May dumaang magtotropang lower year. Nag-apir sila at nagtawanan. May mga hawak silang cup ng siomai, sweet corn, at kwek-kwek. Nagtagal doon ang titig ko. Ang layo ng Garden Café.

"Gusto mo siomai? Bili tayo."

I pursed my lips and shook my head. "Balik na tayo sa room. Baka may makakita, pagala-gala pa naman si Ate. I mean, the rumors died down. At the end of the day, people don't care. But my sister, she's going to use this against me."

"Oh, okay. Naiintindihan ko naman."

Gaya ng nakagawian, nauna akong bumalik ng classroom. I looked at my wristwatch. Nagtaka ako sa tagal niya. Mahigit five minutes na pero wala pa rin siya.

"Ano kayang itsura ni Genesis kapag nagpapa-baby sa jowa 'no. Bili Alice, imagine mo." Lhaine giggled. Nananahimik si Genesis kaya napili niyang pagtripan.

"Yuck!" Pabiro niyang tinulak si Lhaine. "Ako? Makikipag-relasyon? No thanks."

"You sure? Hindi ka nagsasalita ng tapos?"

"Alice, napapansin mo naman sa paligid mo 'di ba? Wala na silang ginawang tama!"

I laughed with Lhaine. Genesis' grossed out reaction was too funny. "E malay mo naman, may matino pala." I shrugged.

"Bakit? Nakahanap ka na ba ng matino?" She squinted her eyes on me.

Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko rin naman sigurado kung matino si Maxon. Speaking of which, mauubos na ang oras ng break ay wala pa rin siya.

I was about to text him when the door swung open. Iniluwa nito ang hinahapong si Maxon.

"Master muntik ka na, parating na yata si Ma'am." ani Charlie.

My jaw dropped just by looking at him. Lalo na ang hawak niya. May dala siyang dalawang cup ng siomai!

Pinunasan niya ang pawis sa noo gamit ang bimpo. Naglakad na siya papunta sa upuan ko. Hindi nawala ang titig ko sa kanya.

"Sorry, ang haba kasi ng pila. Natagalan." inabot niya sa akin ang siomai. Dinamay na niya pati ang leeg.

"Thank you," nag-aalangang sabi ko. I don't want to disregard his effort. Hindi naman niya kailangang mag-abala. Pwede naman mamayang uwian bumili!

Tahimik si Lhaine at Genesis. It was like this became a confirmation of their speculation.

Mabilisan tuloy naming kinain ni Maxon ang siomai na binili niya. Muntik pa ako mabulunan dahil literal na ilang minuto na lang ay papasok na ang teacher namin sa next subject.

♪♪♪

"Alice, gusto mo ba siya?" Biglaang tanong ni Genesis sa akin.

"No!" I denied right ahead. I was shaking my head. Parang sinasabi ko na rin sa sarili ko ang sagot ko sa kaibigan.

"Nagtatanong lang naman!" She chortled. "Ngayon kasi parang nagiging malapit kayo sa isa't isa."

Nakaupo kaming tatlo sa mahabang upuang gawa sa bato. Hinihintay ko si Ate. Si Lhaine naman ngayon ay may hinahalughog sa bag at mukhang stressed na. Marahas niyang kinamot ang ulo.

"Fuck! Naiwan ko pa ang phone ko sa room." Bulalas niya. She stomped her feet like a kid. "Balikan natin, samahan n'yo ako." she pouted.

"Iwan na ako."

"You sure?" Gen asked me.

"Yeah, hintayin ko Ate Ariana."

Uwian na at hindi ko alam kung saan nga ba nagpunta ang dalawa. Sabi ni Lhaine may naiwan siya kaya sinamahan siya ni Gen. Samantalang ako hindi ako umalis sa pwesto ko dito sa garden dahil sa pagkakaalam ko sabay kami ni Ate ngayon. Anytime, pupunta siya. But just like her favorite thing to do, she kept me waiting.

When Heaven Smiled Место, где живут истории. Откройте их для себя