ES IST

10.6K 459 51
                                    

“Use your power now, Feuer.”

Napatalon ako ng ihagis bigla ni Finster ang espada niya. Tumama naman ito doon mismo sa puwesto ko kanina. Shit. Muntik na akong mahati sa dalawa.

How can I fight him? I don’t even know what is my power. Biglang nawala ang espada na nakatusok ngayon sa lupa at nasa kamay na ulit niya bigla. T-teka. P-panong...

Huh?

T-teka!

Huh?! Waaa!

L-lu-lumulutang ako?!

Nakatingin sa akin si Finster at nakataas ang kanang kamay niya. Fuck. He is making me fly! Shit. Shit. Shit. Nagpalpitate kaagad ang puso ko ng sobrang bilis. Hindi naman ako takot sa heights eh. I am a fan of those but kung iisipin kaya lang ako nasa itaas dahil kay Finster.

Pwedeng-pwede niya akong ibalibag paibaba!

“Use your power, Idiot!” nanghahamong sabi niya sa akin. Naiinis ako sa kaniya. Baliw ba siya?! Bakit ba niya ito ginagawa? We are from the same family-the Lerious Family for crying out loud!

“Finster! Anong ginagawa mo?!” nakita kong patakbo sila Karten at Kette sa amin.

I heard him cursed.

T-teka. W-wag mong sabihing.

“Arrgh!”

“Ahhh!”

“No!”

Nakaangat na rin sa lupa sila Karten at Kette subalit hindi dahil sa kapangyarihan nila. He is using his powers. Natakot ako bigla. Anong ginagawa niya? Nahihirapan sila Karte. They are being strangled by his powers.

“Tigilan mo sila! Are you trying to kill them?!” nangingilid na ang luha ko sa takot at pag-aalala. Nahihirapan sila Karten. Kitang-kita ko ang panlalaban nila pero sobrang lakas ng kapangyarihan ng gagong iyon.

“Use your power or I’ll kill them.” Natigilan ako sa sinabi niya. T-totoo ba ang sinasabi niya?

I looked at Karten and Kette. They are slowly turning into loose strength. Even their breathing is slowly decreasing.

Bakit?! Bakit kailangan niya pang pahirapan ang mga kaibigan ko para lang sa Elemental Powers ko?! Bakit? Masama bang maging normal na tao kaya ganun na lamang ang galit niya sa mga katulad ko?

“Anong masama sa pagiging normal?” I asked. He gave me a strange look. “Anong masama kung normal ka na tao? May masama ba? Ano ngayon kung may kapangyarihan ka at ang ibang tao ay wala? Ibig bang sabihin non mas nakakataas ka?”

Mukhang nainis siya sa sinabi ko. “Wala kang alam! If you are blurting out like that, why don’t you show up your power?!”

Crittenden AcademyWhere stories live. Discover now