dagli #1

4 0 0
                                        

Saksakan sa Kapehan

Pagod na pagod si Kyline sa trabaho niya sa isang malaking opisina sa Makati. Sinabayan pa ng antok. Kaya napagdesisyunan niyang ituloy na lamang ang trabaho sa maliit na inuupahan niyang apartment.

Habang naglalakad siya papuntang sakayan, may nakasalubong siyang isang lalaki. Maitim, matangkad, mahabang ang balbas, at may dalang malaking bag sa likod nito. Nakatitig ito sa kanya. Nag-iwas siya ng tingin.

Naramdaman niyang sumusunod ito sa kanya kaya nang may namataan siyang isang coffee shop, pumasok siya rito. Umupo siya sa pinakasulok ng lugar. Sumilip siya sa bintana at namataan niya ang lalaki na nasa harap ng shop. Tila bang hinihintay siya.

Kinuha niya ang cellphone para magpa-book na lamang sa isang ride app ngunit lowbat ito. Nilingon niya ang sumusunod sa kanyang lalaki. Naroon pa rin ito sa labas. Lumapit siya sa cashier.

"May saksakan dito?" tanong niya pagkalapit niya sa babae na nasa harapan ng cashier.

Takot at pangamba ang bumalot sa mukha nang nasa harap niya, "Hala! Jusko! 'Wag naman po sana."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 25, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

DagliStories to obsess over. Discover now