Prologue

13.4K 308 8
                                    

@Missimihmih's note:

Dedicated to herr! Salamat sa comment. Hahahah 


PROLOGUE

 

Mamamatay na ako, bulong ko sa sarili habang umiiyak na pinagmamasdan ang paligid. Napapaligiran na ng apoy ang buong bahay. Hindi na ako makahinga sa kapal ng usok. Mamamatay na ako.

“Tulong!” sigaw ko pero sa paos na boses. Nanghihina na ang katawan ko. Umiikot narin ang paningin ko. Siguro ito na nga ang katapusan ko.

Akmang ipipikit ko na ang mga mata ko nang biglang may isang lalaking tumambad sa harapan ko. He looks like an angel. But an angel with black wings?

“I will save you, love.” He whispered as he carried me. Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya gamit ang pagod kong mga mata. Am I hallucinating? Totoo ba itong nakikita ko o talagang mamamatay na ako kaya nakakakita ako ng ganito?

“W-Who are you?” I asked in a small voice. But instead of answering, he just stared at me while a smile is plastered on his angelic face. Teka, is he an angel? Siya ba yung anghel na susundo saakin? Pero bakit itim ang kaniyang pakpak?

Before I could even think twice, napansin ko nalang na nasa labas na kami ng nasusunog naming bahay. Nakita ko ang humahangos na mga magulang kong tumatakbo papunta sa pwesto ko. Ibinaba na ako nung itim na anghel na nagligtas saakin.

“Anak, okay ka lang ba? Wala bang nangyaring masama sayo? May masakit ba?” sunod-sunod na tanong ng mga magulang ko habang tinitingnan ang kabuuan ko atsaka ako niyakap ng mahigpit.

“O-Okay lang po ako.” Saad ko atsaka daha-dahang lumingon sa likod ko para tingnan yung itim na anghel. “Iniligtas po ako ng—“ Huminto ako nang makitang wala na ito.

“Anong pinagsasabi mo, anak?” nagtatakang tanong ni Mama.

Biglang kumunot ang noo ko habang tinitingnan yung kaninang pwesto nung itim na anghel. Wala na siya. Bigla siyang naglaho na parang bula.

“Natagpuan na niya ang anak natin, Anton.” Mahinang sabi ni Mama kay Papa na parang ayaw iparinig saakin.

Obsession Series II: TDPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon