiti sa labi ko.

"Snack time!" bungad ko pagpasok kaso iba ang nadatnan ko.

Gulong-gulo na ang bed sheet ko na kanina ay maayos pa. 'Yong mga unan ko naman, kung saan-saan na nakarating. Pero nanlaki na talaga ang mga mata ko nang makitang pati mga reviewers ko ay nakakalat na rin.

Futek.

Ibinaba ko muna ang tray at pinulot ang mga kalat. Nakahinga naman ako nang maluwang dahil wala namang napunit o nasira sa mga importanteng gamit ko.

Napa-facepalm nalang ako.

Kung hindi ko lang mahal ang mga batang 'to naku, tinapon ko na sila.

Chos. Bait a bata ako.

Binuhat ko na si Yumi at inaya ang mga kapatid niyang kumain sa balcony ng room ko.

Favorite place ko kase dito, lalo na kapag gabi. Ang sarap magmuni-muni lalo na pag may foods tsaka isama na rin ang super fresh air at ang scenery sa labas.

Akala ko mag-iingay pa sila habang kumakain pero mabuti naman at naging tahimik na sila at kalaunan ay inantok na rin. Tinawag ko naman ang isa sa mga kasambahay namin para tulungan akong ihatid sila sa guest room para matulog.

Hindi naman pwedeng magsama-sama kami dito sa kwarto ko dahil baka madaganan ko lang sila.

Tumambay muna ako sandali sa balcony at nakinig ng music para dalawin ako ng antok.

Sa kalagitnaan ng pagrerelax ko dito ay tumunog ang phone ko hudyat na may tumatawag.

Aurcel my baby is calling

Sinet ko na kase ang name niya sa contacts ko at wala akong matinong maisip na ilagay kaya 'yan nalang.

Kunwari may jowa ako.

"Hello?" alanganin ko pang sagot.

"Hey. Aren't you sleepy yet?" paos niyang tanong.

Shet. Ang hot.

"Hindi pa nga eh. Nagpapahangin nga ako dito. Ikaw ba?"

"Same. Kaya nga tinawagan kita. Feeling Close na ba tawag neto?" Tumawa siya pagkasabi nu'n at dahil nakakahawa ang kamandag ng lalakeng 'to, nakisabay na rin ako sa pagtawa niya.

Happy pill ata namin isa't isa.

"Ang keot mo talaga," bigla kong sambit kaya napatakip ako sa bibig ko. 

Aww sh*t. Landi mo Kaye.

"W-what?" 

Hindi muna agad ako nakasagot dahil ang bilis na ng tibok ng puso ko.

Ano bang ginawa sa akin ng lalakeng 'to at ngayon pa lang naman kami nagkakilala pero ganito na agad epekto niya sa akin?

"W-wala 'yon hehe," timang kong sabi. Napasapak nalang ako bigla sa noo ko.

Geez.

"Well, I heard it clearly anyway. Gusto ko lang namang ulitin mo."

Hindi ko alam kung uulitin ko pa ba eh narinig na naman niya.

Hai bohai. Baliw na ata ang lalakeng 'to...

Sa akin.

"But I think, you're cuter babe."

...

aknkwdbkdjkhdlwd













His HeatherWhere stories live. Discover now