PART TWENTY-SEVEN: THE ANGEL HAS FALLEN

Magsimula sa umpisa
                                    

"We'll stick with this, then?" tanong ni Casper at nagsimula nang basahin ang papel.

"Let's go!" sigaw ni Newt at kinuha na rin ang papel niya. Sinundan iyon ni Andrius na ini-ayos ang salamin niya at nagbasa. Si Avery naman ay kumuha ng ballpen para markahan ang kaniya.

Napangiti si Aubrielle nang makitang kahit papaano ay na-motivate ang lahat. Nang mapansin niyang balisa pa rin ako ay ngumiti siya sa 'kin.

"It's okay," she said. "I'll be fine. Aagawin ko pa sa 'yo si Casper."

Doon na ako napangiti kahit papaano.

"Aagawin mo eh ayaw nga magpa-agaw," bulong ni Newt.

"Respeto naman kay Judge Blake," pakikisali ni Avery.

Wala namang emosyon si Andrius at patuloy lang sa pagbabasa.

"Seriously, Aubrielle?!" sabi ni Casper. "Sasabihin mo talaga 'yon right in front of me?!"

"Bakit ba?" tanong ni Aubrielle pabalik. "Ikaw lang ba Casper sa mundo?"

"Bakit, nag-confess ka ba sa lahat ng Casper sa mundo?"

Nanlaki ang mga mata namin maging ang kay Aubrielle.

"Sunog ka ghorl, 'no?" nangingiting sabi ni Newt.

Nangingiting nailing naman si Traise. "Let's just start."

Doon ako napatingin sa kamay ni Traise. Mayroong sugat iyon malapit sa pulso niya. Nang mapansing doon ako nakatitig ay agad niya iyong itinago. Nakita naman iyon ni Andrius at nagpalit-palit ang tingin niya kay Traise at sa akin.

"Anong nangyari riyan?" tanong ko nang 'di na maka-tiis.

Mula sa pagbabasa ay nagtinginan ang lahat sa akin at kay Traise.

"Alin?" tanong ni Casper.

Itinuro ko ang kamay ni Traise na patuloy niyang itinatago. Tiningnan din nila 'yon.

"Ah, ito?" tanong ni Traise at ipinakita na iyon nang mapansing hindi kami titigil sa pag-usisa. "Nag-init kasi ako ng tubig kagabi. Nabanlian ako. Sa sobrang panic ko'y nabasa ko nang tubig. Lumubo siya. Masakit pa nga, eh."

Nakatitig din doon si Aubrielle. "Dapat nilagyan mo ng tooth paste."

"Tooth paste talaga?" tanong ni Newt.

"Ayun sabi, eh," sabi niya.

"I have an ointment," sagot ni Andrius. "I'm using it to cure my knuckles. I'll lend you some."

Napatingin ako sa kamay ni Andrius. Mas lalong namaga ang isang kamay niya.

"Thanks, man," sabi ni Traise at tiningnan kami. "Shall we start?"

Nagsimula kaming magplano at i-revise ang nauna na naming na-plano. Ang napag-isipan namin ay mahahati kami sa tatlong unit.

Ang unang unit ay ang rescuers na kung saan kung may mangyari man kay Aubrielle, ang tanging role nila ay bigyan ito ng first aid o itakbo mismo sa pinakamalapit na ospital. Ang ikalawang unit naman ay ang chasers. Sila ang naka-toka para mang-ambush. Para habang itinatakbo si Aubrielle ay may naka-focus sa paghabol sa suspect. And lastly, the security team. Sila ang naka-toka para sa pag-manage ng hidden cameras at microphones.

Na-assign ako bilang parte ng security team dahil na rin sa knowledge ko sa ganito. Si Avery ay nag-volunteer na rin dahil maalam siya sa camera angles. Si Andrius naman ay sumali na rin bilang part ng alternatives. Katulad ng kung may mangyari man sa microphones at sa cameras, may way pa rin kami ng communication.

"Kill Me, Attorney." (Law Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon