GEHEIMNISSE UND FRAGEN

10.4K 443 31
                                    

Kaliwa. No. Kanan. No. Kaliwa. No. Tengene nemen eh. Hindi ako makatulog. Nakakairita. Kanina ako pabaling-baling pero hindi ko pa din magawang makatulog. Pumapasok sa isip ko ang sinabi sa akin ni Karten kanina bago kami maghapunan.

"Lerious Students are the Warriors of the Academy. We fight and kill for this School. And that night when Finster tried to kill you, he was supposed to do a mission and ditched it. Naparusahan siya dahil doon."

Arrgh!

Hindi na ako nakatiis at bumangon na ako sa kama. Tiningnan ko sina Karten and Kette. Tulog na tulog sila. Napansin ko din ang pagkisap ng kuryente sa kamay ni Kette at ang hindi normal na hangin sa kamay ni Karten.

Kahit sa pagtulog lumalabas pa din ang kapangyarihan nila. I looked at my hands. Nothing is extraordinary. Wala akong nararamdaman. I sighed. Kahit na alam kong may kapangyarihan ako hindi ko naman kayang kontrolin ito.

Another sleepless night again for me? I guess so.

At dahil alam kong walang mararating ang paghiga ko at hindi naman ako makakatulog ay lumabas na lang ako ng dorm namin. I decided to walk outside. Lagpas ng alas-dose na ng madaling araw kaya wala ng mga tao dito sa labas.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ko pero I found myself in front of the Elders Room. It's like the room is calling me. Hindi ako pumasok. Hinawakan ko lang ang pintuan at dinama ang kapangyarihan sa loob.

Nasa ganoon akong posisyon ng hindi ko alam kung gaano katagal. Basta nakatayo lang ako sa--

"Ahhhh!"

What the? Isang malakas na sigaw ang narinig kong umalingawngaw mula sa likod ng Main Building. Shit. What's that?! Kaagad na tumakbo ako papapunta doon.

Sa likod ng building ay isang kagubatan na puno ng naglalakihang mga puno at halaman. It's a magical forest. Our professors warned us. Never entered that forest unless you are ready to die. F*ck. Anong gagawin ko?!

"Ahhhhhhhhh!" Shit! Ngayong mas malapit na ako ay nakikilala ko na ang boses na iyon. Karten!

"Karten!" sigaw ko habang patakbo na pumasok sa gubat. Habang papalayo ako sa main building ng Academy ay unti-unti akong nakakaramdam ng takot. What am I doing? I can't be doing this without someone to be with. Maaring mamatay ako.

"Ahhhhhhhhhhhhhhh!" Ang sigaw ulit na iyon ni Karten ang nagpabalik sa akin sa katinuan. I don't have time to think. I need to do this!

"Karten!" matapos ang mabilis na pagtakbo ay napatigil ako sa nakita ko.

Walang Karten akong nakita sa lugar na iyon. Walang sino man na humihingi ng tulong. Walang tao doon maliban sa akin at sa nilalang na nasa harapan ko.

"Circe." Napaatras ako ng isang hakbang dahil sa boses niya. Sa harapan ko ngayon ay nakatayo ang isang lalaki na nakasuot ng pulang kapa. Nakatayo siya sa gitna ng isang pabilog na apoy at ang mga mata niya ay nakatitig sa akin.

Pula.

Kulay pula ang kaniyang mga mata.

"Circe. Ibalik mo na siya." Hindi ako makagalaw ng magsimula siyang humakbang papunta sa akin.

I...I can't move.

Hindi ko maigalaw ang mga paa ko. Nararamdaman ko ang pagtulay ng mga butil ng pawis sa noo ko dahil sa kaba. Hindi ko maintindihan kung bakit dahil sa presensya niya ay nanlalamig ang buo kong katawan.

Crittenden AcademyTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang